Love On Its Second Week [One Shot]

649 28 16
  • Dedicated kay Mr. Convenient Store Man
                                    

AN: First short story I've ever published here so bear with the flaws.

Love On Its Second Week

a one shot story by Eyyrin

All Rights Reserved 2012

**

May crush kasi ako.

Una kong nalaman ang pangalan niya sa name plate na kaniyan suot sa araw-araw na pagtatrabaho sa convenience store na malapit sa babaan ng bus.

Si Eji.

Chinito, matangkad at tahimik kaya malakas ang appeal.

Nung una, hindi ko naman talaga siya gusto.

Ako kasi yung college student na wala sa vocabulary ang salitang crush o kung ano pa mang konektado dun. Busy ako masyado at...

...bitter rin kasi ako. Ok lang, atleast aminado.

Isang araw, chinika si Eji ng mga highschool students na hindi na nakapagpigil. Tili pa sila ng tili habang kinakausap sila ni Eji. Mga buwisit.

At dahil malapit lang eh naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

Nalaman ko tuloy na part-time job lang ni Eji anfg pagiging crew rito. Every 6 to 9pm lang umano ang shift niya. Which was of course an irrelevant fact to know because I didn't really care.

May pinag-iipunan raw kasi siya kaya siya nagtatrabaho but then wala talaga akong pakialam. Nakikinig lang ako kasi may lahing chismosa ang lola niyo.

Eh malay ko bang mapapadalas ako sa convenience store na yun dahil palaging 8pm ang uwi ko. Doon ako palaging nagdidinner dahil lung maghihintay pa akong makauwi sa bahay baka di na ako makaabot. I'm too young to vanish from the face of the earth kaya nagtyaga ako sa pagkain sa nasabing convenience store.

Nagkaron tuloy ako ng daily sulyap kay Eji na gumaguapo yata lalo. Naiinis nga ako eh. Gwapo pala siya? Maputi. Singkit. Manipis ang labi. Pamatay ang ngiti at masigla. Oh god why.

 **

Biyernes.

Pagkababa ko ng bus ay nagtext si mommy, bili raw ako ng sliced bread sa bakeshop na katabi ng convenience store kung nasan ang mala-Korean hearthrob na si Eji.

Habang naghihintay akong pansinin ng tinderang bisi-busyhan ay may tumabi sa right side ko. Kala ko bibili rin. Yun pala, magpapa'palit lang. Baka raw may dalawang 500 si tindera pamalit sa 1000 ni katabi ko.

Base sa usapan nila, pang nth time nani katabi magpapalit kay tindera.

Pinagmasdan ko ang itsura ni tindera.

Hanep!

Ang landi ng ngiti!

Napalingon tuloy ako sa katabi ko. Gulat naman ako, si Eji pala. Kaya naman pala ganun nalang ang itsura ng tindera. Aba at tumaas ang malandi kong altapresyon!

Take note, napaka'raming customers pero kala mo required unahin si Eji! Ganoon siya kalantong.

Habang nagbibilang si tindera ng ipapalit sa 1000, na tig 50 peso bill pa yata paralang matitigan si Eji ng mas matagal, biglang nagsalita si Eji.

"Sorry ah." Aniya.

Nakatingin ako sa malayo nun pero napatingin ako bigla kay tindera na abot hanggang Afghanistan ang kilig. Psh.

Nag sorry ka pa Eji, eh more than willing nga yang si ateng tindera e!

Two reasons.

Una: gwapo ka.

Pangalawa: Malandi siya.

Kamuntik ko nang maibalibag sa mukha nung tindera yung dumaang Victory Liner.

**

Nabaliw ako.

Na-trauma ako sa bakeshop na yon.

Matagal rin akong hindi pumupunta sa convenience store.

Masama ang loob ko dahil sinermonan ako ni mommy dahil sa tagal raw ng tinapay eh umuwi na yung bisita. Aba e kasalanan ko ba? Sisihin yung animal na tindera.

Pero sa totoo lang, nakaka-miss pagmasdan si Eji. Yung ngiti, yung tindig, yung lahat. Ang landi ng imagination ko, naiisip ko siya kahit habang nagkaklase yung panot naming prof.

Nagpipigil lang talaga ako. Baka sakaling mawala rin tong weird feeling ko one of these days.

**

Biyernes. Na naman.

Kinailangan kong sumilong sa convenience store na yun dahil umuulan. May storm signal pa yata. Kape lang binili ko saka umupo sa tapat ng glass window.

Two weeks na rin pala simulanung insidente sa bakeshop. Parang kelan lang umuusok yung tenga ko sa inis.

Inantok ako kaka-hintay tumila ang ulan.

Naiwan ko kasi yung payong sa bahay sa pagmamadali ko.

At salungat sa totoong epekto ng kape, nakaidlip ako. Ganyan ako eh. Medyo may saltik.

Pero saglit lang yun.

Pag gising ko, may kung anong papel sa tabi ng kape ko.

Kinuha ko yun at binasa.

"Hinihintay kita.

Palagi ka namang hindi dumarating.

Galit ka ba?

Inisip ko tuloy nagalit ka nung siningitan kita sa bakeshop.

Nag sorry ako nun sayo, pero baka hindi mo narinig.

Sorry na ulit.

-Eji

THE END

**

AN: Do me a lil favor. Vote ^_^

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon