-4-

18 2 0
                                    

Hindi ko alam kung anong kalokohan ang nangyayari sa paligid ko pero pakiramdam ko'y may mali talagang nangyayari.

"My name is Treyson Fernadez,"

"I'm Luke Jimenez,"

"I'm Audrey Zionne Angeles," pagpapakilala ko sa harap ng mga nilalang na ito.

Napatingin ako sa dalawang lalaki na pinagigitnaan ako. Treyson at Luke. Transfer student din sila?

Tinignan ko si Treyson at nakita ko syang nakangiti sa akin. Masyado syang jolly. His energy is too much for me.

Ang anak ng Landlady ay transfer student gaya ko?

I narrowed my eyes at him but he just smirked. He's suspicious. Very suspicious.

Tinignan ko si Luke. He's not smiling nor frowning. He's just staring blankly at our classmates. He's not giving anything away.

He reminds me of him.

I shake my head mentally and zeroed my eyes on my classmates.

"Buti nalang at may tatlo pang natitirang upuan. Sakto sa inyong tatlo! Kayo nalang mamili kung saan nyo gustong maupo," masayang sabi ni Ma'am.

Naunang maglakad si Treyson at pumwesto sa upuan malapit sa bintana.

"Pwede bang dyan nalang ako?" tanong ko sa kanya.

Ayokong pumwesto sa gitna. Bakit ba nila ako ginitna?

Nginitian nya ako. "Gusto ko dito eh,"

I felt my insides boiling. Kapag nagpumilit pa ako, baka lumabas lang ang sungay ko.

Padabog akong naupo sa upuan kaya naman nagkaroon ng kaunting ingay. Napatingin sa akin ang isang nerd na lalaki kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. Muli syang napatingin sa harap.

Uso din pala ang nerd sa public school?

The lecture was hell. Naaral ko na naman yan dati, kaya lang kailangan ko kasi ng diploma.

I tried my best to keep myself from yawning but I just can't. I stretched my arms and yawned with a so-unladylike style.

"Angeles!" sita sa akin.

I bite my tongue. Restraining myself from yelling, "Do you want to exchange places with me? I'll teach and you're gonna fcuking listen,"

"Sorry," wala sa loob na sabi ko.

"Are you sleepy?"

Bloody yes, ma'am. "No,"

Pinanliitan nya ako ng mata bago muling nagturo.

This is so not my day!

Napatingin ako kay Treyson at nakita ko syang may binabasang comic book habang nakatakip ito ng text book.

Hindi rin sya nakikinig.

Napatingin ako kay Luke, and voila! He's listening to the boring teacher with the boring lecture!

At least, may matino mula sa aming mga transferee.

Napasalumbaba ako.

It's been days, weeks even. Pero hanggang ngayon, wala akong naririnig mula sa dalawa. At hanggang ngayon, wala rin akong balita tungkol sa mga nangyayari sa loob.

Hindi ko nakita ang mukha ko sa isa sa mga pahina sa dyaryo. Wala rin sa balita mula sa TV. Wala sa tabloids, magazine, at kung ano pang babasahin.

Minsan ko nang naisip na baka binibigay na nila ang kalayaang gusto ko. But I know the worst.

Hindi sila titigil hangga't hindi ako babalik.

I dyed my hair, black. I also used a black contact lense. It was annoying at first, pero nakasanayan ko na din.

Tuwing may tititig sa akin, I can't help but feel suspicious. I always end up glaring at them.

Nang matapos ang klase, napansin kong makabuntot na naman sa akin si Treyson. But the weird thing is kasama nya si Luke.

I find it odd.

"Hindi ko alam na sabay pa pala tayo papasok," di makapaniwalang sabi ni Treyson. "Akalain mo ba namang dito ka rin pala papasok," dagdag pa nya.

Daldal lang sya ng daldal dahil hindi daw sya makapaniwala. He was talking endlessly, and I could punch him from that.

Sa school na pinanggalingan ko, alam nila na ayoko ng ingay.

He's handsome, but he's annoying.

Lihim akong napapatingin sa likod, kay Luke, at gaya ng hinala ko, nakatingin lang sya sa harap.

Napakaseryoso nyang tao.

The complete opposite of this pest beside me. At teka, nasabi ko bang mas gwapo pa sya kay Treyson?

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin non, pero sa likod ng makapal nyang salamin, alam kong gwapo sya.

Napakagwapo, in fact.

Nilingon ko sya. "Luke," tawag ko.

Inilapat nya ang malalamig nyang mga mata sa akin.

Napatigil sa pagdaldal si Treyson at napatingin sa akin. Si Luke naman, blangkong tingin lang ang ibinigay sa akin.

"Bakit ka nakasunod sa amin?" Tanong ko.

Kumunot ang noo nya. "Hindi ba dapat?"

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napailing. "No, I mean, bakit nandyan ka sa likod? Pwede namang dito sa tabi namin," sabi ko.

Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Treyson. From Jolly Treyson, he switched to serious and annoyed Treyson.

"No," madaling sabi ni Treyson.

Napakunot ang noo ko. "What do you mean?" Muli kong ibinaling kay Luke ang tingin ko. I give him a questioning look, pero iling lang ang ibinigay nya sa akin.

"Wag mo nalang pansinin," ani nya.

Tumango na ako at muling naglakad.

My questions can wait.

Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko sa kanila.

Audriana's MistakeWhere stories live. Discover now