Sukli (One Shot)

118 8 8
                                    

 This is my first ever story here. At sisimulan ko sa One Shot. Di ko pa keri ang mala-novela. XD

 Ang istoryang ito ay bunga ng aking malanding imahinasyon.

======

 Sa araw-araw na pagpasok marami akong nakakasabay yung iba estudyante rin na tulad ko, yung iba empleyado.

 May mga nagmamadali at may ibang relax lang.

 May mga inaantok pa, at may iba namang mukhang di na naligo dahil sa sobrang pagmamadali.

Sanay na ko sa masikip na jeep. Yung tipong siyaman lang daw pero pag binilang mo sampu na kayo. Yung tipong umaga pa lang amoy pawis ka na, dahil bukod sa traffic na, dikit na dikit pa kayo ng katabi mo.

 Hilig kong pagmasdan yung mga taong nakakasabay ko sa jeep, at dahil medyo magaling akong makatanda ng mukha, yung iba sa kanila namumukhaan ko na nakasabay ko na din sila dati. Minsan pa nga tanda ko na din kung saan sila bumababa. Ang adik lang nu? XD

 At ngayong araw na to nakatabi ko sa jeep si Terminal Guy. Sa terminal ng bus kasi sya laging bumababa kaya terminal guy na din ang tinawag ko sa kanya. Estudyante sya ng isang kilalang University at mukhang may-kaya din. OO na, Crush ko sya, lagi ko syang tinititigan ng palihim. Ang gwapo nya kasi. >___<

 "Bayad Po" napalingon ako sa kanya, inabot ko naman yung bayad. Di ko sya magawang silipin pano kasi katabi ko baka mahuli ako X3 Pero sinubukan ko pa din. SHOOT! Nahuli nya kong nakatingin sa kanya! Nakakahiya. >///<

 "Miss kelan mo ko susuklian?" Huh? Nagulat ako sa sinabi nya, nainis din. Mukha ba kong driver para ako magsukli sa kanya? Hmmmp. Saka sa pagkakatanda ko sakto lang yung binayad niya!

 "Sige next time na lang." Napatingin ulit ako sa kanya, pababa na sya.

 Ilang araw ko din inisip yung sinabi nya, yun na nga yung unang beses na kinausap nya ko tapos nang-asar pa sya! Badtrip. Crush ko pa naman sya. XD

 Ilang linggo din kaming di nagkasabay. Pero One time nakasabay ko ulit sya. Aba? Nginitian ako ng loko. Problema nito? Mang-aasar nanaman?

 Dalawang tao ang pagitan namin, pero maya-maya lang din bumaba na sila.

Umurong naman siya papalapit sakin. Kami na lang din ang pasahero sa jeep.

 "Miss asan na yung sukli ko?"

 Psh. Sa sobrang inis ko sumagot ako.

 "Sa driver mo hingen!" tumawa naman sya. Ang cute nya tumawa nakaka-inlove. Kaya lang ang lakas nya mang-trip. =___=

 "Sayo ko gustong hingin yung sukli eh!"

 Aba't Anak ng Pagong lang! Tinignan ko sya ng masama. Pero nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.

 "Lagi kitang nakakasabay, lagi mo din akong tinititigan. Ayan tuloy nagkagusto ako sayo."

 O/////O

 "So... Kelan mo ko susuklian?

 Kelan mo ko susuklian ng Pagmamahal?"

======

 CORNY? I know right :D May nag-suggest sakin na gawan ko 

daw ng P.O.V si Terminal Guy Watcha think? Comment po kayo

 (:

 VOTE- If you think that this story deserves it.

 ARIGATOU!

Sukli (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon