Chapter 14

8 1 0
                                    

Sam POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom, tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 5:33 pa lang ng umaga, it's friday. Kaya tumayo na ako at nagtootbrush mo na, mamaya na ako maliligo dahil maaga pa naman. Bumaba ako at sobrang tahimik ang nadatnan ko, pumunta na ako sa kusina at nagtimpla na lamang ng gatas at umupo. Bahagya ko pang hinawakan ang aking benda, maliligo ako mamaya at papalitan ito.

Kamusta na kaya si Abby?

"Ang aga mong nagising." nagulat ako ng may narinig ko ang boses ni kuya. Halata sa kaniyang mata na kagigising lang nito dahil sa singkit ang kaniyang mata, at mas lalo pang sumingkit.

"Nakaramdam kase ako ng gutom kuya." sabi ko habang iniinom ang gatas.

Nakaplain white na V neck t-shirt siya at boxer, nakita ko siyang lumapit sa ref at kumuha ng maiinom dun.

"Then you should eat." sabi niya habang nagsasalin ng tubig sa baso. Ako naman ay iniinom parin ang gatas

"Hindi ko feel.", nguso ko at naramdaman kong umupo siya sa tapat ko.

"Kailan dadating si ate Sarah?." nasamid siya sa tanong kong iyon.

"Ang sama ng bungad mo!." nguso niya ako naman ay bahagya pang natawa.

"Eh kasi naman, excited na akong makita siya." sabi ko at uminom ulit ng gatas.

"Ikaw lang, tss." sabi niya habang nilagok niyang ubusin ang tubig na sinalin niya kanina.

"Ok." sabi ko nalang, saglit na katahimikan ang naganap.

"Yung binigay na benda ay nasa kwarto mo, nakita mo na ba?." tanong niya.

"Hindi pa kuya, pero mamaya titignan ko." sabi ko at tumango.

Naalala ko ang nangyari kahapon, hindi ko maisip na sa isang linggo ay grabe ang natatamo kong pambubully sakin, mga masasakit na salita, mga di katotohanang dahilan, mga sampal, mga kalmot at iba pa. Wala akong atraso sa kanila pero grabi silang mambully sakin, ano bang mali ko? tsk.

"Pupunta mamaya sina Mama at Papa, kailangan mong maghanda pati na ako, kasi kailangan mong sabihin lahat ng nangyari Samantha, walang labis walang kulang." sabi niya, nakalimutan kong pupunta pala sina mama at papa mamaya sa school.

"O-opo kuya." utal kong saad.

"Kayo na ba ni Mattheo?." diretsong tanong ni kuya, kaya nagulat akong napatingin sa kaniya.

"Kuya!?." angal ko, ni hindi ko nga pa siya pinapayagan na manligaw sakin.

"What, kailangan mo rin ng ibang magtatangol sayo Samantha dahil hindi sa lahat ng oras ay kasama mo ako lalo na't nasa kabilang building ako." sabi niya.

"Ni hindi ko nga pa pinayagan na manligaw?." sabi ko.

"Si Mattheo ay cold personality pero kapag napalapit ka sakaniya ay sobrang bait niya, yes tipid siyang sumagot o magsalita pero magaling magmura yan kapag may nananakit sayo, alam kong narinig mo na siyang nagmura ng English at talagang nakakatakot, pero mas nakakatakot kapag nagmura siya sa tagalog may kasamang sakit, hindi ko alam kong anong klaseng sakit, sakit sa damdamin, sakit kapag nasuntok o ano pa man." sabi ni kuya ako naman ay naguguluhan na tumitig sa kaniya.

"Why are you telling this kuya?." diretsong tanong ko. Tinignan niya ako.

"Because I like Mattheo as your boyfriend than Alex, hindi dahil kaibigan ko si Mattheo ay siya na ang mas boto ko, dahil nakikita ko kay Mattheo na kaya ka niyang alagaan at mahalin Samantha, hindi yung pineperahan ka lang." mahabang saad niya.

Sweet Night (Bangtan Series #1)(INCOMPLETE)Where stories live. Discover now