Chapter 1

1 0 0
                                    

Xervery

"Xery!Xery! Wake up!!!!"

What the? Im in a beautiful dream can't he see?

Im dreaming about My crush

"Xery! Stop dreaming about your crush! Di hamak na mas gwapo pa ko dun"

Hindi ko na lang sya pinansin.

"Xery naman eh!! Alam kong gusto mong makita yung shooting star diba"

Look's like he found out the key to wake me up.

Napatingin na lang ako kay Xenon na bahagyang nakangisi sakin.

"Your not joking? Are you?"

Tanong ko habang Pinaniningkitan ko sya ng mata

"Hindi po kaya tara na dun sa balkonahe para makita natin."

Agad naman akong bumalikwas sa pagkakahiga saka patakbong sumunod sa kanya.

"Maya maya lang makikita na natin yun kaya stand by muna tayo."
Tumango-tango lang ako habang nakatingin sa mga bituin.

"Anong oras na ba Xeny?"

"Arrggghhh, stop calling me Xeny,Xen na lang, parang pang babae yung Xeny eh"
Pagmamaktol nya sakin.

"Ano ba it's unique ako lang ang natawag ng ganun sayo kasi Luis ang tawag ng karamihan sayo"

"What ever twin sis tara tignan na natin yung telescope"

Yep we are twin.And when i say twin,twin kami sa kakaibang paraan.May mga hilig kami na weird saka laging pareho ang nasa isip namin.

Sumilip na rin ako sa telescope katabi nung kay Xenon.

"Whhhhhhhaaaaaa May nakita ko Xeny May nakita ko!!!!!"

Agad akong pumikit para mag wish

Sana makatapos ako at ang kambal ko. Sana stay happy pa rin kaming family and sana mag hiwalay na si Xeny at ang hinayupak nyang girlfriend

Alam kong iisipin nyong ang sama ng ugali ko sa part na sana mag break na si Xeny saka ang hinayupak nyang girlfriend.

Ewan ko ba ayaw na ayaw ko dun.May masama akong kutob sa kanya.Like she's betraying my twin behind his back.Sa ngayon wala pa kong evidences pero maghahanap ako. Ayoko ngang basta loko lokohin na lang tong kambal ko.Kahit naman lagi kaming nag aasaran eh mahal ko pa rin to.

Pagmulat ko napatingin agad ako kay Xeny na nakatingin din sakin.

"Alam kong hiniling mo na mag break na kami ni Cruzzette "
Tinaasan ko lang sya ng kilay.

Unang kita ko pa lang dun sa girlfriend nyang si Cruzzette eh sinabi ko na sa kanyang hindi ko sya gusto.Sinabi naman nya saking kilalanin kong maigi yung girlfriend nya kasi mabait naman yun pero habang tumatagal lalong pasama ng pasama ang pagkilala ko sya kanya.

Im not that good. Mabait lang ako sa mabait sakin pero kung pinaplastic lang din naman ako wala na kong oras para makipagplastikan sa kanila at ganun yung girlfriend ni Xeny.

Inside The Game (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon