chapter 3- Carmi

72 1 0
                                    

Tuwang tuwa si Carmi sa nangyari kanina.

Hindi matanggal ang ngiti sa kanyang mukha.

Pauwi na sya sakay ng shuttle train.

Nang tumunog ang cellphone nya. May nagtext.

Kinuha nya ito mula sa bulsa.

Unknown number.

Hi Lovely Carmi. Razel.

Mas lalong gumanda ang ngiti nya .

Agad nya itong nireplyan.

Hello. :) reply nya.

Ilang segundo lang ang lumipas tumunog uli ang cellphone nya.

we don't have class 2moro, let's go out.

kinilig sya . pero kailangan nyang magpakibot kaya hindi sya tumugon.

Paglabas nya sa train. Tumunog ang cellphone nya. Si Razel tumatawag.

"Hello." she said.

"You're voice is so cute."

Napatawa si Carmi.

"Carmi, please go out with me."

Totoo ba 'toh ?? niyaya sya ng Date ??

Agad nyang pinigil ang sarili sa pagsigaw.

"Ah eh may theater play practice pa kami bukas eh." pagdadahilan nya (pagpapakipot)

"It's okay. after nalang ng practice nyo. Susunduin kita. Kung okay lang sa'yo?"

"Yeah. It's okay."

"Can't wait to see you. Bye for now babe."

Napatalon na parang baliw si Carmi. Nasa terminal sya pero she doesn't mind.

Maya-maya'y huminto sya nang maalala ang gayuma.

"Dahil nga ba doon ?" tanong nya sa sarili.

Kaya bago sya umuwi dumaan muna sya sa mall kung saan nya nakuha ang pinaniniwalaan nyang 'gayuma'.

Laking gulat nya nang madatnan ang isang malapad na pader sa dating kinaroroonan ng shop na iyon.

Akala nya'y nagkamali lang sya. Nagpaikot-ikot sya sa parehong palapag ng Mall. Pero wala syang napala.

Nagtanong-tanong na rin sya sa mga service crew ng Mall , ayon sa kanila. Walang ganung shop na nag-eexist sa Mall na yun.

Nahintakutan sya.

Ano yun ghost shop?? ani nya sa sarili.

Agad syang umuwi .

Sunday...

After ng mass

nagpunta sa university si Carmi para magpraktis ng theather play.

Isa sya sa mga batikang actress ng university.

ang kanyang talento sa pag-arte ang naging susi

kung bakit sya nakapag-aaral sa napakamahal at napakagandang University.

Pagpasok nya sa theater room ...

Sinalubong sya ni Razel na may hawak na bouquet of flowers.

Kinikilig ang mga co-actress nya.

Lalong-lalo na si Jessa na writer nila ng story.

"Thank you." ani nya kay Razel nang tanggapin nya ang bouquet.

" Mas maganda ka pa sa mga bulaklak, Carmi."

"Hehe. Salamat, sige punta muna ako dun para magpraktis."

Nagsimula sila sa pagpapraktis ng tatlong scene.

At sa bawat pag-arte ni Carmi ay pumapalakpak si Razel.

Kaya mas lalong ginaganahan si Carmi sa pag-arte.

Alas 3 nang matapos sila .

Sa dressing room...

Kasama ni Carmi nagbibihis ang mga co-actress nya.

"So Carmi, kayo na ba ni Razel??" tanong ni Ellie.

"Hehe hindi pa." sagot nya.

"Hindi pa ?? este magiging kayo palang ?" si Jordana naman.

"Ambiyosa ka !! hehe !" si Courtney.

"Ginayuma mo sya noh ?" biro ni Jordana.

Pero imbes na tumawa. Napahinto sya. Kinabahan.

Maya-maya'y pumasok si Joanna.

Lumapit kay Carmi.

"Carmi. Congrats sa inyo ni Razel. " ani nito kasabay ang mapait na pagngiti at saka lumabas sa dressing room.

"Hala ka !" sabay-sabay na sabi nila Elie, Jordana at Courtney.

"huh ? bakit ?" tanong nya.

"hindi mo ba alam ?? si ate joanna ay ang ex-lover ni Razel mo ."

"huh? kelan pa?"

"ang alam ko, last month nang naging sila kaso nagbago daw bigla ang lahat.

Napabalita na may ibang girl na si Razel. Nakakaloka. ikaw pala yun!!" kwento ni Courtney.

Napalunok sya.

May girlfriend na pala si Razel ng gawin nya ... ang panggagayuma.

Naaawa sya kay ate Joanna. kaso, masyado na syang masaya ngayon para isipin pa ang iba.

Nang matapos ang pag-aayos sa sarili. Agad na nagpaalam si Carmi.

"Girls, una na ako. Lalabas pa kami ni Razel."

"Geh ! mang-inggit ka pa !!" sabay-sabay na ani ng tatlo.

Sa entrance ng theather nakita nya si Baron. Nag-di-dribble ng bola.

"Hey bawal yan dito ." ani nya rito habang papalapit .

Napangiti si Baron at tinigil ang pag-di-dribble.

"Hi Carmi."

"Hello."

"May g-gusto sana akong sabihin sa'yo eh."

" ano ba yun ?? go ahead ..."

"Ah kase —-" naputol ang sinasabi ni Baron.

"CARRRMIIIIII babe ! " sigaw ng isang lalake. Si Razel. Lumapit ito sa kanila.

Halata ang pagtataka sa mukha ni Baron.

" Tara na ba? " tanong ni Razel kay Carmi.

" Okay, ay wait. ano pala yung sasabihin mo Baron ??"

"Ah wala. Di naman importante yun. Sige bye." at agad itong umalis palayo.

Nagtaka si Carmi sa ikilos ni Baron. Pero hindi nya ito pinansin.

Inakbayan siya ni Razel palabas ng theater.

"Okay lang ba na gawin ko 'toh ?" bulong ni Razel sa kanya.

Ngiti lamang ang sagot nya.

"Nagugutom ka na ba ?"

"medyo." sagot ni Carmi.

"Kain muna tayo, may alam akong restaurant."

Hinawakan ni Razel ang kamay nya.

"Tara dun."

Pinagbuksan ng pinto ng kotse ni Razel si Carmi.

"Sa'yo toh ?" tanong ni Carmi nang nasa loob na sila ng sasakyan.

"Yeah, gift ni daddy."

Ang yaman yaman talaga ni Razel ko sa isip-isip ni Carmi.

Maya-maya'y lumapit si Razel sa kanya at isinuot ang seatbelt.

Spell your love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon