Knock! Knock!
"anak! Bangon na, male-late kana sa school."
.
.
.Knock! Knock!
"anak! Alas diyez i medya na! Ayaw mo pang bumangon diyan?"
.
.
.Knock! Knock!
"Bloom, ano ba! May sakita ka ba? Lalabas ka sa kwarto mo o gigibain ko tung pintuan na'to!"
.
.
.Hinay-hinay kong ibinuka ang aking dalawang mga mata.
Ang sikat ng araw ay tumatama na sa aking mga balat.
Ang kwarto ko nama'y hindi na maitsura sa dami ng kalat.
Ang sakit ng ulo ko.
Ang sakit ng mga mata ko.
Ang sakit ng buong katawan ko.
Ang init.
Ang lamig.
Hindi ko talaga alam kung anong nararamdan ko.
Bumangon na ako at dumerecho sa cr para maligo na't mag-hahanda na.
11th of December. Bloom Cassandra Keir is now single.
Wow. After 1 year and a half month, single na ako? Hindi ko parin ma-sink in ang nangyari sa min ni Jacob.
Unang araw ko ito sa pagiging single.
Hindi ko alam kung kaya ko bang makita si Jacob sa school.
Kaya ko ba?
Kakayanin.
Iiyak lang ako ng isang gabi, tapos ngi ngiti pagkatapos. Let's be strong, Bloom.
Huwag kang magpapa apekto sa kanya.
You begged remember?
Ipakita mo kay Jacob na wala na siyang babalikan.
Ipakita mo sa kaniya na kaya mong mabuhay na wala na siya.
Let's do this, Bloom.
We got this.
Pagkatapos kong kumain, nag-toothbrush na ako't hinintay ko pa ang kuya at kapatid ko sa labas, middle child kase ako.
"Bloom, let's go." sabi ni Kuya
"San si bunso?" sabi ko
"Wala daw silang class ngayon. Ewan ko ba, 'di ako naniniwala. Ano. Tara?" sagot niya
"oh sige. Sabi mo eh."
Naglakad na kami papunta sa school. Malapit lang din naman.
Pagdating namin sa school, walang klase ang first subject namin kasi na ospital daw si maam. Kaya lumabas muna ako sa classroom, pumunta nang canteen at bumili nang coffee.
" iha, anong nangyari sa mga mata mo? Nakagat ka ba nang langgam o bubuyog? may ointment ako dito" sabi ni manang
Ewan ko ba kung maaawa ako sa sarili ko o matatawa kay manang.
"hala manang, wala ito. May problema lang po" ngumiti ako nang mapait at kinuha na ang sukli
"ganon ba. o sha sige, libre nalang yan akin na yung sukli at iuuwi ko yung bayad ko" sabi niya
"hala manang, ayaw ko po"
"anong ayaw? Sige na"
"ayaw ko po yang tanggihan haha maraming salamat po manang!" natutuwang sambit ko
"walang anuman iha, sige na at male-late ka na sa second subject mo" sabi niya at ngumiti
"yung bayad ko manang? Hehe sabi mo libre ih." nakalimutan pa ni manang ha.