"Ate ano 'yang niluluto mo? Mukhang masarap 'yan 'a," bungad ni Johann matapos akong makita.
"Inagahan ko na nga gising ko at baka malate na naman kayo ng kapatid mo. Asan na nga pala si Tristan?"
"Naku, ate tulog pa si Kuya. Naghihilik pa doon sa kwarto."
"Naku, ang kuya mo talaga tapos ang bagal-bagal pa niyang kumilos. Sayang ang iginising ko ng maaga."
"Hoy, huwag mo kong tinatawanan diyan Johann. Mas mabuti pa na gisingin mo na ang kuya mo. Dali."
"Sige na nga, ate. Baka mamaya niyan, kilitiin mo na naman ako sa tagiliran," saad niya at agad na pinuntahan si Tristan.
Inilapag ko na ang niluto kong longganisa sa mesa at hinango ko na ang mga inilaga kong itlog. Nilapag ko na rin ang kaldero sa gitna nang sa gayon ay hindi na kami magpapatayo-tayo pa.
Mumukat-mukat pa ang mata ni Tristan nang pumunta siya sa kusina habang ang kapatid niya naman ay sabik ng kumain. Kung hindi ko pa siya didilatan ay hindi pa siya kikilos.
Sinabayan ko na sila sa pagkain dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Mabilis namang natapos si Tristan at nagdiretso siya sa banyo para maligo na raw. Si Johann naman ay nagpapakabusog dahil sabi ko sa kanya, maigi iyon para energetic siya sa klase nila mamaya.
Nang matapos silang makaligo at mag-almusal, nagdiretso sa akin si Johann.
"Ate, palagyan naman ako ng pulbo sa likod ko tsaka itong towel para 'di ako pawisan mamaya," magalang niyang pakiusap. Nasaulo ko na ang routine ng batang ito bago pumasok sa school. Ganito rin kasi ang nakikita kong ginagawa sa kanya ni Mama nung malakas pa siya. Sa ngayon, ako na muna ang tumatayong magulang sa kanila.
Inihanda ko ang baon niyang sandwich na ginawa ko kanina at inilagay iyon sa kanyang bag. Si Tristan naman panigurado ay nagpapagwapo pa sa kanyang kwarto. Kung sabagay, binata na rin naman siya at maigi iyon para presentable siyang tingnan lagi. Hindi kagaya noon na basta na lamang siya kung mag-ayos.
Pagkababa ni Tristan ay kaagad siyang humingi ng baon. Pagkabigay ko ng baon niya ay nagtataka ako at nakasahod pa rin ang kamay niya sa akin.
"Ate, pwede pakidagdagan pa ito. May babayaran lang kami sa school," sabi niya habang animo'y nagmamakaawa ang ekspresyon sa mukha.
"Hay naku Tristan. Lagi na lang kayong may binabayaran. Baka mamaya niyan, ipinanglalaro mo lang sa computer shop itong pera na binigay ko sayo ha. Hindi basta-basta nililimot ang pera para sabihin ko sa'yo. Alam mo naman ang sitwasyon natin, 'di ba? Naku Tristan huwag mo akong pagkamutan ng ulo diyan. 'O heto, siguraduhin mong ipambabayad mo 'yan ha," sambit ko. "Bitbitin mo na itong bag ng kapatid mo at nang hindi na kayo malate. Johann, pa-kiss na ang ate."
I waved them goodbye as soon as they vanished from my sight. Umupo ako sa sofa at inihilig ko na ang katawan ko doon. Magpapahinga muna akong saglit at mamayang tanghali ay bibisitahin ko pa si Mama. Tapos after 'nun, 'yung meeting naman na sinasabi ni Ma'am de leon. Drained na naman ako nito panigurado.
Hindi mo namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising na lang ako dahil sa pagtahol ng aso sa labas. Alas-nuwebe na pala ng umaga at may nakasingit na papel sa aming gate. Shocks! Bayaran na nga pala ulit ng kuryente at dagdag na naman ito sa isipin ko.
Kung bakit ba naman ngayon pa nagkandasabay-sabay ang mga problema. Nagkasakit si Mama, tuition na ni Tristan sa susunod na linggo, monthly bills namin at iyong camera ko. Kung may stable job lang sana ako, hindi ako namomroblema ng ganito.
Kinuha ko ang papel na nakasingit sa aming gate at tama nga ako, bill iyon ng kuryente. Pagkapasok komg muli sa bahay at bumungad sa akin ang graduation picture ko na nakasabit sa dingding. Mistulang nangongonsensiya ang pagkakangiti ko sa gradutation pic na 'yun.
YOU ARE READING
Picture Perfect: Captured Heart (ONGOING)
Roman d'amourLove is like a beautiful scenery captured by a camera. It can be seen anywhere. From couples to children playing around, from a happy family to people showing their gorgeous smiles to one another. Every picture has its own meaning and an interestin...