Chapter 36

67 13 0
                                    

Dream

Ayoko sana iwan si Rex dahil alam kong nasasaktan siya ngayon. Pinagbuksan niya si Venus ng kumatok ito sa kwarto niya pero sandali lang sila nag usap. Tinanong pa ako ni Venus kung umiyak daw ba ito. Hindi ko nalang sinagot, Nakarating kami sa condo ni Nathan. At sa pag kakaalala ko, hindi ito ang condo niya dati. Mas malaki at mas maganda ito.

"Wow daddy its so huge" sabi ng anak ng makapasok kami sa loob.

"Go tour your self.. Just be careful" nakangiting sabi niya sa anak. Tuwang tuwa siyang tumakbo papunta sa taas.

"Venus careful" sabay na sabi namin sa anak. Tinigan pa namin siya hanggang sa mawala na sa paningin.

Bumuntong hininga ako at naglakad para sundan ang anak. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko. Taka ko siyang tinignan. Naninimbang ang kanyang tingin.

"Why?" Tanong ko.

Titig na titig siya na parang binabasa ang mga mata ko. Nginitian ko siya. "Alam kong gusto mo makasama si Venus, kaya hahayaan kita na makatabi siyang matulog" hinawakan ko ang kamay niya.

Umawang ang labi niya at mas hinila ako palapit sakanya. Kumalabog ang puso ko. "Galit ako sayo pero hindi ko kayang mapunta ka sakanya..."

"Nathan-"

"Gusto rin kita makasama, hindi lang ang anak natin.. Ang tagal niyong nawala, at hindi ko alam kung paano ako na survive na wala ka" inayos niya ang buhok ko. Anong ibig niyang sabihin.

"Nathan. Im sorry, natakot lang ako"

Tumango siya at niyakap ako. Yakap na nakakapagpahina saakin. "You didn't know how much I miss you" bulong niya at marahang hinahaplos ang buhok ko. Naiiyak na naman ako dahil sa sinasabi niya. I miss him too. Miss na miss ko siya, pero ayoko sabihin dahil natatakot ako na magkamali nanaman ako ng desisyon. Kapag sinabi kong miss ko siya. Baka bumalik ako sakanya, sinusubukan ko na siyang kalimutan kahit mahal ko siya. Iniwan ko siya ng walang paalam at sigurado akong nasaktan ko siya ng sobra. At ayoko na siya masaktan ng dahil sakin, ayoko na makasakit.

Dalawang kwarto ang meron siya dito. Tama na rin para saamin. Pwedeng tumabi sakanya si Venus, at pwede ring lumipat saakin ang anak. Wala kaming dalang gamit, ang sabi niya ay bibili nalang niya kami ng bago. Pumayag na ako dahil ayoko ng makipag-away.

Kitang kita ko ang pag po-protesta sakanyang mga mata ng pumasok ako sa kabilang kwarto. Tumulala ako doon at nag isip. Hindi ko akalain na ganito ang kakalabasan. Nasaktan ko si Rex at ayoko na saktan si Nathan, tama na ang mga sakit na nagawa ko. Pinag iisipan ko na kung paano ko sasabihin kay mommy. Gusto ko rin na ako ang mag sabi kay lolo Hyun. Ilang oras ako nag kulong sa kwarto. Bago nag pasyang maligo. Ng matapos ako, walang ibang nakita kundi towel lang. Nakagat ko ang labi ng maalalang wala pala akong damit dito.

Tinignan ko ang sarili at inayos ang pagkakatapis ng tuwalya sa katawan. Kita pa ang dibdib ko kaya mas tinaas ko pa ng konti para matakpan, ngunit ang baba ko naman ang makikita. Napairap ako at hinayaang nalang kita ang cleavage. Lumabas ako sa banyo at dahandahang binuksan ang pinto sa kwarto. Sinilip ko ang labas, kailangan ko ng damit.

"Nathan" tawag ko. Walang sumasagot. Tinignan ko ang katabing kwarto.

"Nathan" tawag ko ulit pero wala.

Nakagat ko labi at lumabas ng kwarto. Sinilip ko ang baba, at agad silang nakita ni Venus na nakaupo sa sofa.

"Nathan" tawag ko mula sa taas.

Sabay silang tumingin. Natigilan siya ng makita ako. Tumitig pa siya bago may sinabi sa anak, tumango lang si Venus at sinundan siya ng tingin paakyat saakin. Nahihiya ako at gusto ko ng pumasok sa kwarto. Gosh ang awkward. Titig na titig siya habang nakatingin saakin. Hanggang sa makaharap ko. He scan my body, napatingin sa dibdib ko.

You're The One (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon