(First Day - Part 4)
Alexandra's P.O.V.
"Welcome to Peterson University" sabi nung mayabang na lalaki...
Aba malay ko ba? Bigla-bigla lang niya akong hinila kanina at pinapasok sa sasakyan niya, edi pinagkamalan ko siyang kidnapper...tch..
at inilibot ko ang paningin ko... at totoo nga andto na ako sa PU....
At teka ano ang sinabi niya? 'Welcome to Peterson University'? ..
Ang yabang talaga tong lalaki na ito...akala mo naman na siya ang may-ari nitong eskwelahan ....
At binalik ko na ang paningin ko dun sa mayabang na lalaki. At yun lumalakad siya papuntang lobby at agad ko naman siyang hinarang...at yun nagkaharapan na kaming dalawa..
"Hoy ikaw lalaki!" Sabi ko sakanya...at agad ko namang napansin na may mga estudyante na nakapalibot saamin...
"Sorry ha, kung pinagkamalan kitang kidnapper, aba malay ko ba kung saan mo ako dadalhin, eh bigla mo nalang ako hinila kanina papasok sa kotse mo..at THANK YOU ha dahil kung 'di dahil sayo edi late na ako...at THANK YOU din pala sa pag WELCOME mo saakin".. sarcastic kong sabi sakanya....at ni emphasize ko talaga ang 'thank you' at 'welcome'...eh yan naman talaga ang gusto niya eh, yun mag pasalamat ako sakanya..Napansin ko, lalong dumami na ang mga estudyante. Siguro nakikinig sila saamin...
Nagulat nalang ako dahil bigla niyang hinawakan ang balikat ko at linapit niya ang kanyang mukha sa tenga ko at bumulong....
"Mag-iingat ka sa mga pananalita mo, dahil hindi mo kilala kung sino ang pinapahiya mo ngayon"..bulong niya saakin at umalis na siya...
Narinig ko naman na nag bubulungan ang mga estudyante...
"Nakakahiya naman ang babaeng yan"
"Oo nga. Hindi niya ba alam kung sino ang lalaking yun?"
"Baka bago lang siya dito..pero mali pa rin siya, dapat kilalanin niya muna kung sino ang kinakalaban niya"
Hay naku, sana sabihin nila saakin kung ano gusto nilang sabihin kaysa naman yung nag bubulungan sila, eh naririnig ko naman..
Sino ba kasi ang lalaking yun? Sana naman meron makapagsabi saakin kung sino ang mayabang na lalaking yun.
Kayo alam niyo ba? Eh kasi ako hindi ko kilala yun eh..
Zoe's P.O.V.
Yehey.... salamat kay author , may POV na ako.... !!! (^_^)
----------------------------
Andto ako ngayon papasok sa gate ng PU....maraming mga babaeng nagtitilian...ewan ko ba kung kung anong meron...
At nahagip naman ng mga mata ko ang dalawang babaeng tumatakbo palapit saakin...
"Uy Zoe, buti dumating kana"-Nicole.
"Si Alex kasi eh..."-Margaux
"O, bakit anong nangyari kay Alex?"- tanong ko sakanilang dalawa...
"Wala naman... pero nakita kasi namin siya kanina na bumaba sa magarang sasakyan...Hindi na namin siya nilapitan kasi nakita ka namin na papasok sa loob ng gate.." - saad ni Margaux..
"Yun naman pala eh, bumaba lang pala sa magarang sasakya~..ANO?! SI ALEX BUMABA SA MAGARANG SASAKYAN?!" Tanong ko sakanila na pasigaw....
"Paulit-ulit, paulit-ulit?? Unli lang ang peg ha?"- pilosopong saad ni Nicole..

BINABASA MO ANG
"I Fell In Love With My Best Friend"
Novela JuvenilSi Alexandra Immanuel Monteverde o 'Alex' ay mabait, matalino, at mapagmahal sa pamilya at sa mga kaibigan niya. Si Alex ay iniwan siya ng kanyang ama nung tatlong taon pa siya kaya ang nanay nalang lamang niya ang nag-aruga at nag mahal sakanya ng...