Mula sa malayo, ikaw ay aking natanaw, sa ilalim ng langit na bughaw, at sa paligid na puno ng punong sumasayaw, dahil sa unang tingin, napaka lalim ng iniisip mo kung iisipin.
Kaya hindi ko mapigilan tanungin, kung ano ang gumugulo sa isip mong kalmado, na tila dati ay isang banayad na tubig na umaagos mula sa poso, ngunit ngayon ay tila ba isang alon na galit, na para bang isang napakalakas na bagyo ang sumapit.
Hindi ako nangulit, hindi ako namilit, ang tanging nasambit, lang ng aking bibig ay, makikinig ako sayo. Nandito lang ako, bukas ang mga tenga ko, sa bawat letra na lalabas sa mapupulang labi mo. Sasabay ako sa bawat awit na magpaptahan sa iyak mo, sasakay ako sa kahit anong trip na magpapasaya sayo, dahil nais ko ay bumalik muli ang ngiti sa labi mo.
Ngunit bakit ganito? Hindi bat parang lugi ako? Sa sobrang pagnanais ko na mapangiti ka, mabuo kang muli. Hindi kona pala napapansin na ako pala ay unti unti nang nadudurog, dahil sa sakit ng mga kuwento na iyong nabanggit.
Sa pag iwan niya, sa pag balewala, sa pagwawalang bahala, sa isang bitwin, na matagal ko ng gustong matamasa. At tila ang paligid ay nag bago ng kalooban, pinatigil ang mga punong nag sasayawan, pinakulimlim ang bughaw na kalangitan.
At kasabay ng pag patak ng mahinang ulan, ay kasabay ng muli mong paglisan, ako ulit ay iyong iniwan, ngunit ayus lang naman, paniguradong ako rin ay iyong babalikan, kapag kailangan mo ulit ng tahanang masisilungan.
BINABASA MO ANG
Sagada
PoetryWala taong gustong maging malungkot, pero masarap mag basa ng tulang malungkot.. Suportahan niyo sana:)