41st Death: Jeremy

456 33 0
                                    

THIRD PERSON

"DADDY." seryosong tawag ni Shacyne sa ama.

Napalunok si Cyne tono ng anak at itinigil muna ang paghihiwa ng gulay bago mag-angat ng tingin sa anak. "Bakit, mahal?"

"May dapat po ba akong malaman?"

"Wala?" Halatang hindi sigurado si Cyne sa sinabi na mas ikinakunot ng noo ng kanyang anak. Napanguso siya sa nagdududang titig ng anak kaya napakamot siya sa batok at inilapit ang mukha rito. "Ang totoo, may napapansin kasi ako sa mommy mo pero hindi pa ako sigurado kaya hindi ko pa sinasabi sa 'yo."

"Mayroon pero hindi pa pwede." wika ni Shacyne na ikinataka ni Cyne. Pinaikot ni Shacyne ang mga mata dahil sa slow na pag-iisip ng ama. "Yon na lang po sana ang isinagot mo sa akin."

Napaawang ang labi ni Cyne bago nakangusong ginulo ang buhok ng anak. "Mana ka talaga sa nanay mong maganda. Biruin mo, limang taon ka pa lang pero para ka ng matanda kung magsalita? Ganyan na ganyan ang nanay mo noon."

Nginitian lang siya ni Shacyne kaya nagpatuloy na siya sa pagluluto. Pinakain niya muna ang anak bago ihanda ang pagkaing dadalhin sa kwarto nilang mag-asawa. Tanghali na pero hindi pa rin nagigising ang asawa niya. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil talagang pinagod niya ito kagabi. Inilapag niya muna sa side table ang tray bago marahang ginising ang asawa. Nagising naman ito agad at dumiretso ng banyo para mag-ayos. Inilapag niya sa kama ang tray na tila isang maliit na mesa habang hinihintay ang asawa. Magkatapat silang naupo at nasa pagitan nila ang mga pagkain.

"Si Shane?"

"Pinakain ko na. Malamang na nakikipag-usap na 'yon sa mga kaibigan niya ngayon." sagot ni Cyne at sumubo ng pagkain. Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling dumiretso sa banyo para iduwal ang kinain.

"Sinasabi ko na nga ba." Naiiling na tumawa si Shana habang hinihintay ang asawa na makabalik. "Ano, babe? Ayos ka lang?"

"Okay lang ako. Pero 'wag mo ng kainin 'yan." Akmang kukunin na ni Cyne ang tray nang hawakan 'yon ni Shana. Nagsalubong ang kilay niya. "Babe? Ang sama ng lasa n'yan kaya papalitan ko."

"Hindi naman a? Panlasa mo lang 'yan, Cyne." Pinigilan ni Shana ang mapatawa sa itsura ni Cyne nang sumubo siya ng pagkain. Kaya lang ay hindi rin niya napigilan ang saya kaya napahagikhik siya na ikinataka nito. "Alam mo, babe? Naniniwala na 'ko."

"Naniniwala saan?" tanong ni Cyne na masama na ngayon ang tingin sa pagkain na kinakain niya.

"Na mahal mo ako ng higit pa sa pagmamahal ko sa 'yo."

"Mabuti. Dahil 'yon naman talaga ang gusto ko noong simula pa lang." Nakasimangot na nag-angat ng tingin si Cyne. "Wag mo ng pagtiyagaan ang luto ko. Mas gugustuhin ko pang ipagluto ka ulit kaysa sumakit ang tiyan mo diyan."

"Masarap ang luto mo, babe. At kung may mali man dito, nagreklamo na sana si Shane sa 'yo. Ganyan lang talaga ang panlasa mo dahil ikaw ang naglilihi para sa akin. Naranasan mo nga rin ang morning sickness kanina hindi ba?" Tumaas ang sulok ng labi ni Shana. "Congrats, babe! I'm three weeks pregnant. Magiging daddy ka na ulit."

Nahulog si Cyne sa kama sa sobrang gulat na ikinatawa ng todo ni Shana.

"Tangina, ako pa rin ang nagkukwento." reklamo ni Shacyne at iritadong sinuklayan ang buhok. "Ganito rin kaya ang ginagawa nina Lesia at Yui?"

"Sa tingin ko'y hindi." sagot ni Dale. "Kasama ni Lesia sina Lysa at Nathaniel. Si Yui naman ay may Lerine. Ikaw lang ang walang tagapagsalita, Ayen." Tinapik niya ang balikat nito at inignora ang masamang tingin nito sa kanya. "Kaya mo 'yan. Hindi ka nila maiintindihan kung hindi ka magsasalita at magsisimula sa umpisa."

CIEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon