"Papa, san po tayo pupunta?" takang tanong ni Gav sa kin habang binibihisan ko sya"Di ba sabi ko sayo last day na isasama ka ni Papa sa work.. kasi miss ka na nila ninang.. tsaka saturday naman ngayon, wala kayong pasok.. kaya isasama kita"sagot ko sa kanya matapos ko sya bihisan, at ngayon inaayos ko naman yung mga gamit na kailangan nya
Pag weekend at may pasok ako iniiwan ko si Gav sa kapitbahay naming si Aling Tasing.. mabuti na lang at matalik na kaibigan sya ni mama tsaka sumaktong dating ng apo nya kaya may makakalaro na ito.
"Yehey!! miss ko na rin po sila, Papa lalo na po yung food nila uncle Loey" natutuwang sabi nya
"Ikaw talaga.. tara na at baka malate pa si Papa sa work" matapos ko mai-lock ang bahay sakto namang may tricycle na pumarada
"Win, tara sakay ko na kayo" alok ni Benjie kapitbahay namin
"Sige, sa Blue Ray tayo" sabi ko ng makasakay kami ni Gav sa loob
"Sakto, buena mano ko kayo.. maganda ang araw ko ngayon" saad nya.. ng makarating kami sa hotel.., laging gawi dumiretso kami sa department kung san ako nakadestino
"Ninang" bungad ni Gav ng makapasok kami sa loob
"Gav!!, wow ang laki na ng baby namin.. at lalong kumu-cute, sobrang na-miss ka ni ninang"sabi nya habang pinipisil ang pisngi ng anak ko
"Miss ko din po kayo, alam nyo po ba I got three stars po last day" bibong kwento nya kay May
"Wow naman, di ka lang cute ang talino mo pa.. manang mana ka talaga kay ninang"
"No po" sagot nya habang iiling iling pa
"Bakit naman?" 🤔
"Kay Papa po ako nagmana, kasi baby nya ko" bibong sagot naman nya.. kaya natawa na lang kaming dalawa ni May...
Habang nagku kwentuhan ang dalawa eh nagpalit muna ko ng uniform ko.. Kung nagtataka kayo kasi nagpapalit ako dito na kasama si May, don't worry his Gay.. Mayniel kasi ang true name nya pero mas gusto nyang tinatawag namin syanh May para daw mas lalong bumagat sa kagandahan nya 😆
After kong makapagpalit daily routine na sa amin na kailangan ayusin ang gamit bago lumabas ng department.
"Gav, dito ka lang ha.. wag kang lalabas ng room na to tsaka mag behave" bilin ko sa kanya
"Yes po" sagot nya habang naka salute pa
"Yung mga coloring book andyan sa bag.. pag nagugutom ka may sandwich dyan, yung milk mo andyan na din tsaka tubig"
"Okay po, Papa" sagot nya.. so after that eh umalis na ko sa room, nauna si May dahil limang room pa anh lilinisin nya..
So andito ako ngayon sa 3rd floor dahil dalawang vacant room ang lilinisin ko... pero minsan pinapatawag kami ng guess para maglinis kaya yung iba sa kanila eh kilala na ako, kaya minsan ako na mismo ang pinapatawag nila para linisin ang room nila.. Sa tip naman, malaki rin magbigay kaya nakakaipon ako para sa future ni Gav.
~~~~~~~~~
"Sir, here's the file that you need" matapos maiabot sa akin ng investigator ang files na kailangan ko ay lumabas na sya
"So its really true" asik ko ng mabasa ko ang laman nito
"Ian" tawag ko sa secretary ko
"May kailangan po kaya, Sir?"
"Do i have any documents to review or meetings to attend?" tanong ko
"Wala na po"
"Okay, I'll just tour araound the hotel" then tumayo na naglakad pa puntang pinto

BINABASA MO ANG
Our Story
FanfictionA BrightWin short story, this story is an omega where a man can be pregnant