Part 1

96 3 3
                                    

mEdyo mahaba-haba yung story pero makakatulong to sa inyu mga na FZ,

Definition

Isa sa pinakamaikli at pinakasimpleng definition ng friendzone ay ito: estado ng pagiging magkaibigan LAMANG at walang halong malisya at wala ka sa listahan ng mga taong may posibilidad nyang magustuhan at makarelasyon. Sorry, mukhang mahaba yata. Basta in short, JUST FRIENDS. Huwag kayong malito sa rejected o tablado o basted. Hindi friendzone yun. Kung sinabi mo sa isang babae na gusto mo sya at nireject ka nya at pagkatapos nun ay lumayo na sya sa yo at hindi na kayo tulad ng dati, pasensya na pero hindi ka nafriendzone pare. Normal rejection lang yun.

Ang nafriendzone, yung tipong sinabihan ka ng “ano ka ba, kuya lang tingin ko sayo” o kaya naman “hahahahahahaha nakakatawa ka talaga”. Pero ang pinakamahalaga sa lahat, ay yung friends pa rin kayo na para bang walang nangyari. Walang ilangan dahil walang malisya sa kanya whatsoever. Para sa nakararami, isa itong curse, dahil mas masakit maging friends sa taong “mahal” mo at alam mong alam nya yun at hindi nya susuklian ng “romantic love”. Masakit kasi nakakasama mo pa sya at nakakausap, at minsan nakakatuksuhan at nakakabiruan pero alam mong walang patutunguhan yun. Para kang tumataya sa color black sa color game – sigurado kang hindi ka mananalo dahil wala namang black dun eh! Mas mabuti pang sinabihan kang wag ka nang tumaya kasi hindi ka naman mananalo kaysa hinahayaan ka nyang tumaya sa black. Pero kasalanan mo yun, alam mo na ngang walang black tumataya ka pa rin.

Pero bakit nga ba ayaw natin sa friendzone? Siguro wala naman talagang gustong tumaya sa black sa color game. Kalokohan lang yun diba? Oo, walang sense at walang point tumaya sa black sa color game kung ang tanging goal mo ay manalo. Pero pare, hindi naman dapat yun lang ang goal mo. Kaya ka ba umiinom kasi masarap yung beer? Ako hindi, umiinom ako dahil masaya yung proseso ng pag-inom. Yung experience ang masarap, hindi yung beer mismo. May post ako tungkol dun, pwede mong basahin dito . Kung babaguhin mo ang pananaw mo, makikita mo na masaya din naman sa friendzone. Kung hindi ka pa rin convinced, heto ang ilang benefits ng friendzone:

Benefits Of Being In The FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon