"Okay, hold your hat at tumingin ka sa taas. Let's try that. Okay?"
1
2
3
*click
"Bravoooo! Okay that's a wrap! On Tuesday, you have to bring the necklace na binigay ni Diane sayo kanina. Ibibigay ko nalang sa'yo yun kase baka wala ang may ari ng BP Company. Please make sure na madala yun kasi yun 'yung product na iendorse mo na pinakamahalaga okayy?" sabi ng manager ko
"I' ll tell my PA to keep it kasi careless at forgetful ako na tao. Is that okay?"
"sure sure no problem. Okay see you on Tuesday, Tulip."
I nodded. Then we left at that beach. Napakainit. I was wearing a two piece tapos ang tirik pa ng araw, buti nalang hindi ko nalimutang maglagay ng sunblock.
Habang nagmamaneho ako, tinignan ko muna ang PA ko sa rearview mirror at nakita kong tulog na ito. Ayoko munang gisingin kasi napagod din ito. Ako rin naman pero okay lang. Nag drive-thru ako sa Jollibee kasi nagugutom ako, binilhan ko rin ang PA ko para pagkagising niya makakakain na rin siya. Alam ko naman ang gusto niya. We're best friends since junior high. Alam niya lahat tungkol sakin, alam ko rin lahat tungkol sa kanya. Oo PA ko na siya ngayon kasi yun ang gusto niya eh, yun din ang pangarap niya. Sabi ko sa kaniya na sabay kaming mag mo-modelling pero ayaw niya. Gusto niya lang pagsilbihan ako at bantayan kasi yun daw ang bilin ni mama. Ewan ko ba kung bakit gusto niyang maging PA noon pa lang.
Hindi na rin ako nag abala na mag hire nang personal driver kasi marunong naman akong magmaneho, pag pagod na pagod talaga ako si Suzette, yung PA ko yung magmamaneho.
Tinigil ko muna ang kotse kasi traffic, may nagbungguan daw at 2 patay jusko po.
Habang kumakain ako ng inorder ko kanina na fries, napatingin ako sa gilid ko. Katabi ng kotse ko ay isang lalaking naka motor, naka helmet siya pero pamilyar ang kanyang tindig. Binaba ko muna ang bintana tsaka ko tinignan ng mabuti ang lalaking naka-motor. Isip ako ng isip kung sino ba itong nilalang na ito, napakapamilyar. Nakita ko na ang motor na ito, tsaka yung helmet na black na may puti.
Nang biglang pinaharurot niya ang kaniyang motor at yun na nga umandar na pala, kanina pa ako binubusinahan ni manong sa likod. 'pasensya na po!' sigaw ko kahit di naman niya marinig. Putek sino nga ba iyon?
Nagsimula na akong magmaneho, nakita ko rin ang duguan na lalaki na isinakay sa ambulansya. Isang kotse at isang truck ang nagbungguan jusko po.
"Bloom, penge." muntikan ko nang mabitawan ang manibela sa gulat.
"jusko naman zetyy! Muntik na tayong mamatay dahil sa ginawa mo!" sigaw ko
"anong 'tayong'? Ikaw lang woy, wag mo kong idamay! tsk Pengeee!" sabi niya sabay pakita niya ng kaniyang palad na para bang bata na nanghihingi nang lollipop.
"wala ka bang mata ha? Tignan mo nga yang nasa gilid mo, nandiyan yung sayo. Wag kang manghinge, nag da drive ako AT nagugutom rin." sabi ko nang walang lingon lingon sa kaniya kasi nagda drive ako.
"May mata ako! Nakita ko! Kaya ako nanghingi kasi ubos na! hehe penge isa, sige naaaaa Bloom." aba itong patay gutom na ito jusko
"jusko naman Suzette Xyrene! Sa bahay kana kumain ng kumain! Patay gutom. Hindi ba sapat yung isinahod ko sayo haaa?"
Sumimangot ang kaniyang mukha tapos tumawa at umiling iling. Jusko po
At nakamaneho na talaga ako ng malumanay.
"Zetyy! Paki ayos lahat nang gagamitin ko bukas, magluluto lang ako ng dinner natin." sabi ko pagka dating namin sa bahay. Dito na rin namamalagi si Suzette para raw hindi ko siya ma-miss. yak HAHAHAH cheesy