t h i r t y e i g h t

178 15 2
                                    

[Debby's]

Dali-dali naman akong nagbihis, nagpaalam na ako kay kuya. Aaah, bigla nalang uminit ang pagmumukha ko.

Dumiretso naman na ako dun sa paborito kong lugae, alam ko namang dun kami magkikita kasi dun naman kami madalas eh.

Umakyat na ako at nakita ko namang nandun na si Jeongwoo. Kumaway lang ako at lumapit sakanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, yayakapin ba siya, magbebeso kami? Ang awkward.

"So ayun, hi!" Sabi niya, "Hello hahaha." Tipid kong sabi.

"Musta na pala yung new sched mo?" Bigla niyang tanong. "Ay ito ayus lang, adviser namin si Ma'am Lisa tapos ayun kaklase ko si Yedam at D-doy-young." Nautal pa oh. Tsk. 

"Okay naman na kayo ni Doyoung?" Tumango nalang ako. "Ayus yan! Buti naman at hindi ka na niya ginugulo, sinusundan."

"Oo nga eh hahaha, nga pala ikaw? Balita ko kaklase mo daw si Mira? Siyaka diba kayo yung magpeperform?" Tinignan niya lang ako. "Oo, paano mo alam?"

"Kita ko kasi kayo lagi magkasama so ayun naisip ko magkaklase kayo, syaka nakita ko din kayo kumakanta dalawa. Tinanong ko si Haruto sabi niya nagppractice kayo."

"Ay oo! Hahahaha ang galing kumanta ni Mira as in, syaka matalino din siya, mabait. Saya kasama. Masarap kausap!" Baka naman sila na siguro, hindi lang ni Jeongwoo sinasabi directly kaya dinedescribe niya si Mira na ganon para di halata.

Ang overthinker ko masyado. Haays.

Hindi ako umimik sa sinabi ni Jeongwoo. Nagseselos ako oo. Bwisit!

"Hey," Napatingala naman ako sa sinabi ni Jeongwoo, "you good?" Nginitian ko lang siya. "Oo hahaha." Tinuon ko nalang ulit ang tingin ko sa mga bituin.

"Wag ka magalala," sabi niya. "Ikaw lang gusto ko."

Bigla namang bumilis yung kabog nang puso ko. Ano daw yon? "Ha? Pinagsasabi  mo?"

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita, "Debby, gusto kita." Totoo ba to?

Mukha lang talaga akong walang reaksyon pero sa totoo lang deep inside nagwawala na yung buong pagkatao ko.

"Pwede ba kitang ligawan? I mean, with a chance or not, whatever it is, I'm still here to court you. I'll wait for the time that you'll develop my feelings for me." Ang bilis pa nang pagkasabi, hindi ko na maintindihan. Ang naintindihan ko lang ay, pwede ba kitang ligawan. Yun lang.

"Seryoso ka?" Tanong ko.
"Oo seryoso ako sayo." Bumanat pa.

"Saan mo nakuha yan?! Jeongwoo huyyy!" Sabay palo sakanya. "Di seryoso pwede ba?" 

"Kung sinabi kong oo, baka isipin mo gusto kita, pag hindi naman baka isipin mo wala kang pag-asa. Paano pag nasa gitna pa ako? Sa gitna ng oo at hindi?"

"Edi dun tayo, sa baka, sa siguro, sa pwede. Hanggang sa maging oo."
Wala akong masabi kay Jeongwoo. "So Debby Choi, pwede ba kita ligawan?"
Ngumisi siya sa akin at nilapit ang mukha niya na halos yung hininga ko bumabalik sa mukha sa sobrang lapit.

"Baka, siguro, pwede." Tanging sabi ko. Nilayo niya ang kanyang mukha. "Okay hehehehe."

Shuta nakakakilig yon ah!

"Gabi na oh, uwi na tayo, binibini?" Tinignan ko ang relo ko at nakita kong mag aalas-chiz na. Tumango ako. Siraulo na ata to si Jeongwoo eh.

Inalay niya ang braso at kumapit naman ako doon. "Bawal muna sa kamay-" Binatukan ko siya kasi alam ko na kung anong sasabihin niya, hindi oa kasi tayo. pag tayo na pwede na.

"May tama ka ba?!" Ngumisi naman siya sa sinabi ko. "Oo sayo." Taena, ayaw paawat?!



jowa.  jeongwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon