Sa mundong ating ginagalawan,
Mga matang mapanghusga ay nariyan,
Uusigin ka't pag-uusapan ng talikuran,
Ng hindi naman alam ang buong katotohanan.Kaysakit isiping habang nagpapakabuti ka,
May taong umaaligid para siraan ka,
Gumagawa ng kung anu-anong mga istorya,
Upang sarili nila'y maiangat at ilubog ka sa dusa.Isang malakas na sampal ang sa aki'y gumising,
Na hindi lahat kaibigan sayo ang turing,
Yung iba'y nariyan, nakikinig ng palihim,
Wari'y nakikisimpatya, pero talikuran kang gagaguhin.Kahit araw-araw kang gumawa ng mabuti,
Ang lahat ng tao sayo'y may masasabi,
Kahit alam naman ang tunay na nangyari,
Ieedit nila ito para nasayo ang sisi.Nakakalungkot isiping ika'y huhusgahan,
Sa isang bagay na wala ka namang kasalanan,
Gumawa ka na nga ng mabuti, ang katotohanay natakpan,
Ng sari-saring kwento na edited lang naman.Habang kayo ay nagpapakasaya sa ginagawa nyo,
Di nyo alam marami ang nasasaktan nyo,
Palibhasa, walang pakialam masabi lang ang gusto,
At maging sikat para mga tao sayo'y sumaludo.Kung sana matuto tayong makinig,
Pakinggan, hindi lamang ang iisang panig,
Nang sa ganoon inyo rin mapagtanto at mausig,
Ang tunay na nangyari bago ang inyong pagkatig.Ating isipan nawa'y mamulat sa mga katotohanan,
Pag-ibig ang syang dapat sa ati'y manahan,
Tanging hangad ko lamang ay magkaroon ng kapayapaan,
Maging masaya at pagtutulungan ng bawat isa ay ating makamtan.