Chapter Two

14 1 1
                                    

"SO, THAT'S ALL MGA LAHAAAM! HOPE YOU LIKE MY VIDEO! DON'T FORGET TO HIT THE LIKE BUTTON AND SA MGA BAGO PA DYAN SUBSCRIBE NA AT PINDUTIN ANG NOTIFICATION BELL PARA UPDATED KA SA KATANGAHAN NI CAICAI. BYEEEE" masiglaaaang pagpapaalam ko sa harap ng camera

'Homaygaaas! Andami kong nakain sa challenge na ire, jusko.'

Kasalukuyang akong nasa isang convenience store, gumagawa ng challenge layk omaygad pwede bang sa susunod ang challenge naman nila yung hindi magastos. Ang Challenge kasi nila 'Eat 12 siopao in just 15 minutes' like ghorl ghad.

Bago ako umalis sa store ay bumili agad ako ng 2 siopao at 2 juice para sana bukas, like di pa din naman ako nagsasawa sa siopao so why not coconut I mean why not na gawin kong brekkie ito.

Payapa akong naglalakad sa Street namin kahit madilim keri lang, hindi naman ako ganon katakot sa dilim basta ba'y wala akong makakasalubong na aso HAHA.

*Bark* *Bark*

"Mama! Huhu ang malaaaaaas paano ako makakadaan?!" Bulong ko sa sarili ko ng makarinig ako ng tahol ng mga aso.

Bigla naman akong nilapitan ng isang aso at tinahulan.

"MAMA!!!!" sigaw ko bago tumakbo

'Potek! Ang malaaaas koooooo!'

Agad akong lumiko sa bakanteng lote kahit madilim doon, doon nalang din ako nagtago kesa sa maabutan ako ng aso.

Limang minuto na ang nakalipas at buti naman ay natakasan ko yung mga aso.

Agad Agad kong kinuha ang cellphone ko para tumawag kay mama at sunduin ako. Pero....

Napakamalas ko, ngayon gabi. Ngayon pa ako naubusan ng Load, Wala ding signal dito. Grrrr. Wala akong ibang nagawa kundi buksan nalang ang flashlight sa cellphone ko ng malaman ko kung nasaan na ako at para makaalis na din.

"Ay anak ng siopao!" halos mamatay na ako sa gulat ng makita kong may tao sa  harap ko naka black jacket at nakaupo. Hindi ko nakikita ang mukha nya dahil natatakpan ng sumbrero nya.

"Oh anong tinitingin-tingin mo jan?" masungit na tanong ni kuya. Pero infairness ang lalim ng boses niya, kyaaaah! Para bang boses ng isang artista at singer yung boses niya. Like omayghad. Kaso masungit hmpk.

"Wala naman, saka may mata ako kaya nakikita kita, hmp" sagot ko sa kanya.

"Stop talking nonsense. Would you please leave me alone?"

"Ha?"

"Halaman" pamimilosopo niya

"Takte. Nakuha pang mamilosopo" bulong ko sa sarili ko.

"Ano yung sinabi mo?"

"Sabi ko bakit ka napunta dito?" pagsisinungaling ko

"Ikaw dapat tinatanong ko nyan. Bakit ka nandito?" malamig nyang tanong

"Ah eh, kasi hinabol ako ng mga aso kaya ako napadpad dito.." medyong nahihiya kong sagot sakanya

"Eh ikaw bakit ka andito?" pagbabalik ko ng tanong sakanya.

"Because I want to." maiksi nyang sagot

"Englishero naman pala" bulong ko pa.

*Bark**Bark*

"Mama!" naiiyak kong sigaw ng marinig ko nanaman ang aso. Bigla naman kaming nilapitan ng aso kaya wala kaming ibang magawa kundi ang umalis sa loteng yon. Tumakbo kami ng pagkabilis bilis.

'WHAAAAAA!!!!! ANG MALAAAS KO NGAYONG GABI HUHUNESSSS!! NADAMAY PA TULOY SI KUYANG MASUNGIT DAHIL SA KAMALASAN KO HUHU'

Agad kinuha ni kuyang masungit ang kamay ko at nagtago sa isang madilim eskinita. Magkadikit ang mukha namin.... Like....... Omayghad!!! Kyaaah! Ang Bangoo nyaaaa!!

Pero di ko pa din nakita yung mukha niya. Grr.

Nung nawala na ang mga asong yon agad akong hinila ni Kuya kung saan. Sumunod nalang ako sakanya.

At Ngayon nasa park na kami. Paano niya nalaman na may park malapit sa pinagtaguan namin?

Umupo naman sya sa swing. Kaya umupo nalang ako.

"Kuya, hehe sorry ha. Tsk nahabol ka tuloy ng aso ng dahil sa akin."

"Nah, it's ok, hehe"

Nagkakahiyaan pa kami ampotek.

Nang makarinig ako ng kumakalam na sikmura agad akong tumingin sa kanya.

"I'm sorry haha, Di pa kasi ako kumakain." nahihiyang pagsosorry ni Kuya.

"Hala, It's okay, Buti may dala akong Siopao. Siguro ito na ang una mabuting magagawa ko sayo."

"Wag na hehe. Nakakahiya."

"Wag kang mahihiya sakin. By the way, My name is Caileigh Reign Salvador. You can call me CaiCai or Laham or Leigh. Depende sayo kung saan ka komportable." masiglang pagpapakilala ko sakanya.

Bigla naman akong nagulat nang tanggalin niya ang kanyang sumbrero.....

Oh My God.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hoping for more days with youWhere stories live. Discover now