Pagkapasok ko nang bahay nakita ko si ate danica na nakaupo sa sofa habang pinapanood ang paborito nyang k-drama na legend of the blue sea.
Ewan ko ba kung bakit gustong gusto nyang pinapanood 'yan, e para sakin di naman nakakakilig siguro iniisip nya na sya yung serena dyan, huh asa sya!
Nabaling ang atensyon nya sakin at nagtaas ito ng kilay.
"Di ako nakabili nang napkin mo. " wala sa mood kong turan at dumiretso papasok nang cr paniguradong bubulyawan na naman ako nun.
Naghilamos, nagtoothbrush at naliga ang ginawa ko sa banyo, siguro kulang kulang isang oras at 30 minutos ang itinagal ko sa loob nang cr.
Pagkalabas ko bumungad sakin si ate danica na nakapamewang, ngayon ko lang napansin na nakatapis lang sya at may hawak na modess.
"Kuten, pwede ba sa susunod bilis bilisan mo ngang gumamit nang banyo, tyaka wag kang mag-aasume na babae ka dahil wala ka namang pepe! Isa pa magpasalamat ka dahil hinatid ni Heinz 'tong modess dahil kung hindi sapak ang aabutin mo sakin! " bulalas nya sabay tulak sakin at padabog na isinara ang pinto ng cr.
"hemp! Pasalamat karin dahil kapatid kita dahil kung hindi baka kung ano na ang nagawa ko sayo! " pabulong kong sambit.
Nagpasya nakong pumanhik nang hagdan patungo sa kwarto ko upang maka-pagbihis, enrollment kasi ngayon sa unibersidad na papasukan ko ang San Lazatin University.
Grade 10 naako ngayong taon at masaya ako dahil kahit tatlong taon na naming hindi nakakasama sina mama at papa ay nagagawa parin naming i-mentain ang pagaaral, sa katunayan nga lagi akong nasa First Section mula elementarya hanggang high school.
Teacher si mama sa U. K samantalang si papa ay seaman, pinagbubuti nila ang kanilang trabaho para matustusan ang mga pangangailangan namin sa araw araw.
Kaya bilang kapalit paghuhusayan din namin ang aming pagaaral para kahit papaano ay mapasaya namin sila.
.........
Tatlong beses akong umikot-ikot sa harap nang salamin hindi ako makapaniwala na ang laki napala nang ipinagbago ko.
Dati nung nasa edad siyam palang ako mukha akong galang aso, ngayon na 16 naako kitang kita na ang pinaghalong kagwapuhan na minana ko sa aking ama at ang kagandahang minana ko sa aking ina.
Alam ng mga magulang ko ang tunay na pagkatao ko at wala silang problema dun hangga't wala akong tinatapakan na ibang tao.
Pink T-shirt at white short ang suot ko simple lang pero maganda namang tingnan.
Napagdesisyunan ko nang umalis dala ang envelope na naglalaman nang mga papeles ko na-kakailanganin para sa enrollment.
Opps! Muntik konang makalimutan yung payong medyo tirik na ang araw sa labas mahirap na baka magka skin cancer ako hehe.
Binuksan ko ang payong at tuluyan nang binagtas ang daan papuntang SLU medyo may kalayuan pero pinili ko paring maglakad para narin makapag exercise.
Nasakalagitnaan ako nang paglalakad na ngingiti ngiti,
Kung makatingin kasi ang mga kabaryo ko sakin ay parang ngayon lang nila nakita ang ganito kagandang nilalang hahaha.Naglaho ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang lukot na ekspresyon ng kanyang mukha.
Nakatingin sya sakin naparang may binabalak na masama kapansin pansin din ang pamumula ng kanyang pisngi.
Ha! Sa lakas pa naman nang pagkakasampal ko sakanya talagang mamumula yang pisngi nya, kung hindi lang nya ko binabastos e di sana hindi nya inabot sakin 'yan.
Nilagpasan ko sya nang makalapit ako sa kinatatayuan nya pero bago paman ako tuluyang makalayo naramdaman ko ang paghila nya sa damit ko dahilan para magtama ang aming mga mata.
TO BE CONTINUED
YOU ARE READING
With You [BOY X BOY]
Teen Fictiontunghayan ang love story nina Kuten at Heinz... forever nga ba sila? o may hangganan ang kanilang love story? Fentyrna