Habang nagbabiyahe sila. Naisipan ni Carmi na pagkakataon nyang ireto si Jessa kay Baron.
Pero bago pa sya magsalita naunahan sya ni Baron. -_-!
"Sinong kasama mong kumain doon?"
"Si Razel."
"Bakit hindi ka nya hinatid? ang bastos naman nun!" %>_
"Hindi ako nagpahatid."
"Ah. bakit naman? Sus. Paano kapag may nangyari sayo dyan sa daan. Buti nalang pala tumawag ako sayo."
"Bakit ka pala tumawag?"
Hindi sumagot si Baron.  ̄︿ ̄
In-on nya ang stereo. Passenger Seat ang music.
Sinabayan nya ang kanta. Sinabayan rin ni Carmi. Sabay nagtawanan sila nang mapansin isa sa kanila ang sintunado.
"Bakit ka nagsinungaling na guardian mo ang tumatawag huh? May problema ba kanina?"
"Ah hindi ah. Akala ko si Tita Beth lang talaga."
Napatawa si Baron at sinabayan uli ang kanta.
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
"Ang ganda pala ng boses ni Baron, nakakainlove. No wonder kung bakit patay-patay sa kanya si Jessa." sa isip ni Carmi. Di nya napapansin na napapangiti na pala sya.
"Sintunado ba?" tanong ni Baron.
"Ah hindi. Ang ganda nga eh. May talent ka palang ganyan ah."
Napangiti si Baron.
"Kaya pala patay na patay sa'yo si Jessa." biglang nagsisisi si Carmi sa sinabi, "oops. wala kang narinig ah."
"Okay." cold ng answer ni baron.
"Anyway, ngayon alam mo na gusto ka nya. Anong masasabi mo sa best friend ko huh?"
"Wala."
"Baron naman eh..."
"Alam mo maganda si Jessa at mabait rin pero hindi sya ang babaeng gusto kong makasama."
*Ouch*
"Kahit ba konti lang hindi papasa si Jessa sa standards mo?"
Hindi sumagot si Baron.
"Dapat makilala mo syang mabuti, sinasabi ko sa'yo maiinlove ka sa kanya."
Hindi pa rin sumagot si Baron.
"Teka, ano ba type mo huh Baron?"
"Antukin."
"Ano?"
"Yung madalas natutulog sa klase."
"Haha. Parang ako lang yun noh? bakit para may makasama ka sa hallway ganun?"
"Oo."
"Ano pa?"
"Makulit."
"Gaano kakulit."
"Basta makulit."
"Ano pa? dali nililista ko."
"Manhid."
"huh ano?"
"nandito na tayo."
Lumingon si Carmi sa bintana. Nasa harap na sila ng apartment ng Tita Beth nya.
"Aaah, pano mo pala nalaman?"
"Project sa History."
"Ayy oo nga pala dito pala tayo gumawa ng group project. Thank you ah."
Hindi nagsalita si Baron.
Hanggang sa makalabas sya may narinig syang "Bye, manhid."
Pero bago pa sya makapagtanong umalis na ang sasakyan kaya binalewala na lang nya.
Pagpasok nya sa gate sinalubong sya ng Tita nya.
Nagmano sya. "Saan ka galing? Gabi na ah."
"Anty, may inasikaso po ako sa school."
"Ah ganun ba. Sinong naghatid sa'yo si Baron?"
"Ah, paano nyo nakikilala yun anty?"
"Eh lagi sa Cake shop natin yun eh. Kumain ka na ba?"
"Opo tita, bakit gising pa kayo?"
"Hindi ako makatulog sa pag-aalala sayo eh. Tatawagan na sana kita kaso naubusan ako ng load magpapaload pa sana ako ngayon."
"Pasensya na po anty kung hindi ako nakapagpaalam."
"Okay lang. Halika na nga pumasok na tayo sa bahay."
Sorry anty, kailangan ko naman magsinungaling sa'yo kasi alam ko madedepress ka kapag nalaman mong may kadate na ako. Sorry po!
BINABASA MO ANG
Spell your love ♥
Fiksi RemajaHanda ka bang gawin ang lahat para sa iyong minamahal ?? maging ang pag-gayuma sa kanya?? tunghayan ang kwento ni Carmi.