Chapter 2: Meet Others
Kissie’s POV
Nandito na kaming tatlo ngayon ni Hazel at Yanika sa aming silid. Mabuti nalang at pareho kaming tatlo ng kurso. Mabuti nadin ito kasi atleast may kilala na ako.
Napakabilis ng oras. Nasa kalagitnaan kami ng Economics class namin ngayon. Nyeta, nakakakilig naman ng subject na ito. Hindi tuloy ako maka focus sa mga lessons sa amin ni sir. Sino ba kasing hindi mapa nganga kung ang professor na nagtuturo sa inyo ay isang napakagwapo. Slush chinito with perfect nose. Diba ang cute.
“Ms. Salazar, whats going on?” ----
“Ms. Salazar, Anong problema?” sigaw ni sir sa akin. hindi ko tulo’y namalayan na tinawag niya pala ang apelyedo ko.
Nagkatinginan ang lahat sa akin. agad naman akong tumingin sa magpinsan, pero ang dalawa tinitigan lang nila ako na parang nanunukso.
“ Ms. Ano daw ang problema mo?” malakas na bulong sa akin ng lalaking nasa likuran ko. Agad naman akong tumingin sa direksyon ni sir at agad tumayo.
“Sir, sorry. May iniisip lang ako.” Sagot ko naman kay sir at agad naman akong bumalik sa pagkaupo.
“Okie. Next time class, gusto ko na ako lang ang iisipin niyo sa klasing ito. Para mas maging focus kayo sa Economics. Alam niyo namang hindi madali ang subject na ito. Maliwanag?” –Sir.
“Yes Sir.” Halo-halo naming sagot na ang iba ay halatang kinikilig samantalang ang iba namay napakaseryoso.
Ito talaga si sir kung alam lang niya na kanina kopa siya iniisip. Halos hindi ko na nga yata siya makakalimutan eh. Haha.
----------------------------------------------
Lunch time na kaya’t agad kaming pumunta sa Cafeteria nina Hazel at Yanika.. Gutom na gutom na ako dahil sa kakatitig sa mukha ng napakagwapo naming professor.
“Hey girls! Pwede tumabi sa inyo?” tanong sa amin ng tatlong lalaki na may dalang mga tray ng pagkain.
“Sure..” walang pag alinlangang sagot naman ni Yanika sa kanila.

BINABASA MO ANG
School Bell 2
Mystery / ThrillerSa muling pagbubukas ng SAHIBEL'S UNIVERSITY. Muling damhin ang bangungot ng kahapon! Ang bangungot na muling magbabalik. Sabay-sabay nating pakinggan at saksihan ang muling pagtunog ng School Bell. Credit: CussingPanda (c)1496_ben