-3-

21 1 0
                                    

It's been a few days simula nang lumayas ako. When I say few days, it means few hours. Nangangarap lang ako na ilang araw na ang nakalipas simula nang lumayas ako.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Calvin habang dismayadong nakatingin sa apartment sa harap nya.

"I won't die, Caloy," natatawang sabi ko.

Sa totoo lang, natatakot akong manirahan dito. Hindi ako sanay sa hirap pero hindi din naman ako takot mamuhay sa ganitong paraan. At isa pa, mas gugustuhin kong dito tumira kaysa sa napakalaki naming bahay at pakasalan ang kung sino mang lalaki ang mapapangasawa ko.

"Hwag kang mag-alala, kapag nalaman namin kung sino ang mapapangasawa mo-," Sinamaan ko ng tingin si Jared dahil parang sasabog na naman sya sa katatawa.

"Sorry na. Kasi naman, mas naaawa ako sa mapapangasawa mo, napaka-bayolente mo kaya!" Inayos nya ang damit nya at tumikhim. "Anyway, kapag may nalaman kami, ipapaalam namin sayo agad," sabi nya.

"Salamat," sabi ko kahit na masamang tingin pa rin ang ibinibigay ko sa kanya.

"Mauna na kami. Hindi natin alam, baka minamanmanan din kami," ani ni Jared.

Akalain mong gumagamit din pala ng utak ang lalaking 'to.

"Hwag nyong ipaalam 'to kay Sharmaine. Ayokong mag-alala sya sa akin," sabi ko bago sila umalis.

"I can't promise you that," sabi ni Calvin.

"Just try it, Caloy. Natatakot ako para sa babaeng iyon," sabi ko.

"Fine," pagsuko nya. "I'll try,"

"Then, 'till we meet again. I'm Audrey Zionne Angeles,"

"Bye, Audrey!"  sabi nilang dalawa bago umalis.

Kailangan ko pang kausapin ang Landlady. :|

Pabagsak akong humiga sa kama. Mga pwede at bawal lang naman ang mga sinabi nya.

Tinitigan ko ang kisame. Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan.

Ito ba ang buhay na gusto ko?

Sanay ako sa yaman. Laking mayaman eh.

Ang balak ko talaga ay pumunta ng ibang bansa. Sa lugar na walang nakakakilala sa akin. Sa lugar na walang Audriana Dionne Lozaga. Pero, hindi siguradong makakalusot ako sa airport.

Pakiramdam ko kasi, may mga matang nakabantay sa akin. Pakiramdam ko, nakikipagtulungan ang bobito at mukhang pera kong kambal.

"I can do this," I said, trying to encourage myself.

Hindi ako magpapatalo sa kanila.

Nagsimula akong ayusin ang mga gamit ko. Konti lang naman ito dahil dalawang bag lang ang nadala ko.

I stopped arranging my stuffs when my phone rang. I frowned. Ano na naman ang kailangan ng kambal sa akin?

Napalunok ako nang makita ang pangalan ng taong hindi ko gustong madamay sa gulong ito.

Sharmaine Calling...

I tapped the answer button and put my phone on a speaker function, before going back to arranging my stuffs.

|"Audrey, where are you?"| Tanong nya agad.

Hindi ako sumagot. She sighed from the other line and I can already imagine her veins popping on her forehead.

|"Fine. Don't talk, d*mn it. I assume you're safe?"|

"I am," sagot ko.

|"I called you several times pero hindi ka sumasagot. And few hours ago, I called again. Just when I thought you finally picked up, hindi pala. Si Adrian pala,"|

I heard her curse him again and again and again, and I had to put my hand on my mouth just to stop laughing. She hates him to the end.

|"Anyway, something is wrong, right?"| she asks.

"Yeah. Bloody wrong," sagot ko at napahiga sa kama.

She gave me a humourless laugh. |"Just keep safe, Audi. Don't be reckless, okay?"|

I nod even though she can't see me before I ended the call.

Bumangon ako para muling mag-ayos ng mga gamit ko nang may kumatok sa pinto. Napabuga ako sa hangin at naglakad patungo sa pinto.

I switched from my being Audriana Dionne Lozaga to Audrey Zionne Angeles.

The real me- Audriana Dionne Lozaga- has a bad ass side. Saying that I'm a wild animal or something. Sabihin na lang natin na hindi nakakalipas ang isang araw na wala akong nasasaktan.

Kaya naman ngayon, bilang isang normal na tao, pipilitin kong magpakasanto. Kung kakayanin.

Binuksan ko ang pinto at pakiramdam ko'y tumigil ang mundo ko. Saying that he's handsome is an understatement. He's bloody drop dead gorgeous.

He beamed at me. Obviously amused at my reaction. Snap out of it, Audriana! My brain says.

I coughed and raised an eyebrow. "How may I help you?" I asked, trying to sound annoyed.

He frowned as I cursed mentally. Well, shit does happen. "I mean, anong kailangan mo?" Muling tanong ko.

Itinaas nya ang tupperware at nginitian ako. "May dala akong pagkain," Kumunot ang noo ko sa sagot nya.

Wala akong tiwala sa kanya. Sabihin na nating gwapo sya, pero posibleng isa syang ispiya ni Daddy.

Pabagsak kong isinara ang pinto.

"ARAY! FVCK! SH!T!" and so I listen to his charade.

Napakunot ang noo ko. Inglesero. Muli akong napatingin sa pinto at doon ko nakita ang paa nyang nakaharang.

I tsked.

Hindi ko pala naisara ng maayos.

"Paa mo nakaharang," sabi ko nang buksan ko ang pinto.

Tinitigan nya ako na parang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

Okay. Sabi ko, magpapakabait ako, pero sorry dahil hindi ko kaya.

"Can't you fvcking say 'sorry'? D-mn!" Napataas ang kilay ko.

"Excuse me Mr. Whoever, but I don't know you. So don't think that I'll just let a stranger enter my room and a suspicious food on his grasp," I said. "And don't you dare curse because I'm doing my best to swear in my mind and not to say it on your face,"

"And who told you to put your foot there? Are you nuts?" dagdag ko pa.

Magsasalita pa sana ako nang itaas na nya ang kamay nya.

"Anak ako ang Landlady. Sabi ni Mama, kaibiganin ko yung bagong maninirahan dito at dalhin tong pagkain na niluto nya," marahang sabi nya.

Inilahad nya ang palad nya sa harap ko. Tinitigan ko iyon. Mukhang malambot iyon. "Treyson nga pala," pagpapakilala nya.

"Audria-- Audrey nga pala,"

Bwisit. Kailangan ko pang sanayin ang sarili ko. Argh!

Audriana's MistakeWhere stories live. Discover now