A/N: Hope you read this jelly's, i want to write this cuz nawawalan na ako ng mailagay sa isang story kumbaga..namemental block ako sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay, lalo na sa taong ito. I am sorry guys :)) stay safe everyone!.
START:
Masaya akong naglalakad papunta sa ekwelahan, Oo masaya ako, sino ba namang hindi sasaya sa unang pagkahighschool, 12y/o ako non at kaklase ko ang gusto kong lalaki na nagngangalang Paolo Cañete, matangkad, okay narin cute sya, makulit at may pagkagreen din minsan, pero ayos na sya sa akin.
Bago nga pala ako magpatuloy sa pagkwekwento ako si Jolina Ronseta, Nasa room na ako at nakaupo sa panggitnang row, nasa kabilang row naman si Paolo nung pinakuha kami ng teacher nanin ng 1whole sheet of paper agad ko napansin si Paolo na wala sya nun kaya agad ko syang binigyan dahilan para lahat ng kaklase ko ay manghingi pero ayos lang.
Simpleng babae lang naman ako na walang pinipiling maging kaibigan, kaya unang klase palang ang dami ko nang nakaclose.
Inaaproach din ako ni paolo paminsan minsan pero kadalasan mga lalaki lang pinapakisamahan nya. Pero di ko inaasahan na masisira ang imahe ko sa tao dahil kay Paolo pinagmukha nya akong tanga.
Pumapasok parin ako kahit na yung mga kalahati ng kaklase ko eh, di ako gusto. Lumungkot buhay ko ganon at di na sasaya yun ang pinapaniwalaan ko nalang.
Pero he came... Si Fhrylle Flores, nakilala ko sya dahil sa kapitbahay naming lalaki na si kuya George, Nung una napaadd lang ako sa gc nila tapos doon una kami nagusap, maganda sana ang paguusap namin doon pero iniwan nya ako doon na gising...nakatulog ata siya.
Kinabukasan non, pumasok ako at natanaw ko si kuya george sa may mathay na building, tinawag nya ako doon at kinausap ng saglit, napansin ko naman yung lalaking nakajacket ng itim nakahoodie pa ito at may bag na blue.
"Wait po, kilala kita eh" Aniya ko habang nakaturo sakanya ang hintuturo ko.
"Kilala mo sya paano?" Tanong ni kuya george sa akin.
"Sya po yung nakachat ko sa GC nung mga bandang alas-onse po" Natatawa kong tugon habang nakaturo parin, di man lang ako tinignan ng lalaking iyon, malamang di kami nakikinig dahil nakaearphones sya.
"Hoy! Fhrylle Gago! Pati bata pinapatulan mo sa Gc Hahahaha!"
"Aray! Potek, Sinong bata wala akong maalala?"
"Ayan, dami kasing kachat"
"Ah...ako po" tinaas ko yung kamay ko, masyado na kasi nila akong natatabunan eh ang tatangkad nila eh.
"Sino ka? Hahahaha" Tinignan nya ako na parang hindi nya ako makita eh ang lapit ko lang naman sakanya.
"Jolina Ronseta po" Ani ko sakanya.
"Awit! Wala akong maalalang kachat ko yan george ang natatanda ko eh yung Tylee Samantha" Ani niya habang tinanggal ang hoodie sa ulunan nya.
"Ako nga po yon, Tylee Samantha po name ko sa Fb Hehehe"
"HA!? Hindi mo ba totoong pangalan yun? Tingin nga ID mo" Sigaw nya at gulat na gulat pasya sa akin kaya ngumiti ako sakanya at ibinigay ang ID ko. Matagal nya pang tinititigan yon.
BINABASA MO ANG
Babalikan paba? (COMPLETED)
Short StorySa isip tumatakbo ang mga isipin na matagal ng iniwasan. Heto nasya ang taong matagal ko ng hinayaan sa iba, ang taong pinakawalan at binitawan ko na...bumabalik nasya. babalikan ko paba?