Nang malaman nina Mommy and Daddy na may balak na kaming mag pakasal ni Raphael sa susunod na taon. Kinausap nila si Raphael at nag set sila nag date kung kelan mamamanhikan si Raphael kasama ang kanyang pamilya.
"Talaga?!" Masayang tanong ni Daisy.
Kwinento ko kasi sakanya ang nangyari saamin ni Raphael.
"Where's your ring?"
Kinuha ni Daisy ang kamay ko at ipinakita saakin. "H-Hindi pa siya nag pro-propose?"
Napanguso ako. Oo nga. Wala pa akong singsing.
"H-Hindi pa. Diba nga tinanong niya lang ako tapos pumayag ako?"
"Akala ko ba hindi ka easy to get!"
Binato ko sakanya ang aking tissue. "Sira! Mag hintay ka, ipapaalam ko agad sayo pag may singsing na!"
Tinawanan niya lang ako. Maya maya lang din ay nag paalam na si Daisy na aalis.
Binalik ko na ang atensyon sa trabaho.
"Ma'am?"
"Hmm?"
"Para po sainyo."
Napaamang ang labi ko ng ibaba niya ang isang bouquet of flowers kasama ang paper bag.
"Galing daw po kay Mr. Martinez." Nakangiting sabi niya.
"Thank you."
Tinanggap ko ang bulaklak. Kinuha ko ang isang papel na nakatupi.
Let's have a dinner later. I love you, baby.
"Ang sweet po niya, Ma'am. Sinasabi ko na nga ba, may something po sainyo eh."
I smiled at her. "Sige na Alisha, makaalis kana."
"Sige po."
Nang makaalis si Alisha, binaba ko muna sa table ko ang bulaklak tsaka ko kinuha ang paper bag para tignan ang laman.
Kinuha ko muli ang maliit na papel na nakadikit sa paper bag at binasa ang nakasulat.
Here's your lunch, baby! Ubusin mo yan, si Nanay ang nag luto. I love you..
Mahina akong natawa ng mabasa ang kanyang mensahe. At tulad ng nais ko, itinago ko ang dalawang sulat ni Raphael saakin.
Dalawang klase ng ulam ang pinadala saakin. Isang adobong baboy at giniling na baboy.
Mahina akong natawa. Mukhang mauubos ko nga ito dahil ang sarap ang aking ulam.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Raphael. Nakakadalawang ring palang ng sagutin niya ang tawag.
"Hey, baby."
Napangiti ako ng marinig ang malambing niyang boses.
"Hey. Natanggap ko na. Thank you, i love you."
"I love you more."
"I know."
Parehas kaming natawang dalawa. "Kumain kana?" I asked.
"Not yet. Ikaw?"
"Hindi pa din."
"Kumain na tayo. Susunduin kita mamaya, okay?"
"Hmm."
"Bye, I love you."
"I love you too."
Tulad ng utos ni Raphael. Kumain na ako.
Hindi nga ako nag kamali dahil naubos ko ang pag kain ko.
Napakasarap naman kasing mag luto ni Tita.