Chapter 7

8 1 0
                                    

Sam POV

Narinig na namin na nagsalita ang emcee.

"MAGANDANG GABI SA INYONG LAHAT, AKO NGA PALA ANG MAGIGING BOSES NG PARTY NA ITO, JOVAN MIGZ EVERYONE, HANDA NA BA KAYONG LAHAT SA PAWELCOME PARTY NG MALLFOY FAMILY, YES OR YES?."

Nagtawanan naman ang mga bisita dahil sa biro nito.

"KAYA ANO PANG HINIHINTAY NATIN, SO TATAWAGIN KO PALA SI MR. ALEJANDRO MALLFOY AT MRS. XANDRA RITZ MALLFOY NA MAGIIWAN MUNA SATIN NG ISANG PASASALAMAT DAHIL SA ATING PAGDALO!." sabi muli ni Jovan.

Lumabas ang isang lalaking matangkad, maputi at gwapo, hindi mo masasabi na maedad na ito dahil sa taglay na itsura niya, para siyang matandang bersiyon ni Alex kasama ang isang magandang babae na si Mrs. Xandra, nakasabit ang kamay ni Tita Xandra kay Tito Aled.

Nakangiti silang dalawa na lumapit sa mic.

"Thank you Jovan, good evening to you and we thank you for attending my son Alexander's Welcome Party. I know some of you don't know us very well so I hope tonight will have to know each other, And know that some of you know my only son Alexander, most of you are from Smith University right, so I know they already knows him, Enjoy this party. Thank you!." maaccent na pagbigkas nito.

Umupo na sila sa lamesa which is nandun din ang magulang ko at ang iba pang kaibigan nila.

"Hey, lets have fun tonight, ang ganda at sexy mo kaya tas di ka man lang sasayaw." sabi niya na bahagya pang kumekendeng.

"Hindi naman ako marunong sumayaw." nahihiyang saad ko.

"Kumembot ka lang at igalaw mo paa at kamay mo, let's go." huli na nung hinatak niya ako sa gitna ng mga nagsasayawan.

May naramdaman pa akong nakaapak sa paa ko kaya bahagyang naigalaw ko ito.

"Let's enjoy this night." sumasayaw na sabi ni Abby.

Kaya pasimple akong sumayaw.

Gosh! I hate it!.

Nakita ko si Abby na kumuha ng dalawang alak.

"Here." sabi niya sabay abot sakin.

"S-salamat." sabi ko at pilit na ininom, hindi naman sobrang pait.

Sumayaw lang si Abby ako naman ay ginagalaw lang ang paa habang hawak ko ang wine sa kamay ko. Nang naramdaman kong parang may humawak sa bewang ko kaya napaharap ako sa kaniya at laking gulat ko ng makita ko si Alex, sobrang ingay ng music pero alam kong normal ito dahil party.

"You're so beautiful and sexy tonight, Samantha." mahinang bulong nito habang hawak niya parin ang bewang ko.

"Thank you A-Alex." sabi ko.

"Let's dance, my lovely lady." hindi ko naintindihan ang huling sabi niya.

Kinuha niya ang hawak kong glass at saktong pinatong niya sa waiter na naglalakad.

Kinuha niya ang kamay ko at pinatong sa batok niya at naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko.

Idinikit niya ang noo niya kaya bahagya pa akong nagulat, nakapikit siya animoy dinadamdam ang musika.

Nasa kalagitnaan kami ng pagsasayaw ng may biglang humatak sakin.

Nakita ko si Alex na nakatinngin sakin, tinignan ko ang lalaking humapit sakin, si kuya.

Alam kong ayaw ni Alex ng away kaya nag-adjust na siya, tinignan ko siya at bumulong ng "sorry". Ngumiti na lang ito na parang naiintindihan niya.

"Baby." bulong ni kuya kaya napatingin ako sa kaniya.

Sweet Night (Bangtan Series #1)(INCOMPLETE)Where stories live. Discover now