Sabi nila kapag paulit-ulit mo daw inusal ang isang hiling sa ilalim ng maliwanag na buwan ay maaari itong magkatotoo. Ngayon narito ako nakaharap sa napakaliwanag na buwan unti unting pinipikit ang mga mata at taimtim na dinadalangin na makita ka. Yung seryoso mong mukha kapag nagiisip ka, ang magkadikit mong kilay kapag naaasar ka na at yung mga halakhak mo na nagmimistulang musika sa pandinig ko. Hinihiling ko na makita ko ulit yun. Isang pagkakataon pa kahit huli na, kahit ito na lang. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking pisngi.
"Zed!"
Agad kong iminulat ang aking mga mata. Matagal kong tinitigan ang kisame. Pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik at tanging tunog lang ng pag galaw ng kamay ng orasan ang maririnig.
"Bakit nararamdaman ko na naman ito?" i cried silently. Habang tumatagal tila mas bumibigat ang pakiramdam ng pangungulila sa kanya ang akala ko nakalimutan ko na siya pero simula ng bumalik ako dito bumabalik na naman ang lahat.
"Yuki" napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang mahinang pagtawag ni mama mula sa labas. Agad kong pinunas ang natirang luha sa aking pisngi at mahinang tinampal ang sarili, Tiningnan ko muna ang repleksyon ng mukha ko sa salamin bago ito pagbuksan. I need to compose myself ayokong magalala sila. Smile Yuki smile.
"Good morning ma!" nag-aalalang mukha ni mama ang nabungaran ko pero sandali lang iyon nawala din ito ng makita niya akong nakangiti. Mahinang umiling ito bago ako muling tiningnan.
"Naistorbo ko ba ang pagtulog mo anak?"
"Hindi naman po ma, maghihilamos na po talaga ako bago bumaba kaya lang po narinig kong kumatok kayo." Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko tila gusto ko na namang maiyak.
"Masaya akong nandito ka na ulit anak sobra"
kumilos ang kabilang kamay niya at hinipo ang pisngi ko.
"pero hinihiling ko na sana hindi ka na din bumalik para hindi mo na maramdaman yan ulit. Yuki ...hindi ka man magsalita alam ko dahil nanay mo ko. Anak -
hindi pa man niya natatapos ang sinasabi ay agad akong yumakap at malakas na umiyak sa balikat ni mama. malambing nitong hinaplos ang aking buhok at pinakinggan lang ang sinasabi ko. Bawat sinasabi ko ay tinatanguan lang nito tila isa akong batang nagsusumbong sa nanay ng mga oras na iyon alam kong hindi na naiintindihan ni mama ang sinasabi ko pero nanatili lang itong nakayakap sakin. Ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon ng dahan dahan akong hinarap ni mama sa kanya. Malambing niyang pinunasan ang mga natirang luha sa aking mata.
"Yuki" halos manlamig ako ng marinig ang napakapamilyar na baritonong boses mula sa likuran ko. Marahas akong lumingon at halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ko ng masilayan kong muli ang seryosong mukha niya. Mabilis kong tinawid ang distansyang meron kami, binuksan naman nito ang mga braso na tila hinihintay din ang pagakap ko. agad kong ibinaon ang mukha ko sa kanyang dibdib. Ghad i miss him so much! His scent, his hug, this feeling.
"I miss you love"
"You do?" sinalubong ng mga mata ko ang titig niya. Wala pa rin nagbago yun parin yung mga titig na nagpapatunaw sa puso ko. He cup my face.
"Yes love i always do" I bit my lip to contain my feeling pero hindi ko pa rin talaga maitago ang pait.
"Then why did you leave me? Why love?"
He stiffened a bit lalo na ng makita niya ang mga mata ko. Ghad wala bang katapusang iyakan to.
"I have to, i need to"
i'm still enchanted to those eyes sobrang miss ko na kung pano niya ko titigan
"You need to?-
YOU ARE READING
The Endless Chase
Ficção Adolescentejust stop chasing him, cause this time...i wanted to chase you. How can we win in this game called "endless chase"