Chapter 1

6 2 0
                                    

Mt. Makiling is unknown to many people. I just discovered it yesterday from a book in our old library. I tried to search it on the internet but I couldn't find even a single information. I don't know why, at ito na nga, naghahanda na ako ng mga gamit para pumunta doon. Luckily, may mapa. Marami akong mga tanong at kailangang masagutan ito dahil kung hindi, I would go insane.

"Where are you going?" Uh-oh, here comes my ever supportive brother, note the sarcasm.

"Diyan lang sa tabi-tabi, alam mo na," sagot ko.

"Really? Tss. Go back to your room."

Nakakainis, masyadong OA at KJ kasi itong gurang na 'to. Magpaplano na naman ako nito para tumakas and this time, dapat bago.

"Kuya kong pogi, sama ka kaya sa akin para hindi kana mag-alala? Tsaka isang araw lang naman ah." Please naman oh, para ito sa ikabubuti ng kapatid mo.

"No. Balik sa kwarto."

"Kuya, wala kang puso. Hindi ka man lang ba maaawa sa akin?"

"Ikaw ang walang puso. You don't know how worried I am pag nalalaman kong naglalakwatsa ka na naman! Hindi kaba naaawa kay Mommy at Daddy? Muntik na silang atakehin dahil sa mga pinaggagagawa mo!"

Nagamit ko na lahat ng mga paawa effects noon kaya wala ng bisa ngayon. Well, proceed to plan B.

"Bahala ka, as if naman na hindi ako makakalabas. Matalino yata itong kapatid mo."

"Anong binubulong-bulong mo diyan?"

"Wala! Bahala ka na nga diyan! Wag na wag niyo akong iistorbohin! Ayokong kumain at ayokong makita pagmumukha ninyo!"

Dali-dali akong umakyat at pumasok sa kwarto ko. Buti na lang talaga naka prepare na lahat ng kakailanganin ko para makatakas.

Sorry Mom, Dad, kuya, matigas ang ulo ng anak niyo. Nakakabaliw pag hindi masagot ang mga katanungan ko. Oo, alam kong mahal niyo ako at nag-aalala kayo sa akin pero yung kuryusidad ko, parang kinokontrol ang katawan at isipan ko.

Isinuot ko ang costume na gagamitin ko para tumakas. I will pretend as a maid, buti na lang hindi masyadong alam ni kuya ang mga maid sa bahay. And I have here a mask, a perfect one to accomplish my plan.

Sorry ate Lina for using your face. I will give you a reward when I come back, I promise.

Kinuha ko ang mga lagayan ng basura at ang laman nito ay ang mga gamit ko. Talino ko talaga, hihi.

"Hey."

Patay.

Kaagad akong humarap kay Kuya Khaie.

"Pagkatapos mo diyan, dalhan mo ng pagkain si Khaia." Tumango lang ako bilang tugon.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" Patay talaga. Isip, isip.

Umakto akong hindi makapagsalita dahil sa sore throat.

"I see."

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na siya.

"Wew, buti na lang."

"Wait." Napapikit ako sa inis. Ano ba naman yan!

Hinarap ko si kuya at nginitian ng pilit.

"Pamilyar ang pabango mo." Humaygad, is this the end of my life? "Binigyan ka ni Khaia?" Kaagad akong tumango.

Please, please maniwala ka.

"Sige." Yes! Yes! Salamat naman.

Malaki ang ngiti ko ng nasa labas na ako. Sorry talaga.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

Oh, may solar eclipse palang magaganap mamayang hapon?

"Wow, timing!" I am achieving two birds with one stone. Makakapunta ako sa bundok na yon at makikita ko ng buong-buo ang eclipse.

I'm excited! Mt. Makiling, here I come!

Adventurous Princess (Time Travel Series 1)Where stories live. Discover now