Walang pinipiling oras ang lungkot,
Nawala ang tamis ng pulot,
Sapat naba ang isang kusot,
Kung nanuot ang sakit at puot.
Mahal na mahal kita dina mawawala yan,
Kahit tadhana ay hindi ako mapipigilan,
Ang saktan mo ay akin ng nakasanayan,
Mas mabuti na ang mag hintay kaisa sa ipagpilitan.Sa ngayon ay hindi kapa sa akin, ngunit ako ay iyong iyo na, at kung sakaling palarin, hindi ka iiwan mag isa.
Hindi ka hahayaang lumuha muli,
Laging nasa tabi mo sa bawat sandali,
Sa pag lipas ng panahon ako ay mananatili,
Ikaw lang ang tama sa lahat ng mali.Mas matibay ang relasyon, kung ang pondasyon ay pagkakaibigan,
Sana ay magkatotoo ang imahinasyon, at ang hinahangad ko na pagmamahalan,
Mahihihintay ako hanggang sa walang hanggan,
Kahit na ang panalo ko ay walang kasiguraduhan.
BINABASA MO ANG
Sagada
PoetryWala taong gustong maging malungkot, pero masarap mag basa ng tulang malungkot.. Suportahan niyo sana:)