TIMOTHY POV
"Gosh sa wakas natapos din tayoooo!" masayang sabi ni Ethan ng matapos mag register ang last student
"Oo nga kakapagod!" sagot naman ni draco
"Wow napagod ka? wala kaman ngang ginawa kundi magcellphone ng magcellphone yung mga applicants mo sakin mo pinapila tamad" sagot naman din ni ethan .. Honestly speaking kanina pako naiirita sa bangayan ng dalawang to, from the start of the registration hangang ngayong matapos same scene sa kanilang dalawa
"Hoy kayong dalawa hindi ba kayo nagsasawa sa bangayan niyo? Inaraw araw niyo jusko" pag saway ko sa mga to
"Guys! New Update daw , kailangan daw nating mga coordinator na magready din ng opening performance natin"Sabi sa amin ni kiefer na kakapasok lang medyo hinihingal pa siya
"Ayt! paano yun?" tanong nman ni Ethan
"Hindi ba pwedeng mag rent nalang tayo ng banda?" tanong naman ni Draco
"Hindi daw ea" Sagot naman ni Kiefer
"kaya kong mag play ng piano pero di ako marunong kumanta" sagot ko naman
"Ako flute and guitar" sagot naman ni kiefer
"I can try na kumanta hehe" sagot naman ni ethan napatingin naman kaming tatlo sa kanya
"Wow ah sige nga bakla kumanta ka nga, baka boses palaka kalang" pang aasar naman na sabi ni draco
"Che! watch and learn" sagot naman ni ethan then tumayo siya kinalikot niya yung phone niya and sinaksak niya yung jack ng speaker dito then tumugtog yung intro ng kanta
"Lagi nalang ganito
Isipan ay gulong gulo
Lagi nalang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso"shit boses ba talaga ni ethan to!? taena bat sobrang ganda.. But unfortunately this song has a very big impact kay draco .. kaya tinignan ko si draco at hindi nga ako nagkamali nakayuko na siya at ramdam ko yung unti unting paglukob ng lungkot sa kanya
"Ilang liham na ang sinulat sayo
Ilang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawa
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailaaan? Kailaaaan? Kailaaaan ang dating tayo?----"" STOP!" Biglang sigaw ni draco na nagpatigil kay ethan sa pagkanta
"Hey! anong problema mo?bigla bigla nalang sumisigaw " asar naman na tanong ni ethan pero nakayuko lang si Draco then bigla nalang siyang nawala
*******************************
ETHAN POV
" STOP!" Biglang sigaw ni draco kaya napatigil ako sa pagkanta, sira ulo ata to ea bigla bigla nalang sumisigaw
"Hey! anong problema mo? bigla bigla nalang sumisigaw " asar na tanong ko rito pero nakayuko lang siya parang may something then bigla nalang siyang nawala sa paningin ko
"San naman nagpunta yun!?" tanong naman kiefer
"kiefer hanapin mo na muna siya kami nalang muna ni Ethan ang bahala rito"Utos naman ni timothy kay kiefer na agad namang sinundan ng huli
"sira ulo ata yung mokong nayun ea bigla bigla nalang nawawala" asar na sabi ko then sumalampak ako ng upos sa sahig
"It's because of your song choice " sagot ni timothy sakin
"Huh? bakit naman?" nagtatakang tanong ko
"Paniguradong naalala ni draco si eva sa kanta mo dahil yang ang palaging kinakanta ni draco nung kamamatay palang ni eva" sagot naman ni tim na lumungkot ang boses
"Sh*t oo nga no! aHHH! Ang bobo ko bat diko naisip na sad song pala yun" asar na sisi ko sa sarili ko habang sinasabunot ko ang buhok
"Hey stop! para kang tanga , ofcourse di naman kita masisisi sa nangyari kanina kailan kolang naman naikwento sayo yung nangyari " natatawang sabi naman ni tim sakin
"Nah!Kailangan kong magsorry kay Draco"nag aalalang sabi ko then Tumakbo nako palabas nang function hall
"Hey ethannn!!" dinig ko pang tawag sa akin ni tim pero diko na siya pinansin ang mahalaga sakin ngayon ay ang makita si Draco
******************************************
"Gosh kanina pa kita hinahanap na lalaki ka dito lang pala kita makikita" hinihingal na reklamo ko sa lalaking kanina ko pa hinahanap halos nalibot kona ang buong academia sa paghahanap, diko naman expect na dito sa garden ko siya makikita
"Sino ba kasing nagsabi na hanapin moko!?" sagot naman nito without looking at me , nakahiga siya sa damuhan tapos nakatingin sa langit kita ko sa mata niya na parang umiyak siya, syete may ganitong side pala tong mokong nato para lang itago yung sakit na matagal niya ng dinadala nagpapanggap siyang matapang
"Gusto kolang sabihin sayo na sorry sa kanta kanina and I want you to know na i am willing to listen pero if ayaw mo okay lang din naman " sagot ko naman dito pero di siya umimik baka gusto niya munang mapag isa kaya tumalikod nako para umalis
"Stay" bigla niyang sabi kaya napalingon ako sa kanya ganun padin pwesto niya
"Ano tatayo kanalang ba diyan? samahan moko dito" sabi ulit nito then lumingon siya sakin bigla nalang tumibok ng malakas ang dibdib ko , shete! ano bang nagyari bat ang lakas ng tibok? kailangan ko atang magpacheck up ea
"Bat ganun?ano bang nagawa kong masama para paulit ulit na ipaalala sakin yung sakit? bat ba kailangan ako ang makaranas ng ganito? siya lang ang babaeng minahal ko ng totoo bat kinuha pa siya sakin!napakawalang kwenta ko!! hindi ko siya napigilan "Biglang sabi ni draco na nakayuko na ngayon, ramdam ko sa kanya yung sobrang lungkot yung sobrang pangungulila
"Hey! wag mong sisihin ang sarili mo Eva did Sacrifice herself dahil mahal na mahal niya ang crystalia at mahal na mahal ka niya kung hindi niya ginawa yun baka ang buong crystalia ang nawala and always remember na laging may rason kung bakit nagyayari lahat ng mga pangyayari sa buhay natin "sabi ko naman rito
"P*t*ng *nang rason nayan habang buhay na sakit ang pinalit sakin!" galit na sabi nito then bigla siyang tumayo
"Nasasaktan ka kase hanggang ngayon hindi mo pa siya binibitawan, hanggang ngayon umaasa ka na may babalik pang Eva!" asar na sabi ko rito
"T*ng *na para sayo madaling gawin kase hindi mo naranasan!"galit na sabi nito then bigla nalang siyang nawala ulit hays!! Ang sakit sa ulo ah!! mas lalo lang atang lumala ea jusko! makapagpahinga na nga lang muna sa Dorm
***********************************
End of Chapter 18
guys sorry sa mabagal na update, medyo nagiging busy lang talaga ako sa pag aasikaso ng mga papers ko hehe..I hope maintindihan niyo hehe
DONT FORGET TO VOTE AND SHAREEEE!! WABYU YOU ALLLL
BINABASA MO ANG
CELESTIAL ACADEMY
General FictionDo you believe in magic? The magic of the truth ? Magic of the truth that will either destroy you or build you.. its for you to decide!