Title: Her Sacrifice
Written by: MiaawlovesyouYear 3028
"Bitiwan n'yo ako! Tulong!" rinig kong sigaw ng isang babae kaya napatingin agad ako sa pintuan, hindi lang s'ya nag-iisa.
"Ikaw maingay, dapat parusa!" galit na sigaw ni Roccon, isang robot na mukhang tao.
"Huwag! M-maawa ka sa a-akin..." umiiyak na pagmamakaawa ng babae. Napailing nalang ako sa aking mga nakikita, kahit ang totoo'y nasanay na ako. Sino ba namang hindi masasanay? Sa loob ng 1008 na taon ko dito sa Mars, hindi na bagong may umiiyak na babaeng dinadala dito na galing sa mundong Earth. 𝐴𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑡𝑖 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑢𝑛𝑑𝑜...
"Stephanie! Kunin mga babae dito!"galit parin na sigaw ni Roccon. Lumapit naman ako at pinatahan ang kanina pang umiiyak na babae.
"Huwag na kayong umiyak wala naman na kayong magagawa. Sundan n'yo nalang ako kung ayaw n'yo pang mamatay," giit ko na naglalakad patungo sa laboratory. Ramdam kong hindi sila sumunod kaya bumalik ako upang turukan sila ng pampatulog. "Dalhin n'yo sila sa laboratory," utos ko sa ibang robot na mukhang tao.
"Bagong babae na naman," napasapo nalang sa kan'yang noo si Bernadette, my one and only best friend.
"Yeah, despirado na silang mahanap ang last formula tss." naiinis na tinurukan ko ng hindi pambihirang gamot ang mga babae. 𝐴𝑙𝑜𝑥𝑝𝑜𝑟𝑎𝑐𝑖𝑑, isang gamot kung saan makakahinga ng maayos ang mga tao dito sa mars, and funny to tell para din humaba ang buhay. We're like a living vampire, but we can be dead by explosions.
"I still don't get it, bakit gustong gusto nilang pasabugin ang Earth? They're like demons!" mahihimigan ang galit sa boses n'ya ng sabihin n'ya 'yon.
"Same here," sabi ko nalang. Napalingon kaming dalawa ng may pumasok na dalawang taong robot dito sa laboratory.
"Pinapasabi ng Mistress na kasali kayong dalawa sa titignan ngayong buwan," simpleng sabi nito at umalis na. Napanganga naman ako sa sinabi n'ya.
"What the f*ck?" naiusal ko nalang dahil sa kaba. Is this our end? No it can't be!
"Steph..." naluluhang napatingin sa'kin si Berna. I embrace her immediately.
"Everything's going to be fine, trust me..." nauutal na sabi ko.
---
It's time. Ito na ang araw kung saan kukuhanan kami ng dugo, para malaman kung nasa amin ba ang last formula sa kanilang ginagawang experimento. Ang experimentong maaaring yumasak sa mundong Earth.
"Kinakabahan ako steph..." ramdam ko ang nginig sa kan'yang kamay.
"Shh, magiging maayos din ang lahat..." patuloy parin ako sa pangungumbinsi sa kanya. Ewan ko ba kung bakit hindi na'ko natatakot mamatay, siguro dahil sa katunayang wala nakong babalikan sa mundong Earth. They probably die, hello it's been 1008 years.
It's my turn...
"Ahhhh!" I lost my consciousness when I felt the sudden pain in my brain.
---
"Hey... How are you?" I heard Bernadette's voice kaya napatingin agad ako sa kaliwa ko. I was about to get up but she stopped me. "Wag ka munang tumayo," she demand at wala nakong nagawa kaya humiga nalang ako ulit."H-how's the result?" I asked. But I was shocked by her reaction. 𝑁𝑜, 𝑛𝑜 𝑖𝑡 𝑐𝑎𝑛'𝑡 𝑏𝑒. She gave me a small smile.
"I-i'm positive..." at nakita ko kung gaano nag-uunahang pumatak ang kan'yang mga luha.
"It's not a good joke berna," sinamaan ko s'ya ng tingin. Tumayo naman s'ya at ibinigay sa akin ang 𝐻𝑖-𝑝𝑎𝑑, para itong laptop but it's more high-tech than the normal one. And there I see the results, she's... she's really positive!
"No... It couldn't be!" naiiyak na sabi ko, pinunasan n'ya lang ang mga luha ko at ngumiti sa'kin ng pilit.
"Malaya ka na Stephanie... bumalik ka na sa pamilya mo..." she said while crying. Napailing nalang ako sa tumawa ng pilit.
"Wtf berna? Ikaw nalang ang pamilya ko ngayon, if you were referring to my family in Earth, my goodness! Wala na sila!" I burst out. Nagtaka naman ako ng umiling s'ya.
"No, they are alive... almost 2 years lang tayong nawala sa mundong Earth steph, 2 years lang at hindi 1008 years!" she said na nagpagulat sa akin.
"A-ano? No..." ngumiti s'ya sa'kin at tumango.
"Remember the last 5 girls they got? Nagtanong ako sa kanila kung anong taon na ngayon sa Earth ang they told me that it is f*cking 2022!" she explained. "Now go back to Earth and save them! Save them Stephanie!" she shouted.
"How abo--" hindi ko na natapos ang dapat ay sasabihin ko ng may dalawang taong robot ang kumuha sa kanya. "Saan n'yo ako dadalhin?" Nagpumiglas ako ng may nagtangka ring kumuha sa akin.
"Uwi ka na sa Earth," Roccon said.
"Babalik ako Bernadette, babalikan kita pangako yan..." sabi ko habang nakatingin sa planetang mars na unti-unting lumiliit sa aking mga mata. 𝑈𝑢𝑤𝑖 𝑛𝑎'𝑘𝑜...
"Stephanie?" napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin, hindi s'ya nag-iisa. "Bakit ka nandito?" she asked sa paraang dapat ay wala ako dito. Napakunot naman ang noo ko sa kanya.
"I'll go back to Earth," I explained.
"Huh? But you were the last formula," she said at bakas parin ang pagtataka sa mukha n'ya.
"Wh--" napalingon agad kami sa planetang pinanggalingan namin ng marinig namin itong sumabog.
"Nooo!" I shouted habang umiiyak. "Bernaaaa! No-- please nooo!" ramdam ko naman ang paglapit ng ibang babae sa akin para patahanin ako. "B-berna..." nanghihina na'ko. 𝑊ℎ𝑎𝑡 𝑑𝑜𝑒𝑠 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑚𝑒𝑎𝑛?
"She sacrifice herself for you and for the Earth steph..." I heard from someone na naging dahilan ng lalo kong pag-iyak.
𝐼 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑦𝑜𝑢 𝐵𝑒𝑟𝑛𝑎, 𝑡ℎ𝑎𝑛𝑘 𝑦𝑜𝑢 𝑓𝑜𝑟 𝑠𝑎𝑣𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑦 𝑙𝑖𝑓𝑒...