"Ayoko! Hindi ako papayag. Huhu please naman Jacob, huwag mo naman akong iwan oh"
"Tapos na tayo, Bloom. Ayoko na. I'm tired. I'm really sorry."
"You're tired??? Eh noong napagod ako, hindi naman kita iniwan ah. May iba kana ba? May problema ba ako? Let me change it. Tell me kung anong problema ko, babaguhin ko huwag mo lang akong iwan please. Mahal na mahal kita, Jacob."
"No. It's not you, it's -"
"Putang inang kasabihan na yan! Bakit?! Wala ka namang problema ah. Ang alam ko lang mahal kita Jacob. Mahal na mahal. I accepted you including your flaws. I don't care about the people around us saying such things to us, to you! . Kasi mahal kita, yun ang importante. Bakit kailangan mo pa akong iwan ha?"
" I'm tired, Bloom. We're both immature pa. Para sa'tin naman to eh. Gusto kong hindi sa akin ka mag-fo focus. Gusto kong maging maligaya ka. Kasi kung sakin ka pa, hindi kana masaya eh. Alam ko yun. Kaya please let me go. I love you please let me go. It's for us naman to eh. Mga bata pa tayo."
Hindi na ako nakapagsalita pa. Tama naman siya, we're both immatures pa. Ayoko lang na iwan niya ko kasi mahal ko pa siya.
Iniwan niya akong umiiyak sa labas nang kanyang bahay habang umuulan. Hindi ko na napigilan ang mga luha na lumalabas sa mata ko kasabay ng pag agos nang napakalakas na ulan.
Umuwi akong basa at maga ang mga mata pero nakuha ko pang ngitian si mama at nagdahilan na nawala yung payong ko. Hindi ko kayang tignan sa mata si mama, baka kasi mapansin niyang namamaga ang mga mata ko.
Pumunta na ako sa kwarto, naligo at nagbihis. Hindi na ako kumain kasi wala akong gana. Sinabi ko kay mama na kumain na ako sa labas kaya ako natagalan nang uwi. Gusto ko lang magkulong sa kwarto. Hindi alam ni mama na may boyfriend ako noon kasi bawal. We had a private relationship ni Jacob. Ang hirap pero masaya. Almost 2 years na kaming mag-jowa at almost 2 years ko na rin tinago ni mama. Natatakot kasi ako baka atakihin na naman si mama sa puso pag nalaman o sinabi ko sa kanya. Bawal pa kasi grade 9 pa lang ako nun.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa may kumatok sa pinto. Ayokong buksan, nagpi-pretend lang akong natulog. I cried in silent kasi nasa kabilang kwarto lang si mama.
"Bloom, alam kong umiiyak ka. Huwag ka nang magbasa ng libro sa wattpad na alam mong may namamatay o nakaka iyak. Hindi ako makatulog, Bloom."
Hindi ako sumagot. Narinig ni mama? Paano???
Akala ko bumalik na sa kwarto si mama pero may binilin pa siya.
"Bloom, I think you're asleep. Let me just say this cause you're not the type of person na magsi-share ng problem. I hope you're still awake? Hmm people come and go, Bloom. Everything is temporary. Kaya huwag mong sayangin ang oras mo kakaiyak diyan. Sana wattpad lang ang rason. Sana nga. Time is gold, honey. The clock is ticking. You have to be strong para sa sarili mo kasi in the end kahit marami kapang friends, sarili mo parin ang kakampi mo. Sarili mo parin ang magco-comfort sayo. Sarili mo parin ang uuwian mo. Kaya you have to love yourself, Bloom. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko sayo to, maybe because I remember the first time I cried hard nung narinig kong umiiyak ka, Bloom. At isa pa, we are like flowers, we'll bloom when our time comes. I hope u understand anak kasi ako hindi hahahaha joke lang.... Ano ba ito, nababaliw na ata ko. Sarili ko kinakausap ko. Goodnight, love."
Pagkatapos nun, nakatulog na ako.