Maybe none of us knows what is the meaning of life, but we are all hungry for meaning, for our purpose, and we can only answer to life by answering for our own life.
***
"I, Haney Hydes, promise to love you, honor you, but not obey you because that's a little creepy." He widened his eyes dahilan para mapatawa ang mga bisita.
Shine chuckled softly.
"I promise to scratch your back when you are mad." He rolled his eyes again. "She's always mad," his last words were whispered. Natawa uli ang mga tao sa paligid nila pati ang pari ay hindi nakaligtas sa pilyong ugali ni Haney.
"Han!" suway ni Shine sabay napapisil pa ito nang marahan sa mga kamay ng kaniyang kabiyak.
"O-Okay." Pilit sineryoso ni Haney ang natatawang mukha sabay huminga nang malalim.
"With this ring, I give you my life. I promise from this day forward, you shall not walk alone, may my heart be your shelter, and my arms be your home." Sumabay ang nakakagulat na kidlat at malakas na pagbuhos ng ulan kay Haney. Naghiyawan lang ang mga bisita nang mabasa sila ng ulan pero hindi rin sila nagpatinag katulad nina Shine at Haney na hindi umalis sa kanilang puwesto at hinayaan lang mabasa ang mga kasuotan.
"Tuloy lang ang kasal!" hiyawan ng mga bisita at nagkakatuwaan pa ang mga ito kahit basang sisiw na sa lakas ng ulan.
Sinuot na ni Haney ang singsing sa daliri ni Shine.
"May your first act as a married couple be one of love. You may now kiss the bride," wika ng pari.
Shine smiled just as Haney was doing, gazing straight into his molten amber eyes. "Kiss me now, Mr. Hydes," mapang-akit na wika ni Shine kay Haney.
Nasasabik na hinawakan ni Haney ang baywang ni Shine saka nito nilapit ang kaniyang mga labi. Punong-puno ng pagmamahal ang mga halik na pinagsaluhan nilang dalawa sa isa't isa. Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga bisita nila bago tuluyang kumalas ang mga labi nina Haney at Shine.
"Mabuhay ang bagong sakal--- este, kasal!" Nagtawanan ang lahat sa pagbibiro ni Sy, ang bestman ni Haney.
Pasimpleng nilagay ni Haney ang kamay niya sa kaniyang likuran upang hindi makita ng ibang tao at ni Shine, nag-middle finger ito kay Sy. Humalakhak lang nang malakas ang sinukli ni Sy sa kaniya.
Sa wakas at huminto na rin ang ulan pagkatapos ng ilang oras na seremonyas kaya nama'y inumpisahan na nila ang kainan at kasiyahan. Sa dalampasigan lang din ang wedding venue, tanaw ang kulay asul na tubig na payapang paalon-alon sa dagat.
"Para sa ating groom and bride!" ani Sy, sabay-sabay nila tinaas ang hawak-hawak na kopita saka ininom ito.
Hindi rin nagtagal sina Haney at Shine, nauna na silang umalis dahil medyo malayo-layo pa ang kanilang pupuntahan.
Inabutan na sila nang madaling-araw sa biyahe bago makarating sa Villa ng pamilyang Caldwell. Bumungad sa kanila ang malawak na bakuran na may mga puno't halaman at iba't ibang kulay ng mga bulaklak na nagkalat sa pagilid. Hindi naalis ang paningin ni Haney sa nasisilayan niya ngayon, ang napakagandang white glass house ng mga Caldwell, may dalawang palapag lamang ito ngunit napakalapad naman, kung ito'y susumahin apat na bahay ang katumbas nito. Mula sa taas hanggang sa baba ay talagang babasaging salamin ang matatanaw at talagang mabibighani ang kahit sino mang makakakita rito.
Pagkababa nila sa kotse, napalinga-linga pa si Haney sa paligid. Seryoso niyang pinagmamasdan ang kabuuan nang mala-crystal na bahay ng mga Caldwell. Kamangha-mangha ang buong bahay mas lalo na sa malapitan, lahat ay ginto ang presyo ng materyales na ginamit para lang mabuo ang mansyong ito kaya nama'y hindi maikakaila ni Haney na mayaman talaga ang mga Caldwell. Hindi lang ito basta ma-pera, one of the wealthiest family ang Caldwell sa La Vis Ta Vie.

YOU ARE READING
Hamartia
Misterio / SuspensoLife can be wildly tragic. But no matter what sort of difficulties or how painful our experience is, if we lose our hope, that's our real disaster. Shine Caldwell and Haney Hydes, the newly-wed couple whose going to live in Shine's parents for a sh...