(First Day - Part 2)
Alexandra's P.O.V
Ngayon ay naglalakad ako sa gilid ng kalsada mag-isa. Yun kapatid ko nauna na kasi atat na atat nang pumasok sa school. Maaga pa naman kaya naglakad nalang ako.
O nga pala sabihin ko na sainyo ang buong detalye ng buhay ko..
Ako nga pala si Alexandra Immanuel Monteverde for short 'Alex' and 'Aim' for shorter pero mas sanay ako sa Alex kaysa sa Aim dahil ang best friend ko lang ang tumatawag saakin na Aim pero ngayon wala na siya... hay! Naku ayoko nang balikan ang dati.. alam niyo naman diba kung anong nangyari kay Jim dahil napaniginipan ko siya kanina...kaya alam niyo na kung anong nangyari sakanya...
17 years old ako , Freshmen, Business Management ang course ko at ulila na ako sa ama.
Actually tama ang nabasa niyo, ulila na ako sa ama pero hindi naman as in ulila , iniwan lang kami ng kapatid ko kay mama. Iniwan kami nung tatlong taon palang ako at buntis pa si mama kay steff nung iniwan kami ni papa..
Si Steff pala ay kapatid kong babae ang buong pangalan niya ay Steffany Monteverde for short 'Steff', third year high school na siya at sa ibang school siya nag-aaral..mahirap lang kami kaya sa public school siya nag-aaral.
By the way, nag-aaral pala ako sa pinaka-sikat, at mamahaling eskwelahan, yun ay ang Peterson University.
Nag-tataka siguro kayo kung bakit sa PU ako nag-aaral.
Hehehe mapaka swerte ko naman dahil naka take ako ng exam dun at yun isa akong dakilang scholar.. hehe sabi nila matalino raw ako, pero hindi ko naman feel eh, basta ang pangarap ko sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral.
Sana kayo rin mag sumikap din kayo sa pag-aaral ninyo upang makamit ninyo ang inyong mga pangarap sa buhay,at para na rin ma proud ang parents niyo diba?
Hehehe. ^_^
Hay naku na miss ko na ang best friend ko *pout* ..na miss ko talaga ang mga araw na mag kasama kami yun mga araw na sabay kaming pumasok sa school..sana buhay pa siya ngayon at sana may kasabay akong naglalakad ngayon papunta sa school... hay naku *pout* ..
Hanggang ngayon hindi ko pa talaga tinanggal sa leeg ko yung necklace na binigay ni Jim..
Huhuhu naiiyak nanaman ako *pout* .. eh kasi sa tuwing maaalala ko ang mga pinagsamahan ni Jim, parang gusto kong umiyak..
Gusto kong i-share sainyo kung ano talaga si Jim sa buhay ko...pero parang iiyak na ako.. pwede wag nalang?
Hehehe.. sige na, ito na ikwento ko na sainyo...
Si Jim ay ang Best Friend ko, simula pa nung bata pa ako...ang buong pangalan talaga ni Jim ay ' Jonathan
Irwin Mendez'.. ako lang ang tumatawag sakanya na 'Jim' ang haba kasi ng name niya..may nickname naman siya.. ang nickname niya ay 'Nathan' pero ayaw ko.. mas unique kasi ang Jim para saakin...
Eh siya nga tinatawag niya akong 'Aim'.eh hindi ko naman yun nickname..
Nakuha kasi niya ang Aim sa name ko.. Alexandra Immanuel M onteverde..O alam niyo na kung saan niya kinuha ang Aim sa name ko?
Nakuha ko din ang Jim sa name niya ..Jonathan Irwin Mendez....
Na miss ko talaga ang araw na yun.. na kung paano kami nagkakilala..
i flashback ko nalang ang mga pangyayari kung paano kami nagkakilala ni Jim..Nagkakilala kami ni Jim nung Kinder 1 palang kami...
"FLASHBACK"

BINABASA MO ANG
"I Fell In Love With My Best Friend"
Teen FictionSi Alexandra Immanuel Monteverde o 'Alex' ay mabait, matalino, at mapagmahal sa pamilya at sa mga kaibigan niya. Si Alex ay iniwan siya ng kanyang ama nung tatlong taon pa siya kaya ang nanay nalang lamang niya ang nag-aruga at nag mahal sakanya ng...