Chapter 3

23 0 0
                                    

"Nasan na ba yung damuhong yun?" I wandered aloud. I've been standing here at the bus stop for about half an hour, looking like a complete moron. Paano ba naman 6:00am pa lang eh nandito na ako. Ang pangit na yun naman kasi hindi man lang ako sinabi kung anong oras kami magkikita. bwisit talaga oh!


"Hoy, mukha kang natatae dyan" napalingon ako sa kanya ng sabihin nya iyon. I glared at him, but the nerve of this guy, inirapan lang ako. 


"You asshole, hindi mo man lang sinabi kung anong oras tayo magkikita. mukha akong ta--" i was cut off shortly from my rant when he yawned, his eyebrow still raised. 


"Napaka-ingay mo talaga. putak ka ng putak" naiiritang sabi nito sa akin "oh!" sabay hagis nito ng ID ko saakin. Hindi ko nasalo ng maayos kaya natamaan ako noon sa mukha. Nagpupuyos na ako sa inis.  Wala na akong nagawa kaya isinuot ko nalang ang ID ko. Bwisit tong damuhong to.


"Tanga na nga, assuming, tapos uncoordinated pa. Tangnang yan!" at narinig ko ang halakhak nya. He's doing a really good job at pissing me off. This asshole. 

Bwisit na bwisit na ako dito sa taong to ha. Wala nang ginawa ito kundi ang laitin ako. Namumula na nga ang pisngi ko sa bwisit sa kanya eh. ARGH! 


"Demonyo ka talaga eh ano?" mahinang anas ko, pero mukhang narinig nya kasi napatigil sya sa pagtawa, pero nakangisi naman saakin.


"Devil is my middle name" sagot nito, saka kumindat sa akin. 


Sasagot pa sana ako ng makita ko ang paparating na bus. We immediately got inside when its doors opened. Nauna akong sumakay kaya naman deretso ang upo ko doon sa pwesto nya kuno. Ha! pambawi man lang sa pambibwisit nya saakin kanina. 


"Tss. Di talaga natuto oh." umiiling na sabi nito saakin saka umupo sa tabi ko. I thought that he would let me be, pero nagulat ako ng bigla na lang nya akong buhatid papunta sa kandungan nya para makaupo sya sa pwesto ko kanina. Hindi pa nagreregistered ang mga pangyayari saakin ng bigla nya akong itulak kaya napunta ako sa sahig. 


"Aray!" daing ko nang lumagapak ako sa sahig dahil sa pagtulak nya saakin. napatingin saakin ang ibang pasahero ng bus. Namula ang pisngi ko sa hiya. Inangat ko ang tingin ko para samaan ng tingin ang panget na dahilan ng kahihiyan ko ngayon. "Bakit mo ako tinulak?!" napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya napatingin ulit ang ibang pasahero sa akin. 


"Eh kasi ba naman, Anne" he mocked me, calling me by the nickname my mom calls me "ano pang tinatanga-tanga mo kanina? ayaw mo umalis sa hita ko eh. Nasarapan ka ata sa pagupo saakin." nakangising tudyo nito. Aba't ang kapal ng mukha ng damuhong ito! Siya nga itong-- siya nga itong-- argh! 


"Excuse me noh!" asik ko sabay tayo mula sa lapag "Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na ako yung may gusto noon? eh ikaw  nga--" I was once again cut off from my rant when he suddenly spoke.


"Blah blah blah. Whatever." He made a face, clearly to irritate me more than I am now. 


Sasagot pa sana ako ng biglang umandar ang bus. Nakatayo pa ako kaya muntik nanaman akong matumba. Inaasahan ko na ang pagbagsak ko pero nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Oren kaya't napasubsob ako sa dibdib nya. 


hmm.. in fairness. Mabango sya. Matigas rin ang dibdib nya.. may abs kaya--

naputol ang pagiisip ko ng marinig ko ang tikhim nya. 


"Nasarapan ka nanaman dyan. Di ka na nahiya, kababae mong tao" pagka-sabi nya noon ay dali-dali akong lumayo at tumabi na lamang sa kanya. Namula nanaman na parang kamatis ang pisngi ko sa hiya. 


"H-hindi noh! hmp!" pagsusungit ko dito. Ano ba naman yang mga pinagiisip mo kasi, Olean? Demonyo yan! Gwapo, mabango pero tatandaan mong demonyo yan! paalala ko sa aking sarili. 


Pumihit ako paharap sa kanya para sana magthank you nang maramdaman ko ang kamay nya na nakahawak sa kaliwang dibdib ko. Napanganga ako dahil sa nangyari. Hindi nya rin naman ata inaasahan yon kaya't binawi nya agad ang kanyang kamay. Nakita kong namula pa ang tenga nya. Marunong din pala syang mahiya ano?

Nang makabawi ako sa mga pangyayari ay napasinghap ako at pinaghahampas ko sya. 

"Bwisit ka! Manyak! kanina ka pa ha!" gigil na gigil na utas ko. Patuloy pa rin ako sa paghampas, at sya sa pagsalag ng mga atake ko. 

"Stop it! ouch!" angil nito "Ano ba!" 

"Manyak ka talagang hayop ka! ARGHHH!" nakatingin na saamin ang mga tao ngayon, siguro'y naguguluhan sa mga pangyayari. 


"Ano ba!" nahuli nito ang mga kamay ko kaya't natigil ako sa paghampas "Kung maka-react to. kala mo naman may nahawakan ako sayo! Flat-chested ka uy! Wag kang magilusyon dyan!" Nanlilisik ang matang sabi nito saakin. For the nth time, napanganga ako. 


"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako flat--" napaikot ako ng tingin sa ibang tao sa bus, they looked so amused and entertained. Bwisit. wala man lang bang makakaisip na tumulong saakin dito?

I composed myself. I must've looked calm on the outside, but on the inside, I am full of rage. 

"Mabuti naman at nahimasmasan ka. Para kang tanga kanina na sigaw ng sigaw. Sumasakit ang tenga ko sayo eh" at kinalikot nya pa ang tenga nya, to prove his point. Hindi ko sya pinansin at deretso lang ang tingin sa labas. His eyebrow raised at my lack of response. 

"okay.. You know I'm--" he started but I glared at him. 

"Save it. I don't want to hear it." I snapped. I feel so angry, I wanted to cry. But I'm not going to. At least, not in front of him. 


Nang sa stop na sa may school ko ay dali-dali akong tumayo at naglakad paalis ng bus. I didn't looked back, just keep on walking until I felt my tears pouring. I stopped walking and just bent my head down so nobody could see my tears (though there is no one there with me). I feel so humiliated. I feel so angry. I don't know. I don't know exactly how I'm feeling but its certainly far from good. So far from good.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Friday AfternoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon