19th Death: Shanes

711 39 0
                                    

19th Death
Shanes

LAILANIE

MULA sa kinatatayuan namin ay rinig na rinig namin ang pagwawala ni Shane. Sa may kusina lang naman kasi kaming tatlo dumiretso para bigyan ng privacy 'yong dalawa. At heto na nga, tanaw na tanaw namin si Archi na nakaluhod pa rin sa may sofa at umiiyak samantalang nagwawala sa kwarto niya si Shane.

Sayang. Mukhang mahal na mahal pa naman nila ang isa't isa. Napabuntong-hininga ako at saka hinarap si Alliah. Tayong dalawa ang magtutuos.

"Why are you looking at me like that?" iritadong tanong niya na tinaasan pa ako ng kilay.

Hindi ako nagsalita at mabagal na lumapit sa kanya habang pinapasadahan siya ng tingin. Nang makalapit ako sa may bandang likod niya ay mahigpit kong hinawakan ang buhok niya at inihampas ang mukha niya sa mesa. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa isa niyang kamay na nasa likod na niya ngayon.

"Punong-puno na ako sa 'yo." nanggagalaiting bulong ko sa may tenga niya. "Baka nakakalimutan mong schoolmates lang tayo at hindi magkakaibigan."

"Wala akong pakialam sa 'yo! Bitawan mo 'ko!" Nagpupumiglas siya pero mas idiniin ko lang ang ulo niya sa mesa at mas hinigpitan ang hawak sa braso niya.

"Sa oras na bitawan kita, tumakbo ka na agad palabas. Baka biglang lumabas si Shane at gawin kang punching bag." Pinakawalan ko siya at pinanood ang mabilis niyang pagtakbo palabas. Napapagod na naupo ako. "Ano bang nangyayari?"

"Hindi ko na rin alam." sagot ni Tyrone.

"Sa salas na lang muna kayo. Magliligpit lang ako rito." kalmadong wika ni Jeremy.

"Anong nararamdaman mo, Jeremy?" tanong ko habang pinagmamasdan siya.

"Sa ngayon, nag-aalala ako. Hindi tayo nakakain ng maayos e." pabiro niyang wika at bahagyang ngumiti. "Samahan n'yo na rin muna si Boss. Mahirap na, baka magbigti 'yon."

"Sigurado ka ba?" paninigurado ko.

"Oo. Mas kailangan tayo no'ng dalawa."

Tumayo na kami ni Tyrone at lumipat sa salas. Nakaupo na si Archi at nakapatong ang mga siko sa tuhod. Ang noo niya ay nakapatong naman sa kanyang kamay. Hindi na siya umiiyak dahil wala akong naririnig na ingay mula sa kanya. Mukha lang siyang nag-iisip ng tahimik at malalim.

"There's something wrong." bulong niya.

Nagkatinginan kami ni Tyrone dahil hindi namin alam kung kami ba ang kinakausap niya o ang sarili niya. Hindi namin alam kung dapat ba kaming sumagot o hindi. Wala na kaming nagawa nang may biglang kumatok na malamang ay si Alliah lang naman.

Ano na naman bang problema ng babaeng 'yon?

Bago pa makakilos ang isa sa amin ni Tyrone ay nauna na si Archi na magbukas ng pinto. Napatayo kami ni Tyrone sa bilis ng mga pangyayari. Si Shane ang napagbuksan niya ng pinto pero hinila siya nito para sakalin gamit ang braso at tutukan ng espada sa leeg.

Alam kong galit si Shane pero hindi niya magagawang patayin si Archi.

"You're not her." Malamig na ulit ang ekpresyon ni Archi maging ang pananalita niya.

"How could you say so, Azi?" Malambing ang boses ni Shane na ikinatindig ng balahibo ko.

"Coz she will never do this to me no matter how much she's loathing me." Siguradong-sigurado ang boses ni Archi kaya kumalma rin ako.

Pero kung hindi siya si Shane, sino siya? Pinagmasdan ko ang babae. Magkamukhang-magkamukha sila ni Shane mula ulo hanggang paa at pati pananamit ay parehong-pareho. Ganoon din ang boses at paraan ng pananalita.

"May kakambal ba si Shane?" tanong ni Tyrone.

Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin naman alam. Hindi kami makakilos dahil baka mapatay si Archi kapag hindi natuwa sa amin ang babae.

"Tss. Don't be so sure, Azi." Tumingin sa gawi namin ang babae at sumipol. "Hey, Shane, 'yan na ba ang bata?"

Napatingin ako sa likod para lang makita si Shane na hawak din si Jeremy at tinututukan ng baril sa ulo. Kakaiba ang baril na 'yon dahil parang umiilaw iyon at masyadong malapad. Napatingin ako kay Jeremy na seryoso ang mukha.

"Hindi kayo si Ate Shane."

"Paano mo nasabi?" sarkastikong wika no'ng dalawa.

"Dahil hindi niya gagawin sa akin 'to."

Pareho sila ni Archi na sigurado sa sinasabi. Naniniwala naman ako sa kanila pero nagtataka ako kung paano nakapasok ang isang 'to sa loob kung hindi siya si Shane?

"Tss. Masyado kang naging kampante, bata. Hindi ba't sinabihan na kitang 'wag magtitiwala kahit sa akin?" Nakakalokong tumawa si Shane na may hawak kay Jeremy. "Tingnan mo tuloy. Mamamatay ka sa kamay ng tinatawag mong Ate."

"Hindi ikaw si Ate Shane." paninindigan ni Jeremy kahit dumudungaw na sa mga mata niya ang pinipigilang luha. "Hindi ka siya."

"Tss. Ang lakas naman ng loob mong paiyakin ang batang 'yan?" Biglang sumulpot si Shane sa gitna ng dalawa niyang kamukha. Nilingon niya sina Archi. "Akalain mong alam mo ang tawag ko sa kanya? Walang originality."

Ngayon, sigurado akong ang totoong Shane na ito.

"Of course, I am you."

"Physically, yes. But mentally?" Umikot ang mga mata ni Shane. "No. You don't know how my mind works."

"But we can kill them this instant." sabay na wika ng dalawang impostora at parehong sinugatan sa leeg ang dalawa.

"Chill. Mag-usap muna tayo, mga tanga." sarkastikong wika ni Shane. "Hindi ba't papipiliin n'yo pa ako kung sino ang ililigtas ko? Ganoon ang ginagawa sa mga nababasa ko."

"Pero wala tayo sa libro." sagot ng impostorang may hawak kay Archi. "Kung nahihirapan kang kumilos diyan, pwede kitang bigyan ng kondisyon."

"Spill it."

"Hmm. Papalayain naman ang bata kapalit nito." Dinilaan ng impostora ang tenga ni Archi na ikinangiwi ko. "Itatapon mo na lang din naman siya, pakikinabangan ko na. Akin na lang siya."

"Sige, sa 'yo na siya." mabilis na sagot ni Shane kaya nakita ko ang pagbakas ng sakit sa mukha ni Archi. "Kapag napatay mo 'ko."

"Hmm. Pagpalitin natin---"

"Tanga ka ba?" putol ni Shane. "Sa akin lang ang dalawang 'yan at kung gusto mo silang kunin, dadaan ka muna sa 'kin."

Napangisi ako sa tinuran niyang iyon. Siguradong-sigurado ako na si Shane ang ikatlong sumulpot.

"Iniisip mo bang makakaya mo kami? Kami ay ikaw, Shacyne." wika ng impostorang may hawak kay Jeremy. "Wala tayong pinagkaiba."

"Bakit ko iisipin kung kaya ko namang gawin?" Iwinasiwas ni Shane ang hawak na espada. "Tara na, mga tanga. Tingnan natin kung sino ang mamamatay at kung sino ang mabubuhay."

Seryoso ang mga mata ni Shane kahit may kakaibang ngisi siya sa labi na ikinatindig ng balahibo ko. Kinakabahan din ako sa pwedeng mangyari dahil may hawak silang kasamahan namin. Isang maling galaw lang ni Shane ay may mawawala sa amin.

"Sige. Sisiguraduhin kong mapupunta sila sa amin."

CIEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon