Prologue

115 13 6
                                    

Katulad ng ibang normal na dalaga, na nagkakaroon ng ibat ibang uri ng kaibigan, nagkakaroon ng crushes, nag kakaroon ng problema, nag kakaroon ng kaaway, at maraming pang iba na pang yayari sa isang dalaga na tulad ni Marionne Perez.

Si Marionne, Isa siyang normal na dalaga na nag aaral sa publikong paaralan sa kanilang bayan, 17 years old na siya pero ang pinoproblema niya lang ay ang paano mabibigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. Kung tutuusin wala siyang pangarap para sa sarili niya dahil puro lamang ang kaniyang pamilya ang kaniyang iniisip, kung meron man para sa sarili niya ay iyon ang makita ang kaniyang Idol na sina Chandria Bernardo at John Padilla, mula noong 8 years old siya ay naging Idolo na niya ng dalawang artista na ngayon ay mag asawa na, pero hindi niya pa rin nakikita ang kaniyang Idol dahil malayo ang kanilang tinutuluyan sa Maynila kaya konting chance na lamang ang pinanghahawakan niya na makikita pa niya ang kaniyang Idol. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makikita niya ang kaniyang pinakamamahal na Idol.

Marami na ring problema ang dumating sa kaniyang buhay dahil sa hirap ng buhay at dahil din sa kanyang panganay na kapatid. Humantong pa nga na naisip niya na mag suicide pero, tinatatak niya palagi sa isip at puso niya na may mga pangarap pa siyang tutuparin para sa mga magulang niya kasama na rin ang kaniyang mga kapatid. Gusto niyang makapag tapos ng pag-aaral upang maiangat niya ang kahirapan ng buhay ng kaniyang pamilya at gusto rin niyang matupad ang pangarap ng mga magulang niya para sakanya. Isa siyang dalaga na ang iniisip palagi ang kapakanan ng pamilya niya.

Si Marionne Perez ay simple lamang manamit. Hindi gaano kagandahan, hindi rin gaano kapanget. Hindi gaano mahiyain, hindi rin gaano makapal. Tama lamang. Hindi siya gaano katalino, hindi gaano kabobo. Lahat ng hindi gaano ay siya. Meron siyang dalawang kaibigan na nag bibigay saya sa buhay niya kahit papaano. Hindi katulad ng ibang dalaga si Marionne na madalas magpalit ng mga crush, dahil ang kaniyang Idol lamang ang iniisip niya at ang kanyang Inspirasyon niya. For short, No boyfriend since Birth!

Kaya, subaybayan natin ang kwento ng buhay ng isang Marionne Perez.

A Typical Life StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon