Kabanata 8

657 56 0
                                    

Tama nga sila. Na pag first love mo, mahirap mag move on. Pero kahit na ganon, pilit kong kinalilimutan ang lahat ng nangyari.

Dalawang linggo na din pala ang nakalipas nung ginago ako ni Raphael.

Mabuti nalang talaga, hindi ko na siya muling nakita pa. Kasi naman, baka umiyak na naman ako pag nakita ko siya.

Isa pa sa nakabuti saakin ay hindi na ako apektado sa mga video na kumalat.

Dahil una sa lahat, wala naman akong ginawang masama.

"Ang ganda mo, best friend!" Natawa ako ng tumili si Daisy ng makita ako.

"Bolera!"

Agad siyang lumapit saakin tsaka ako niyakap. "Happy birthday, Celestine!"

I smiled sweetly at her. "Thank you, Daisy."

"Ma'am Celestine, pinabababa na po kayo nila Ma'am."

"Oh, tara na daw! Ako ang magiging escort mo ngayon."

"Sira ka talaga!"

Nag tawanan nalang kami ni Daisy at nag desisyon ng lumabas ng kwarto ko.

Dahil 21st birthday ko today, hindi pa din pumayag sina Mommy na hindi ako gawan ng party.

Hindi na ako nag reklamo pa dahil mga business man and woman lang naman ang mga bisita. May invited din na mga close friends ko sa University and yung mga anak ng kaibigan nila Mommy and Daddy.

"You're so beautiful, hija."

"Thank you, Mommy."

"Happy birthday, sweetheart." Si Daddy.

Ngumiti ako at niyakap silang dalawa. Maswerte talaga ako dahil sila ang naging mga magulang ko.

Napayuko ako ng may humila sa gown na suot ko. Natawa ako ng makita ang bunso kong kapatid na hinihila ang gown ko.

"Siya daw ang escort mo." Natatawang sabi ni Mommy.

Natawa na din ako tsaka binuhat ang kapatid ko.

Naging maayos naman ang birthday party ko. Nag thank you din ako sa mga bisita na nakapunta.

Nag karoon din ng sayawan pag patak ng alas onse ng gabi. Hindi na ako sumali at naupo nalang sa upuan ko habang nanonood sa mga nag sasayawan.

"Ma'am Celestine."

Napatingin ako sa isang katulong na kumalabit saakin.

"Bakit po?"

Napatingin ako sa isang maliit na box na inilahad niya saakin. "A-Ano po iyan?"

"Regalo po para sainyo. May nag papabigay po."

Kinuha ko mula sa katulong ang kahon. "Kanino po galing?"

"Hindi ko po kilala eh. Pero Ma'am ang gwapo nun! Baka secret admirer mo po."

Natawa naman ako. "Sige po, salamat."

Nang makaalis ang katulong, binuksan ko ang kahon. Nanlaki ang mata ko ng makitang necklace ang laman.

"Ang ganda.." Mahinang usal ko.

Napangiti ako ng hawakan ang necklace. Kanino kaya ito galing? Ang ganda ganda.

Hindi na ako nag sayang pa ng oras, isinuot ko na ang necklace sa leeg ko.

Sayang naman kasi kung hindi ko susuotin. Ang ganda ganda pa naman. Halatang mamahalin.

Nang matapos ang party. Agad na akong nag tungo sa kwarto ko dahil nakaramdan na ako ng pagod. May pasok pa bukas at mukhang male-late pa ako.

"Wow! Ang ganda ng necklace mo." Natawa ako kay Daisy na hinawakan pa at sinipat sipat pa ang necklace ko.

"Aba. Mukhang hindi nga peke."

"Hoy ano kaba! Hindi ito peke." Natatawang sabi ko sakanya. Nag kibit balikat lang siya at tinitigan ako.

Natigil ako sa pag tawa dahil sa titig ni Daisy saakin.

"Bakit?" Nakangiting tanong ko.

"Masaya ako na okay kana. Na miss ko itong Celestine na palangiti. Payakap nga!"

Hinayaan ko nalang siya na yakapin ako.

Bigla akong nakaramdan ng lungkot dahil talagang naapektuhan din itong kaibigan ko sa nangyari saakin.

Isa din kasi siya sa hindi ko kinakausap nung mga araw na tulala pa din ako at presko pa din saakin ang nangyari.

"Huwag kanang iiyak, huh?"

"Opo."

"Halika na. Ililibre kita." She said and winked.

"Talaga? Manlilibre ka?" Paninigurado ko. Ito kasing kaibigan ko ay ang reyna ng mga nag titipid at talaga namang nakakapagtaka na manlilibre siya.

"Oo naman. Ayaw mo?"

"Gusto."

"Tara na sa cafeteria."

Dahil nga libre lang ang kakainin ko, kinuha ko na lahat ng gusto kong pag kain. Kaya ang ending, nakasimangot na si Daisy.

"Ganyan ba talaga pag broken? Matakaw." Nakangusong sabi niya. Tinawanan ko lang siya.

"Thank you, best friend." Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako nag lakad patungo sa pag pwepwestuhan namin.

Nag kwekwentuhan lang kami ni Daisy ng biglang magawi ang tingin ko sa entrance ng cafeteria.

Agad akong nag iwas ng tingin ng makita kung sino ang pumasok. Si Raphael kasama si Janna.

"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to." Narinig kong bulong ni Daisy habang ang tingin ay nasa may entrance ng cafeteria.

"Mukhang ikaw ang hindi makalimot sa nangyari." Natatawang sabi ko sakanya.

Umirap siya. "Eh ang kapal naman kasi talaga ng mukha nyang bakulaw na yan eh!"

Tinawanan ko nalang ang pag hihimutok ni Daisy.

Inutusan niya pa ako na bilisan ang pag kain para makaalis na kami dito sa cafeteria.

Pinauna ko na si Daisy dahil dadaan muna ako sa CR.

Umalis na din naman agad ako sa CR ng matapos makaihi.

Habang nag lalakad sa hallway, bumagal ang pag lalakad ko ng makilala kung sino ang makakasalubong ko.

Natigil ako sa pag lalakad ng huminto mismo sa harapan ko si Raphael.

Sobrang seryoso ng kanyang mukha habang nakatingin saakin.

Matapang kong nilabanan ang kanyang tingin. Napakunot ang noo ko ng bumaba ang tingin niya sa kwintas na suot suot ko.

Nakita ko ang pag bakas ng kasiyahan sakanyang mata habang nakatingin sa suot suot kong kwintas.

P-Posible ba? Posible ba na galing ito sakanya?

"How are you?" He asked softly. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga mata ko.

Bakas ang lungkot sakanyang mga mata habang pinag mamasdan ako.

I sighed. "I don't talk to strangers. Excuse me." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nilagpasan ko na siya.

"Babe! Kanina pa kita hinahanap."

Natigil ako sa pag lalakad ng marinig ang maarteng boses ni Janna.

Nang lingunin ko sila ay nag tama agad ang tingin namin ni Janna.

She glared at me. "Oh, Celestine you're here pala." Maarteng sabi niya.

Ngumisi ako tsaka napailing iling. "Tss."

Tumalikod na ako at tuluyang nag lakad palayo.

Chasing My Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon