Chapter One

10 0 0
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑶𝒏𝒆

'Aaaaaaahhh!!!!! Jayleeeeen notice me please!'

'Jayleeeeen marry me! I'll give everything you want just marry me! '

'Waaaaaaaaaaaaaaaa! Mamaaaaaaaaaaaaa si Jayleeen'

'Jayleeeeeeeeeeeeeeeeeeen!'

Yan lang naman ang aking narinig simula ng lumabas ako ng school. Di ko aakalaing susundan nila ako hanggang dito at di ko din inakalang malalaman nila ang aking school. Maybe ganon na talaga ako kasikat, hindi sa pagmamayabang pero ganon na ang aking antas ngayon di ko nga malaman kung tao pa ba ako sa ginagawa ng mga obsess fans na ito. Nakasakay na din ako sa aking Van matapos ang nangyari sa labas ng school

'Aish! Kelangan ko nanaman lumipat ng school. Kelan kaya ako magkakaroon ng normal na araw? Yung tipong para lang akong isang normal na tao, yung hindi hinahabol. ' sabi ko sa aking sarili

"Nako sir buti nakalusot ka pa doon sa mga fans mo doon sa tapat ng school mo" biglang sabi Kuya Paulo

"Ah, hehe buti nga eh. Akala ko hindi na ako makakaalis sa mga taong yon." medyong matamlay kong sagot

"Paano ba yan sir, lilipat ka nanaman nyan, 1st Month of school palang nakakailang lipat ka na. Pang-Labindalawang lipat mo na ito." si Kuya Paulo

"Hays, wala naman na tayong ibang magagawa, it's for my own safety din naman ang paglipat" sagot ko kay kuya Paulo

Wala nang nagbalak pang magsalita samin, kaya napagdesisyunan ko nalang na matulog habang nasa biyahe.

After 45 minutes nakarating na kami sa bahay

"Oh My God! Baby Jayyyyyy! Are you okay? May nangyari bang masama sayo? May masakit ba sayo? Tell me" bungad ni sa akin ni mommy pag pasok ko sa bahay. Argh, I guess nalaman niya na ang nangyari sakin sa school

"Mom, I'm okay. Wala naman nangyari sakin. Sanay na ako sa ganito mom kaya wag ka na mag-alala" para bang pagod kong sagot kay Mommy.

"Ililipat na kita ngayon, umakyat ka na at magpahinga. Tapos bumababa ka mamayang Alas Tres para mag meryenda at mag-aral" sabi sakin ni mommy

Hay nako, wala ng bago. Kontrolado ni Mommy ang buhay ni Jaylen Aziel Cortez. Hindi ko na nagagawa lahat ng gusto ko. Pati ang kursong gusto kong kunin ay hindi ko din nasunod.

"Argh, lilipat nanaman ako. si Mommy nanaman ang magdedesisyon kung saan ako mag-aaral" sabi ko sa sarili ko pag pasok ko ng kwarto. Agad kong binagsak ang aking katawan sa Kama.

"Ano kaya ang pakiramdam ng mabuhay ng normal? Masaya ba? Mahirap ba? Nakakatakot? Gusto kong maranasan kahit isang araw lang." pagkausap ko sa sarili habang nakapikit.

Nagulat ako bigla ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

**Knock, Knock**

"Sino yan?" matamlay kong tanong

"Baby, pwede ka bang makausap?"

"Sige po mom"

biglang pumasok si Mommy sa kuwarto ko at umupo sa kama ko.

"Baby--"

"It's Jaylen mom, I'm old enough so please don't call me Baby"

"I'm sorry, Jaylen"

"It's okay mom"

"I'm sorry kasi ganito buhay mo"

bigla akong napaupo sa sinabi ni Mommy at tumingin sa mga mata niya

"It's not my intention to ruin your life, Teenager ka na and gusto mo lang naman magkaroon ng normal na buhay. But, this is for your own good,baby"

"Nasaan ang Good sa buhay ko mom?" naluluha kong tanong

"Jaylen.."

"Tinitingala ako ng lahat ng tao mom, at sa mata nila perpekto ang buhay ko which is not true. Akala nila nasa akin na ang lahat. Akala nila lahat ng gusto ko nagagawa at nakukuha ko. Gusto ko lang naman mabuhay ng normal kahit isang araw lang mom. Nasaan ang Good sa buhay ko Mom? "

" Jaylen, listen. Para sa future mo lahat ng desisyon na ginagawa ko. Ayaw kong maghirap ka, ayaw kong magugutom ka. Ayaw ko yon! Kasi sa tuwing iniisip ko yon nasasaktan ako" naluluhang ani ni mom

"You're wrong mom. You're very wrong!" di ko mapigilang sigawan si mom

Pagkatapos 'kong bitawan ang mga salitang iyon ay naramdaman kong dumampi sa mukha ko ang palad ni mommy. Malakas ang pagkakasampal nya sakin, kaya't di na ako magtataka kung mamumula ang pisngi ko.

"Bakit ba ayaw mong sumunod nalang sakin?! Ha?! Ano bang nagawa kong mali para magkaganyan ka?! Pinalaki kitang maayos Jaylen!" sigaw sakin ni mommy

"Mom.. Look matagal na akong sumusunod sayo.. All my life ikaw na ang nagplaplano... Niisa wala pa akong naging desisyon para sa sarili ko, kasi parating ikaw ang kumokontrol sa buhay ko... Nihindi ko nga naranasang makipaglaro sa mga bata sa labas.. Ano ba ako sayo mom?" umiiyak kong ani

"Sumunod ka nalang sakin ng hindi ka mahirapan." malamig na tugon ni mom

Agad akong tumayo at kinuha ang cellphone, wallet at black jacket ko at mabilis na tumakbo paalis ng bahay..

"Jayleeeen!!! Guards sundan nyo anak ko bilis!!!!!" dinig kong sigaw ni mommy

'Sorry mom, Gusto ko munang mapag-isa'

Hoping for more days with youWhere stories live. Discover now