Chapter 3

5 2 0
                                    




"So tired.."

Tamad kong hinubad ang sapatos ko at padapang humiga sa kama.

Hindi ko inaasahang mapapagod ako ng ganito ngayong araw. Halos wala kaming pahinga dahil sa dami ng customer kanina.

I thought being a cashier would be easy. Hindi pala.

"You okay?" Zacc asked.

Nandito pala siya? Hindi ko napansin.

"Hindi ako okay."

Umayos ako ng higa at agad napangiwi nang maramdaman ko ang sakit ng aking likod.

Tsk!

Mabuti na lang at sabado bukas, wala akong pasok. Hindi ko na kailangang ma-mroblema kahit late akong magising.

"Did you already eat?"

Umiling ako, "Bukas na."

I hugged my pillow. May sinasabi pa si Zacc pero wala na akong pakialam. Matutulog muna ako.

I'll talk to him tomorrow.

NAGISING ako nang may maamoy na mabangong pagkain. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. And then i saw him.

Topless while readying the food in our small dining table.

I can't help but to stared at him. Para siyang isang international model na naghahain ng pagkain para sa kaniyang ka-date. Parang iyong napapanuod ko sa TV?

Umalis ako sa kama at walang ingay na tinungo ang banyo. Maghihilamos ako. Nakakahiyang humarap sa isang fresh na si Zacc.

Nagmumog na rin ako bago lumabas ng banyo. Dumiritso ako sa cabinet at kumuha ng pera para pambili ng pagkain.

"Where are you going?"

Napatalon ako at nabitawan ang hawak kong singkuwenta. Yumuko ako para pulutin 'yon.

I glared at him. "Huwag ka ngang manggugulat!"

"Okay, I'm sorry."

Tumango ako at tumalikod dito. Nagsisimula na namang uminit nag pisngi ko. Naka-hubad na naman kasi ang magaling kong ka-roommate.

"Where are you going?"

"Bibili lang ako ng pagkain sa baba."

"No need. Bumili na ako kanina."

Nagtataka akong humarap sa kaniya. "Dalawang gabi mo na akong nililibre ng panghapunan, Zacc. At ngayon breakfast naman?"

He froze. Oh shit! Mag-wa-walk out na naman yata siya.

Bakit ba kasi hindi ko mapigilan 'tong bibig ko?

Tumikhim siya, "Okay lang, gusto ko rin naman kasing may kasalo sa pagkain."

Nakahinga ako ng maluwag. Thanks god!He didn't walk out.

"Baka masanay ako niyan!" biro ko.

Napalunok ako nang makita ang mga inihanda nitong pagkain. Fried rice, Juice, Eggs and bacon. May ganito pa lang binibinta si Aling Dining?

Tahimik kaming kumain. Minsan ay napapansin kong nakatitig sa akin si Zacc pero hindi ko na pinansin, baka mag walk out na naman.

It is better this way..

Tahimik pero alam kong habang mas tumatagal, unti-unti kong nakikilala ang ugali niya.

"Thank you for the breakfast, Zacc."

Fixing His Broken Heart Where stories live. Discover now