Kabanata 2

146K 2.1K 28
                                    

KABANATA 2
Flashback

Tapik ng kamay sa aking pisngi ang nagpagising sa akin mula sa pagidlip. Pagmulat ko ng mga mata ay mukha agad ni Alex ang namulatan ko.

"We're here. Hindi pa sana kita gigisingin kaya lang nananaginip ka at umuungol."

"I-It’s okay. Napagod lang siguro ako," humihikab at walang emosyong tugon ko dito.

"Let's get inside the house para makapagpahinga ka na nang maayos sa loob."

"Okay."

Pinagbuksan niya ako ng kotse niya at aalalayan din sana niya ako. Ngunit tinanggihan ko na naman ang kamay nito.

"I can manage, Alex."

He sighs. "Okay."

As expected, malaki ang bahay na pinagdalhan niya sa akin.

Mayaman na nga, pero mandaraya naman ang pamilyang meron siya! Hmp!

I silently let my eyes wander around his big two-storey house. Nasa labas pa rin kami ng mga sandaling iyon. I only stop my gaze from roaming nang sumulyap sa gawi ko si Alex at pinagbuksan ako ng front door.

Maganda, malapad at maraming makabagong kagamitan sa sala—iyan ang agad natanaw ng aking mga mata pagpasok.

"Do you like the place?" untag ni Alex sa tahimik kong pagmamasid. "Want me to tour you around before you go to rest?"

I only nod at him. Kailangan ko 'yon, dahil baka maligaw ako sa laki ng bahay niya.

Then he gives me a glimpse of each and every corner of his house. From the living room, dirty kitchen, dining area, music room and even his minibar area. Lumabas rin kami sa likod-bahay nito.  There's a swimming pool in his backyard area.

Bukod sa swimming pool, marami pang magagandang tanawin ang likod ng bahay nito. May isang magandang kubo na umagaw ng atensyon ko. Napakunot ang noo ko ng may nakita rin akong maliit na bahay sa may dulo ng bahay ni Alex.

"That house, it belongs to Yaya Belle and her husband, Mang Ricardo. Diyan sila nakatira. Sila rin ang gumagawa ng mga gawain sa loob ng bahay natin," untag ni Alex sa tabi ko habang itinuro nito ang maliit ngunit magandang kubo.
Bahay natin?

Bahay n'ya lang kamo kasi hindi ako kasali at nakikitira lang ako ngayon dito sa bahay niya.

"Okay," tipid ko na lang na sagot dito na kahit pa gusto kong magprotesta sa sinabi nitong 'bahay natin'.

"Here they are," untag nito sa akin nang may palapit na dalawang tao na medyo may katandaan na.
"Iho, Alex, dumating na pala kayo. Pasensya na kung ngayon lang kami nakarating, ha? Napaka-traffic kasi at saka ang daming nagsisimba sa mga oras na ito," hinging paumanhin noong ginang rito.

"It's okay. Anyway Yaya, Mang Ricardo, let me introduce my wife, Martelle," pagpapakilala nito sa amin.

"Oh, napakagandang bata. Tama nga ang sinabi ni Alex sa amin, iha. Sobrang ganda mo nga talaga—"
Nagtataka akong sumulyap kay Alex.
"—alagaan at pakamamahalin mo itong asawa mo anak, ha? Hindi ka talaga magsisising napangasawa mo 'yang batang iyan, dahil sa napakabait niyang si Alex at maalagain pa."

Kimi lang akong ngumiti nang bahagya sa ginang bilang pagsagot ko sa mga sinasabi nito.

"Teka nga, iho. Magluluto na muna ako para makakain na kayo ng asawa mo. Ricardo, tena at tulungan mo na ako at nang makapaghapunan na ang mga batang ire mamaya," sabi ni Yaya Belle sa kabiyak nito.

"Iho, dito na kami ni Yaya Belle mo. Magpahinga na muna kayo ng asawa mo," sabi ni Mang Ricardo at nagpaalam din sa akin.

"Sige ho at iaakyat ko ho muna ang asawa ko para makapagpahinga na muna kami."
Napapalunok ako sa sinabi niya sa dalawang matanda.

Elusive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon