Chapter 3 : My Girl

39 3 2
                                    

Jade's POV

Hay heto na. Ito na yung araw na pinakhihintay ng Stars Above. Ito na ang araw ng aming performance.

Well, hihdi naman kami newbie at hindi naman din kami ganun ka-pro. Hindi rin naman ito ang aming unang performance but still mas nakakakaba yung ngayon.

Ewan ko ba kung bkit ako kinakabahan. I mean, we had gigs back then with a large crowd in front of us. And that day Im not even nervous.

"Stars Above! You're next." Sabi nung Organizer ng school.

"So guys.."

Napatingin kaming lahat kay Jat. Medyo nakapagtataka din kase hindi siya hyper ngayon.

"LET'S ROCK!" Bigla niyang sigaw.

Hahahahaha. Kahit kaylan talaga baliw itong si Jat. Mukha siyang tanga sa ginawa nya. Hindi lang kami ang napatingin sa kanya. Pati kase yung mga ibang Organizing Committee ay napatingin sa kanya.

Halos tawa ng tawa ang buong banda pero bigla kaming natigilan nang sumenyas na yung organizer na kelangan na daw naming magsetup sa stage.

"Are you ready?" Tanong sa akin ni X.

"Well, ready as always" Tas sabay fist bump sa kanya. Haha. Nagulat siya sa ginawa ko. Akala ata niya susuntukin ko siya. Haha. Ang slow nya.

"Pambihira ka naman. Haha. Fist bump lng yun X" sabi ko sa kanya tapos agad na ko ng kinuha yung gitara ko at umakyat na kame sa stage.

Wow. Andami pala talagang tao dito.Maliban kase sa mga students ng Erudite High School ay marami din kasengtaga ibang school dito eh. Pero sa dinami dami ng mga nandito na nanunuod ngayon ay may nakakuha sa atensyon ko. 

Walang hiya. May mga grupo na estudyante dito na papansin sa akin. Well, let's say, group of cute boys. Yiiee!! harot harot Jade. Wag ka! FOCUS!

Pero hindi ko talaga magawang magfocus dahil sa trip nila. Hindi man halatang prepared sila sa performance namin ngayon ahh. Akalain mo yun pina-tarp pa nila yung picture ko tas may lighting chuchu pa sila na nakapangalan sa kin.

Hindi naman sa baliw pero nahiya ako dun sa mga ginawa nila. Super kase silang makakuha ng attention eh. Kaya habang tumutugtog ako ay tinignan ko si Jat na parang alam niya yung reason bakit ako napatingin sa kanya. 

Sinenyasan nya ako na tumalikod at tumalikod ako sa sobrang hiya. Hayy, namumula ata ako eh. Bigla na lang kasing uminit ang aking mukha.

Pagkatapos ng performance namin ay agad na kaming nagpack-up at nagayos para makapunta na sa room. Pero akalain mo nga naman, yung mga 'Fans' ko pala ay nakaabang sa aking pagbaba. Well, sorry, haba ng hair ko eh. Hahahaha.

Maya maya pa ay lumapit na sa akin yung isa nilang kasama. Yung pinaka matangkad at gwapo sa kanilang lahat.

To Follow YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon