Of Mothers and Regrets

18 2 1
                                    

OF MOTHERS AND REGRETS


"Uy, baon ko." Singhal ko sa aking ina. Pinapakain niya ang lola ko na matanda na at hindi na gaanong nagsasalita. Nakaupo nalang si lola palagi at isa pa siyang pasaning kaybigat sa mabigat na nga naming buhay. Inilapag ng nanay ko ang plato sa mesa at kumuha ng pera sa bulsa niya. Naglabas siya ng bente mula rito at iniabot niya sa akin.

"Ano to? Anong mabibili ko dito?" Singhal ko na naman. Taragis na buhay yan. Simula bata ako, ganito na baon ko. Hindi ba uso ang increase? Nagmamahal ang pamasahe, ang mga bilihin, at dumarami ang mga bayarin sa eskwelahan tapos bente? Ano ba naman yan.

Nag sign language ang nanay ko, base sa pagkakaintindi ko sa sign language niya, sinasabi niyang pasensiya na dahil iyon lang ang pera niya talaga. Hindi raw siya nakapaglabada at pagjuejueteng nalang ang pinagkakakitaan niya. Diba pesteng buhay lang? Tungkulin niya bilang nanay ko na buhayin ako. Na sustentuhan ako. Pero hindi niya magawa. Paanong hindi sasakit ang loob ko? Paanong hindi lalayo ang loob ko sa kaniya?

"Ewan ko sa inyong lahat!" Singhal ko at lumabas na ng bahay. Naiintindihan kong pipi ang nanay ko. Isa yan sa tinatanong ko sa Diyos palagi. Sa dami ng tao ako pa talaga ang binigyan ng nanay na may ganitong kapansanan. Sana man lang kahit pipi siya, mayaman kami. Kaso hindi eh. Kapos kami at hindi kami nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Pagdating ko sa eskwela, binadtrip agad ako ng kaklase kong si Jacklyn. Aniya'y baliw raw ang nanay ko at nakikita niya raw itong sumasayaw sa daan. Sumikip ang dibdib ko. Anong kabalbalan na naman ang ginagawa ng nanay ko? Bakit siya sumasayaw sa daan?

"Baliw ang nanay mo!" Giit ni Jacklyn.

Gusto ko siyang suntukin sa mukha. "Hindi siya baliw!" Singhal ko kasabay ng pagdating ng nanay ko. Perfect. Naglalakad siya papalapit sa amin.

Nakita kong may dala siyang baunan, baunan ko yun at pinagdalhan niya ako siguro pambawi kasi bente lang ang binigay niya. Pero ayoko. Itlog lang naman ang laman niyan panigurado. Araw gabi itlog na ulam namin, pati ba naman baon ko itlog pa rin? Linsyak naman.

"Bakit ka pa ba pumunta dito? Sana hinayaan mo nalang yan!" Singhal ko. "Umuwi ka na nga!"

"Uy bat ganyan ka sa nanay mo." Untag ni Jacklyn. Konti nalang sasapakin ko na to. "Wag mo muna siyang pauwiin diba may PTA meeting dapat sila ngayon?"

"Ano bang pakialam mo!" Sigaw ko sa mukha niya sa sobrang inis ko.

Pagkauwi ko sa bahay, umuubo si lola. Dinaluhan siya ng magaling kong ina na naglapag muna ng kagamitan niyang pang jueteng sa sahig.

"Andiyan na pala si Shei, siya nalang ang bahala sa akin. Magtrabaho ka na." Mahinang wika ng lola ko sa nanay kong tumayo na rin at nagpasyang lumabas na para maghanap buhay. Hanap buhay nga bang matatawag yun? Umuuwi siya rito na ang dala ay singkwenta pesos. Pinang uulam ang trenta kaya bente lang palagi ang naiiwan para sa baon ko kinabukasan.

Wala pang isang oras ay bumalik na siya. Bumalik siya na walang dalang pagkain. Inis na inis ako. Ang sakit na ng tiyan ko sa sobrang gutom tapos wala siyang dala? Anong klase siyang ina?

"Nasan na yung ulam?!" Bayolente akong tumayo. Gamit ang sign language ay sinabi niyang may nang api sa kaniya sa labas at pinagtanggol siya ng tanod kaya pinauwi na lang siya. Umiling ako. Walang silbi kahit kailan.

Nag sign language ulit siya. Mangungutang raw siya sa tindahan. Umakyat na naman yung altapresyon ko.

"Utang na naman?! Utang ka ng utang hindi mo naman nababayaran!" Singhal ko.

"Apo, wag kang ganyan sa nanay mo—" Ani Lola pero pinutol ko siya.

"Sige, kampihan mo pa. Isa ka pa eh." Sabi ko at saka lumabas ng bahay. Malay mo, sa daan may mahanap pa akong pagkain. Kaysa sa bulok na bahay na yun na walang ni isang bakas ng pagkain.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon