Prologue

45 2 0
                                    

[EDITED]

Ano bang maganda sa mata ko?
It just an ordinary color brown, sabi ni mama maganda daw ang mata ko kase kahit hindi naaarawan ay talagang kulay brown siya.

Sinuot ko na ang makapal na salamin ko, hindi ako sumang-ayon na magsuot ng contact lens dahil ayaw ko. Inayos ko na rin ang magulo kong buhok at tinignan ko kung mayrong rumi sa braces ko na malapit ng tanggalin. Tinignan ko ang uniporme kong lagpas sa tuhod napakahaba nito.

Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin, at inaalala ang mga salitang binibitaw nila saken na Nerd? Nobody? Forever Alone? Panget? Ampon? why ampon, kase kilalang sikat na lawyer sina Mama at Papa at talagang maitsura sila tas ako daw mukhang kasambahay nila.

Hindi ko nalang pinapansin kase hindi naman totoo. Nagbuga muna ako ng hangin bago lumabas.

Lumabas na ako ng Cr, pupunta kase ako sa Library kasi may pinapakuhang books si Maam Castro. Ako lang daw kase ang pinagkakatiwalaan niya dahil sobrang tamad ng mga kaklase ko.

Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan nila ako at  pinagtatawanan, hindi ko na lamang ito pinansin.

Nakarating ako sa Library at tumungo sa librarian.

"Saan po matatagpuan tong librong to?" tanong ko sa librarian. Sabay abot ng maliit na papel na binigay sakin ni Ma'am Castro.

"Dun sa bandang yun Hija". sagot niya at tinuro sa bandang dulo ng Library.

"Maraming salamat po." ngumiti na lang ito bilang tugon.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa bandang dulo ng library.

Nakarating rin ako at nagsimula ng hanapin ang librong pinapahanap ni Ma'am Castro.

Bumaba pa ang paghahanap ko dahil letter S ang unang letra ng librong ito. Halos gumapang na ako, hanggang sa may narinig akong kumakanta.

Sinundan ko ang boses na iyun hanggan sa malaman ko kung kanino iyon. At laking gulat ko ng makita ko si Mattheo, nakapikit ang mata at kumakanta ng sweet night alam ko ang kantang yan dahil paborito ko rin yan.

Si Mattheo William Smith ay talagang pinagtitilian ng mga babae dito, nasa kaniya na ang lahat na katangian ng lalaki na hinahanahanap ng babae, siya rin ang may-ari ng Smith University.

Tumigil siya sa pagkakanta at iminulat ang mata niya at tumingin sa gilid niya, mas mabilis pa ako sa kabayo na nagtago naramdaman niya atang may nakamasid sa kaniya. nakita niya kaya ako?

Napagpasiyahan ko nalang na hanapin ang libro at umalis na. Ibinigay ko ito kaagad kay Ma'am Castro. Habang naglalakad ako at humarang na naman si Hannah, ang babaeng kinulang sa tela ang suot at kahit di ko naman ina-ano ay ang tindi ng galit saken kasama ang mga alipores niya. Ano na naman ba? pagod na ako!.

"Look who's here the ugly duckling slut." nakangising sabi niya.

Slut?

"Ano na naman ba Hannah hindi ba kukumpleto araw mo kung hindi mo ako inaaway." saad ko.

"Inaaway? I'm being nice here." inosenteng sabi niya.

"Tabi." utos ko

"What! inuutusan mona kami." si Hannah.

Hindi ko na siya pinakinggan linagpasan ko na siya pero hindi palang ako nakalayo sa kanila ay may humila agad sa buhok ko, isa sa mga alipores niya.

Ang sakit! parang matatanggal ang anit ko. May humawak sa magkabila kong braso at isa sa buhok ko. Nagsimula ng mamasa ang gilid ng mata ko.

Lumapit sakin si Hannah.

Sweet Night (Bangtan Series #1)(INCOMPLETE)Where stories live. Discover now