Two

12 1 0
                                    

Chapter 2

"Waaaah!Nasaan kaya ako?" Pag tingin ko sa langit ay maliwanag na ibig sabihin umaga na. Nandito ako ngayon sa daanan ng mga sasakyan "Ano! Bakit dito pa ako dinala? Pwede naman sa mas maayos na lugar. Hays"

Nag lalakad ako ngayon sa napaka habang kalsada, nakatingin lang ako sa lupa.
Baaap! "Aray! Ang sakit nun ah!" Naka bunguan ko ang isang lalaki na may kasamang babae, mag asawa kaya sila,pero bakit parang kasing edad ko lang ay mag  asawa na.

"Hoy babae! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo ha? Sa lawak nitong kalsada bubunguin mo pa kami!?" Galit na galit na sigaw saakin nitong babaeng maputi makinis ang balat maganda ang hugis ng mukha singkit ito ng kaunti, pero nakakapansin ang leeg nito na may pula parang sugat maitim din ang gilid nito at may puknit ng kaunti.

"Pag pasensiyahan mo na tong girlfriend ko mainit ang ulo" ha ano napatulala ata ako dito sa lalaking kaharap ko. Tumango nalang ako.

"Paano ba kase first year aniverssary natin ngayon, wala ka man lang pang restaurant! Ano ang makakain natin sa tukneneng ha? Kadiri ang mga yon! Pinagbigyan lang kita nung firstmonth natin pero ngayon hindi na!" At umiikot ang mga mata nito, na hindi ata napansin nitong kasama niya.

"Sorry na baby" pag sagot nitong lalaki na Xavier daw ata ang pangalan malayo na sila pero rinig na rinig ko parin silang nag babangayan.

Pinangbahala ko nalang 'yon dahil ayaw kong masira ang araw ko pero sirang sira na.

Nandito ako ngayon sa katapat ng 'Kalenderya ni Mang Emil' kainan ata ito, gutom narin naman ako kaya bibili narin ako. Teka, wala nga pala akong pang bayad napahawak nalang ako sa bulsa ko. Panong? Pano ako nag ka pera dito?

Agad agad akong pumasok sa loob "Ano po ang sa inyo miss?" Ha Ano daw? "Ah,ano pong o-orderin niyo?" Ah "Yung pinaka masarap po hehe" hindi pa naman ako sanay bumili pero ayos narin yon.

"Ahm, miss total po ay 345" three hundred fourty five ano yon hindi ko alam kaya kumuha nalang ako ng pera dito sa bulsa ko ng isang libong piso daw naka sulat dito sa asul na papel, inabot ko na yon at umalis na.

Hindi ko alam kung bakit dinadala ako ng mga paa ko dito sa mataas na bahay na abot na ng langit.

"Hello mam, welcome room 134 po kayo" hindi ko na napansin itong babae na kaharap ko dahil abala ako sa pag tingin sa mga bagay bagay ang gaganda nang mga 'to.

Nakakita ako ng hagdanan? Kaya umakyat ako hinahanap ko ang 'room' 134 ano ba ang room madami akong nakikitang mga pintuan at may nakasulat 'don na mga numero nasa katapat na ako ng 'room 132' kung tawagin ng mga tao. Hindi ko rin alam kung bakit ko nalaman na malapit na ako.

Ayan nandito na ako kumatok ako ng kumatok pero hindi ito nag bubukas "pasensiya po kung sino ang may ari nito makikipasok lang po" tuluyan ko na ngang nabuksan ang pinto.

Whaaaw ang ganda naman dito. May kaunti akong alam sa mga bagay dahil bago ako pumunta dito sa lupa ay tinuruan ako ni Maestra Siding. Tila isang upuan o bangko ang hinahawakan ko ngayon may apat itong mga paa at may malapad sa itaas at may sandalan ito.

Umikot ako sa buong lugar may dalawa pa akong pintong napasukan pumasok ako sa unang pinto at nakita ko ang mga lagayan ng gamit at may isang malaking higaan ata ito kaya humiga ako napaka lambot naman nito.

Tumayo na ako don nakita ko ang aking sarili dito sa isang bagay na hindi ko alam kung anong tawag katamtaman ang taas ko hindi ako ganoon kaputi ang balat ko nakasuot ako ng pang itaas kulay pula ito at ang pang ibaba ko naman ay kulay abo maikli lang ito.

Become 'D ChangeWhere stories live. Discover now