One

20 1 0
                                    

Chapter 01

Sa mundong puno ng mga Puno at mga bulaklak. Mga nag liliparang Paru-paru.

Si Inang Blenchita ang pinuno ng mga paru- paro, may apat itong anak tatlong lalaki at isang babae.

Sina Chestune, Britches, Trachiten at ang bunsong si Fronchina Ysabella. Ang ama naman nila ay si Amang Toruktune. Sila ay masasayang mag anak na nakatira  sa nag gagandahang mga bulaklak na katabi ng isang puno.

Sila ang pinaka makapangyarihang paro- paru kasunod naman ang pamilyang Herminsta. Sina Inang Yemba at Si Amang Itru may pito itong anak, Apat na lalaki at Tatlong babae.

"Ina, ako na po dyan" tugon ko. May katandaan na si Ina Maganda ang kulay nito Itim at Pula.

"Sige anak, salamat" sagot ni ina na parang pagod na pagod na. "Ay anak siya nga pala, Pumunta ka sa aking silid mamaya" Ha? Bakit kaya?

Papunta na ako ngayon kina Inang Yemba na parang ina ko na rin. Hawak ko ngayon ang isang pagkain na paborito ni Inang dahil may sakit ito. Nahuli siya kahapon, buti nalang at naka alis agad ito, Nasugatan nga lang ang kaunting parte ng pak-pak nito..

"Magandang hapon po! Pupuntahan ko lang sa silid si Inang dahil may pina-aabot si Ina"  sabi ko sa isang katulong nila.

Pumasok na ako sa kwarto ni inang Yemba.Nadatnan ko siyang natutulog kaya nilapag ko nalang ang pagkain niya sa isang maliit na lamesa.Papa-alis na sana ako ng bigla niya akong tawagin.

"Ysina, halika dito sa tabi  ko. Nabalitaan kong ipadadala ka sa lupa sa mundo ng mga tao, magiging ganap na tao ka rin tulad ng gustong manghuli sa atin" na gulat naman ako.

"Ah,hindi pa ata nasasabi sa'yo ng iyong inang Blenchita. Pasensya pinangunahan ko siya"

"Ayos lang po iyon. Sinabi nga din po saakin ni ina bago ako pumunta dito na pumunta daw ako sa silid niya mamaya" tugon ko.

"Mag handa kana Ysina mahirap makisalamuha sa mga tao lalona't hindi ka pa sanay" Pag payo saakin ni Inang.

"Ahh, mauuna na po ako  marami pa po akong gagawin sa aming tahanan" tumango nalang si Inang na parang alam niyang gusto kona muna umalis duon.



Apat na araw ang naka lipas mula nang sabihin saakin ni inang na papupuntahin daw muna ako pagsamantala sa lupa. Alas siyete nang umaga ngayon. Mamaya pa akong magiging ganap na tao sa tulong ni Terisina

"Anak, mag iingat ka dun sa lupa ha? Wag kang mag papabaya" nasa katabi  kona pala si Ama.

"Oo naman ama, ako pa ang pinaka maganda mong prinsesa ay hindi mapapahamak!" Umiiyak na kami ngayon pero masaya kami. "Hahaha. Nakakatawa ka naman Ysina! Wag mo naman kaming biruin ng ganiyan diba Trachiten?" Pang iinis saakin ni kuya Britches.

"Oo nga Ysina" hindi ko alam kung sinasabayan lang ni kuya Chestune ang dalawa ko pang kapatid. Dahil kilala ko itong mahinhin.

Nag tawanan nalang kaming lima."Hep hep! Ysina! Nakakalimutan mo na ata ako? Kamusta ka? Mag iingat ka lagi ha!" Tugon ni Kaminchino kung tawagin ay Mincho.Kaibigaan ko ito mula pag ka bata.

"Ikaw? Malilimutan ko? Imposible yan' sabat yakap sa kaniya.

"Toruktune tara na sabay-sabay niyong tunghayan ang pagiging tao ni Fronchina" aniya ni Teresina.

Become 'D ChangeWhere stories live. Discover now