3

879 9 0
                                    

Ini-unat-unat ko ang katawan ko dahil sa mahigit walong oras na  pagkakaupo dito sa opisina ko. Tumayo na ako kinuha ang blazer na nakapatong sa sandalan ng upuan dito sa opisina ko. Bago lumabas ay pinatay ko muna ang ilaw at inilock ang pintuan.

Hinihintay ko na lamang ang elevator na magbukas nasa tuktok kasi nitong building ang mga kwarto nakadisenyo ito ng parang sa mga hotel.

Pagkapasok ko sa elevator ay may mga nakasabay akong members ng organization yumuko sila sakin kaya't yumuko rin ako to send back the respect.

Di kalauna'y naunang lumabas ang iba at ngayoy dalawa na lamang kaming nandito sa loob ngayon, ayun sa nakikita ko sa aking gilid ay pustura ito na naayon sa lalaki. Bahagya ko siyang nilingon ngunit hindi ko maaninag ang mukha niya dahil na rin sa suot niyang jacket na may hood.

Napadistansiya naman ako dahil sa isiping isa itong kriminal, ngunit nawala din ang kabang aking nadama ng mapagtantong nasa gusali ako ng isang organization na laganap ang malakas na siguridad.

Napansin ko ang kamay niya, may sugat ito medyo nangingitim na rin ito, hindi kaya't matagal na ito?? bakit hindi niya ipinagamot?? bilang isang doctor alam ko ang magiging komplikasyon nito once na hindi pa magamot ang sugat niya sa kamay malaki ang hiwa dito at nanunuyo na ang dugo kung tama ang aking kalkyulasyon hinugasan lamang niya ito at pinatakan ng alcohol ngunit hindi ito sapat upang masiguradong di na ito magkakainpeksyon nararapat na itoy lapatan ng paunang lunas.

"Mr. I think we should treat your wound baka magkainpeksyon yan at lumal--- "

"I'm fine"

Para naman akong naging tuod dahil sa walang emosyon nyang tinig, it seems like the hair strands of my nape arises.

"Sir I'm a doctor and we should apply a first aid on your hand it looks like the blood st------"

Blaaaggggg!!!!!

Napahawak ako sa kaliwang braso ko nang maramdaman ang pagsakit nuon dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko sa gilid ng elevator.

"Mind your own fucking business woman!!"


At agad siyang lumabas pagkabukas ng elevator, nakatitig lang ako sa kanyang likod habang siya ay naglalakad, nabalik lang ako sa ulirat ng magsara uli ang pintuan ng elevator.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad akong naghubad at lumusob sa bath tub. Hindi maalis sa isip ko ang lalaki kanina sa elevator, sino siya? bakit nakahood siya? bakit may sugat siya sa kamay? san niya ito nakuha?? isa ba sya sa sumalang sa misyon??? at bakit ayaw niyang magpagamot??

"Ahhhh!!!!"

Agad kong nasapo ang braso ko nang maramdaman ang pagkirot nito, di ko na natuloy ang pag-abot ng body wash ko, dahan-dahan ko na lamang itong minamasahi.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng malaking salamin, nakabalot ng tuwalya ang basa kong buhok at nakasuot lamang ako ngayon ng roba habang nakataas ang kaliwang sleeve nito, kasalukuyan kong inaapplyan ng lotion ang braso ko at minamasahi ito, hindi naman masyadong malala ang lagay nito nagka cyanosis lang at may kunting epekto sa buto dahil sa sumasakit ito pag igagalaw ko.

Hindi na muna siguro ako kakain ngayon ang sabi kasi sakin ay bumaba lang kami sa canteen tuwing breakfast, lunch, dinner o kung gustuhin lang namin.

Well kakalipat ko lang dito kahapon at aminado akong di ko pa napupuntahan ang lahat ng lugar dito siguro pag may vacant ay maglalakad-lakad ako .

Pagkatapos kong i-blower ang buhok ko ay humiga na din ako, at dahil siguro sa pagod ay agad akong dinalaw ng antok.


********************************

My Patient ! Not an Ordinary Patient Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon