Padabog akong naglakad palabas nang bahay pano ba naman kasi ang aga-aga inuutusan ako ng ate ko na ibili sya nang napkin.Hindi pa nga ako nakakapag-sipilyo e, sino ba naman ang hindi maiinis dun.
At isa pa, kaya ako naiinis kasi makikita ko nanaman yung mga manyak sa tindahan.
Imagine napakalaki ng purok namin, pero isa lang yung tindahan na pwede mong pagbilhan. Haisst!
Nasa malayo palang ako natatanaw kona ang tindahan na pinamumugaran nang mga berdeng lalaki, isa na dun si Heinz ang pilyo, nakakainis at ang pinakabastos sa kanila.
Sa dinami rami nang pwedeng tambayan, bakit kaya d'yan pa sila sa tindahan tumatambay.
Habang palapit ako nang palapit sa kinaroroonan nila hindi ko maiwasan hindi kabahan, baka kung anong trip nanaman ang gawin nila sakin.
Nang tuluyan nakong makalapit huminga muna ako nang malalim atyaka dumiretso sa nagtitinda na si aling elen.
May dalawang mahabang upuan sa magkabilang gilid ko kung saan nakaupo ang apat na magkakaibigan na abala sa pagkalikot ng kani kanilang cellphone.
Natuwa ako dahil mukhang hindi nila pansin ang pagdating ko.
"Pabili, po! " pabulong na sambit ko.
"Ano 'yun? " wika naman ni aling elen na medyo may kalakasan.
"Napkin po! " mahina ko paring sambit. Ingat na ingat talaga ako sa pagsasalita baka kasi mapansin nila ako kaya dapat mahina lang.
"Anong napkin? Modess, those days o whisper? " malakas na tanong ni aling elen.
Napakagat ako sa pangibabang labi ko alam mo yung ingat na ingat ka tapos yung kausap mo napakalakas magsalita pano kung mahalata nila na ako pala yung bumibili.
"K-kahit a-ano nalang po!! " pautal na sambit ko.
"Bigyan mo sya nang MODESS aling elen, medyo may kalakasan kasi 'yan pagdinurugo! " ang biglang sabat ni Heinz na ngayon ay nasatabi ko na.
At gaya nang nakasanayan tatawa sila na parang wala nang susunod pang bukas, kaya magmumukha na naman akong kawawa.
"Hahaha... Pano mo naman nalaman na malakas duguin yang si kuten? Bakit tol, pinasok mo naba yang TUBO mo sa butas nya? " natatawang tanong ni mark na may halong pangaasar.
"hindi pa e, pero excited nakong matikman 'to. " ani naman ni Heinz nang nakangisi sabay haplos sa likuran ko pababa sa pwetan ko.
Nangingilid na naman ang luha sa mga mata ko, napakabastos talaga nila! Ba't ako nalang parati ang pinagtitripan nila?
Dahil sa inis na nararamdaman ko buong lakas kong sinampal si Heinz sabay kumaripas nang takbo palayo sa kanila.
Wala na akong pakialam sa lintik na napkin na'yan nang dahil dun kaya ako ulit pinagtitripan nang mga lalaking 'yun.
Porket ba bakla ako ay may karapatan na silang tapakan kung ano ang pagkatao ko.
Napakasama nila!
TO BE CONTINUED
YOU ARE READING
With You [BOY X BOY]
Teen Fictiontunghayan ang love story nina Kuten at Heinz... forever nga ba sila? o may hangganan ang kanilang love story? Fentyrna