CHAPTER 1
Mr. & Mrs."Congratulations to the newly weds, Mr. & Mrs. Montecillo!" Ang sabay na pagbati ng mag-asawang Jovel at Julia sa amin. Isa kasi ang mga ito na sumaksi sa kasalang naganap sa kanila ni Alex.
"Thank you," Alex answers them habang ako ay walang ganang tumango lang sa mga ito.
"Finally, sa simbahan din pala ang bagsak n'yong dalawa." May halong panunudyo ang tinig ni Jovel. Nakita kong siniko ito ni Julia at sinamaan ng tingin.
"Yes, dahil may dahilan ang lahat at kung bakit kami humantong sa ganito, you know what is that reason, right?" nakataas ang kilay at seryosong saad ko sa asawa ni Julia.
"Yeah, you are right, Martelle. Ginawa natin ito because this is the right thing to do. Hindi naman tayo hahantong sa ganito kung wala tayong mabigat na dahilan," dugtong naman ni Alex na sa akin mariin na nakatingin.
Matalim ko itong tinitigan. "Yeah, and this is all your fault. Kung hindi mo sana ginawa 'yon sa akin— uhff, wala lang talaga akong choice kundi ang magpakasal sa'yo ngayon!" sabi ko dito na pinagdiinan ang kasalanang ginawa nito.
"Hey, stop the fight guys. Bagong kasal kayo oh." Pumagitna sa amin ang kaibigan kong si Julia. "’Di ba nagsumpaan kayo kanina lang na mamahalin ninyo at aalagaan ang isa't isa? Sinabi ninyo 'yon sa harap ng nagkasal sa inyo, right?"
"My God, para kayong mga bata! Pwedeng ipagpaliban ninyo muna 'yang away ninyong dalawa? Mag-usap nga kayo sa maayos na paraan at huwag nga kayong ganyan na lagi na lang nagbabangayan? Ang init ng mga ulo ninyo, kasing-init ng panahon. Why not try to act natural to each other? You should practice it by now and then, lalo na't mag-asawa na kayong dalawa at titira na kayo sa iisang bubong," awat naman ng kaibigan kong si Cristel sa amin ni Alex.
Narinig kong napabuntong-hininga si Alex at tumingin sa akin ng matiim saka humarap ito sa apat. "Pardon, just don't mind us. Pasensya na kayo."
Ako naman ay walang reaksyon. Nakabaling lang ang paningin ko sa malaking fountain na nasa gilid lang ng hotel na iyon.
"Hey, Mart?" tawag sa ’kin ni Cristel.
"What?"
"Martelle naman, will you please be nice to him? He is now your husband," mahinang bulong sa akin ni Cristel.
Bumuntong-hininga ako saka napatango lang dito. Cristel is also my best friend, kaya madali para sa aking makinig dito. I treat her like my own sister since we're living together. Magkasama pa rin sana kami hanggang ngayon kung wala lang ako sa sitwasyon kong ito ngayon.
"Okay. I'm sorry if I'm behaving like this, pero hindi ninyo ako masisisi kung bakit ako ganito ngayon. Nabibigla pa rin talaga ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Ito, ang maging isang asawa nang wala sa oras," untag ko sa lahat bilang paunawa.
"Mabuti pa kumain na muna tayong lahat, guys. Gutom lang 'yan," ani ni Julia, na inakay na ang asawa patungo sa mesang naka-reserve sa amin sa isang sikat na five-star hotel sa Quezon City.
The wedding ceremony is unsophisticated. Walang kaarte-arte ang biglaang kasalan na iyon. Ayoko nga sana na ikasal kami sa simbahan dahil ang gusto ko sana sa huwes na lang. Ngunit ang gusto nito ang nasunod. Hindi talaga ito nagpapigil na sa simbahan ang kasal namin. Pero kahit siya ang nasunod, ako pa rin ang nasunod sa arrangement ng kasal naming iyon. Simple pa rin kahit sa simbahan iyon gaganapin. Wala kaming bisita bukod sa kaibigan niyang si Kenneth at Jovel at sa dalawa ko ring kaibigan na si Cristel at Julia. We have no flower girls and ring bearer. Ang tumayong maid of honour ko ay si Cristel, ang best man naman niya ay si Kenneth. Wala ring ninang na gumanap, pero sa papel meron. Hindi lang siguro nakadalo kaya ang kawani na lang sa simbahan ang tumayong ibang witness.
BINABASA MO ANG
Elusive Heart
RomanceAlexis Montecillo was once a playboy, that was until he finds himself charmed by a certain Martelle Gomez. But what if he symbolizes the pain of Martelle's past? Can she come to accept the blooming romance between them--or will love remain elusive? ...