e i g h t e e n

186 16 1
                                    

[Jeongwoo's]

"Kaninang ang araw-araw hindi mo sinabi na gusto mo pala tong puntahan ngayong gabi na syaka mo napagisipan."
Napakamot naman ako sa ulo, nandito kasi kami sa rooftop ng isang restaurant.

"Favorite place ko kasi to, kapag gusto kong magisip-isip o pag malungkot ako. Pumupunta ako dito." Nanlaki naman ang mata ko. "M-malungkot ka ba?" Napailing naman siya.

"Hindi HAHAHAHA, gusto ko lang din malaman mo na ito yung favorite place ko. Para naman talagang iisipin ng iba na magjowa talaga tayo." Bulong niya. Napatango naman ako.

"Sa tingin ko next week hindi ka na guguluhin ni Doyoung. So bale next week, pwede na tayong magtapos." Sabi ko habang nakatingin sa langit. "Hindi ganun yun si Doyoung. Alam mo bang 2 years ago sinabi ko na sakanya na wag niya na akong ligawan dahil hindi ko naman siya gusto, tignan mo hanggang ngayon hindi pa din siya tumitigil."

"Ay ganun? Ahhh, ah-eh bakit ba ayaw mo dun? Pogi naman!" Tanong ko napangisi naman siya. "Alam mo kasi nung elementary pa kasi ako, lagi niya ako binubully. Dati kasi I was fat, chubby, pangit."

"He always criticise my body. Lagi niyang pinopoint out sa akin na walang magmamahal sa akin dahil ganun ako. Kaya ayun, nagpapapayat ako nuks. I wanted him to see na lahat ng sinabi niyang yon ay mali."

"Then ayun mga first year umamin siya na gusto niya ako. I was like, NO WAY!"
Napatawa kami sa sinabi niya. "Hindi naman ako galit kay Doyoung o parang sinabi ko na ito na yung binubully mo ngayon maglaway ka! Hindi ganun..."

"Like, gusto ko marealize niya na. Oh boy, you are wrong!"

Wow, she's cool.

"Everyone deserves a second chance, nagsorry naman siya. Pero, ayun I don't deserve him eh."

"I like your personality ahh!" Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Tandaan mo na kahit sino ka man, mataba ka, mapayat, you're gay, bi, you're black, you're white. You deserve to be loved."

Napa-palakpak naman siya sa sinabi ko. "Park Jeongwoo for president?! HAHAHAHAHA WOW WISE WORDS! I LIKE THAT!"

Nawala ang kasiyahan ng biglang, napasigaw si Debby. "A-aray!" Hindi ko alam kung saan galing yung sakit pero hinawakan niya nalang ang ulo niya.

"Debby okay ka lang?" Inalalayan ko nalang siya at bumaba na lang kami at pinagdrive siya pauwi.

Isinakay ko siya sa shotgun seat at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.
"Masakit pa ba?" Tumango siya dahan-dagan. "Malapit na tayo... antay ka lang."

Mag iilang minuto ay nakita kong nakatulog na siya. Ano kayang meron? Tsk! Di ata to natulog eh.

Pinatay ko nalang ang radio at binilisan ang pagmaneho. Pagalitan na naman ako ni hyung nito. Madalas na kasing umuuwi si Debby ng late dahil sa akin.

Paano ba naman! Gusto laging gumala?!

Ilang minuto ay nakadating na kami sa gate ng bahay nila. Kinalabit ko si Debby at unti-unti naman niyang dinilat ang mga mata niya.

"Andito na tayoooo!" Ngumiti siya dahil sa sinabi ko. Kinuskos niya naman ang mata niya at inayos ang sarili. "Salamat Jeongwoo."

Lumabas na siya ng sasakyan. "Alalayan pa ba kita?"

"Okay lang kaya ko naman na." Tumango nalang ako. Binuksan niya na ang gate at pumasok na sa loob, kumaway naman siya bago isara ito at kumaway na ako pabalik. "Ingat!"

Nginitian ko nalang siya at pinaandar na ulit ang sasakyan.


jowa.  jeongwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon