Part 3

42 3 0
                                    

Ligtas Ka Sa Topak

Sabi nila pag mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo ang good and bad sides nya. Totoo naman yun. Pero aminin natin, guys, mahirap din kapag dinapuan ng topak ang isang babae. Madalas dahil “daw” ‘yun sa period nila, pero minsan dahilan na lang nila yun. Haha. Pero kahit ano pa man ang dahilan, minsan tayo ang napagdidiskitahan ng GF natin dahil alam nilang wala tayong palag at tatanggapin lang natin ang kung ano mang isusumbat o irereklamo nila. Pag sinabi nilang “Nakakinis ka! Bakit ang tagal mo magreply?! Gumagawa ka lang naman ng report mo ah! Hindi na ba ko importante sayo?”, alam nilang ang malamang na sasabihin mo ay “sorry” sabay wagayway ng puting flag.

Pero sa babaeng nafriendzone ka, aba walang topak topak. Dahil friends kayo, mag-oopen up sya sayo kapag bad trip sya sa isang bagay o isang tao, pero bihira syang mababadtrip sayo. Hindi ko alam kung hindi lang talaga, o hindi nya na lang sinasabi sayo, pero mas ok yun. Nagtataka nga ko bakit ang friends hindi masyadong nag-aaway kumpara sa magkasintahan. Dahil ba lagi kayong magkasama at magkausap ng GF mo kaya nauumay ka na o napupuno ka na sa mga bagay na hindi mo gusto sa kanya? Hindi ko alam, pero ang alam ko kapag badtrip ang friends ko, hindi nila binabaling sakin ang galit nila. Maybe it all has something to do with expectations. Kung BF ka nya at wala ka dun ng badtrip sya, humanda ka. Kung friends kayo at wala ka dun, aba ano naman diba? Bonus na lang kung nandun ka. Ewan, ang gulo. Haha  :-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Benefits Of Being In The FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon